Font Size
2 Samuel 15:7-10
Magandang Balita Biblia
2 Samuel 15:7-10
Magandang Balita Biblia
7 Lumipas ang apat[a] na taon at sinabi ni Absalom sa hari, “Pahintulutan ninyong magpunta ako sa Hebron upang tuparin ko ang aking panata kay Yahweh. 8 Nang nakatira pa ako sa Gesur ng Aram ay nangako ako nang ganito: ‘Kung loloobin ni Yahweh na ako'y makabalik sa Jerusalem, pupunta ako[b] at sasamba sa kanya.’” 9 Pinayagan naman siya ng hari. Kaya't naghanda agad si Absalom at nagpunta sa Hebron. 10 Ngunit bago lumakad, siya'y lihim na nagpasugo sa lahat ng angkan ng Israel, at ito ang ipinasabi: “Kung marinig ninyo ang tunog ng trumpeta, isigaw ninyo: ‘Mabuhay si Absalom ang hari ng Hebron!’”
Read full chapterFootnotes
- 2 Samuel 15:7 apat: Sa ibang manuskrito'y apatnapu .
- 2 Samuel 15:8 pupunta ako: Sa ibang manuskrito'y may dagdag na sa Hebron .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.