Add parallel Print Page Options

Kasamaan sa mga Huling Araw

Ngunit unawain mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahon ng kapighatian.

Sapagkat ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapanlait, suwail sa mga magulang, mga walang utang na loob, walang kabanalan,

walang katutubong pag-ibig, mga walang habag, mga mapanirang-puri, mga walang pagpipigil sa sarili, mababangis, mga hindi maibigin sa mabuti,

mga taksil, matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan sa halip na mga maibigin sa Diyos;

na may anyo ng kabanalan, ngunit tinatanggihan ang kapangyarihan nito. Lumayo ka rin naman sa mga ito.

Sapagkat mula sa mga ito ang mga pumapasok sa sambahayan, at binibihag ang mga hangal na babae na punô ng mga kasalanan, at hinihila ng mga iba't ibang pagnanasa,

na laging nag-aaral at kailanman ay hindi nakakarating sa pagkakilala ng katotohanan.

Kung(A) paanong sina Janes at Jambres ay sumalungat kay Moises, ang mga ito'y sumasalungat din sa katotohanan, mga taong masasama ang pag-iisip at mga nagtakuwil sa pananampalataya.

Ngunit sila'y hindi magpapatuloy, sapagkat mahahayag sa lahat ng mga tao ang kanilang kahangalan, gaya ng nangyari sa mga lalaking iyon.

Mga Huling Habilin

10 Ngayon, sinunod mong mabuti ang aking aral, pamumuhay, layunin, pananampalataya, pagtitiyaga, pag-ibig, at pagtitiis,

11 mga(B) pag-uusig, mga pagdurusa, anumang mga bagay ang nangyari sa akin sa Antioquia, Iconio, Listra. Napakaraming pag-uusig ang tiniis ko! Ngunit sa lahat ng ito ay iniligtas ako ng Panginoon.

12 Tunay na ang lahat ng ibig mabuhay na may kabanalan kay Cristo Jesus ay daranas ng pag-uusig.

13 Subalit ang masasamang tao at mga mandaraya ay lalong sasama nang sasama, sila'y mandaraya at madadaya.

14 Subalit manatili ka sa mga bagay na iyong natutunan at matatag na pinaniwalaan, yamang nalalaman mo kung kanino ka natuto,

15 at kung paanong mula sa pagkabata ay iyong nalaman ang mga banal na kasulatan na makakapagturo sa iyo tungo sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.

16 Ang lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos at mapapakinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa katuwiran,

17 upang ang tao ng Diyos ay maging ganap, nasasangkapang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.

Godlessness in the Last Days

But understand this, that in the last days there will come times of stress. For men will be lovers of self, lovers of money, proud, arrogant, abusive, disobedient to their parents, ungrateful, unholy, inhuman, implacable, slanderers, profligates, fierce, haters of good, treacherous, reckless, swollen with conceit, lovers of pleasure rather than lovers of God, holding the form of religion but denying the power of it. Avoid such people. For among them are those who make their way into households and capture weak women, burdened with sins and swayed by various impulses, who will listen to anybody and can never arrive at a knowledge of the truth. As Jannes and Jambres opposed Moses, so these men also oppose the truth, men of corrupt mind and counterfeit faith; but they will not get very far, for their folly will be plain to all, as was that of those two men.

Paul’s Charge to Timothy

10 Now you have observed my teaching, my conduct, my aim in life, my faith, my patience, my love, my steadfastness, 11 my persecutions, my sufferings, what befell me at Antioch, at Ico′nium, and at Lystra, what persecutions I endured; yet from them all the Lord rescued me. 12 Indeed all who desire to live a godly life in Christ Jesus will be persecuted, 13 while evil men and impostors will go on from bad to worse, deceivers and deceived. 14 But as for you, continue in what you have learned and have firmly believed, knowing from whom you learned it 15 and how from childhood you have been acquainted with the sacred writings which are able to instruct you for salvation through faith in Christ Jesus. 16 All scripture is inspired by God and[a] profitable for teaching, for reproof, for correction, and for training in righteousness,[b] 17 that the man of God may be complete, equipped for every good work.

Footnotes

  1. 2 Timothy 3:16 Or Every scripture inspired by God is also
  2. 3.16 Paul refers to the Old Testament scriptures.