Add parallel Print Page Options

Nagkaroon ng matagal na paglalaban ang sambahayan ni Saul at ang sambahayan ni David; si David ay lumakas nang lumakas, samantalang ang sambahayan ni Saul ay humina nang humina.

Mga Anak ni David

Nagkaroon ng mga anak na lalaki si David sa Hebron: ang kanyang panganay ay si Amnon kay Ahinoam na taga-Jezreel.

Ang kanyang pangalawa ay si Chileab, kay Abigail na balo ni Nabal na taga-Carmel; at ang ikatlo ay si Absalom na anak ni Maaca na anak ni Talmai na hari sa Geshur.

Ang ikaapat ay si Adonias na anak ni Hagit; at ang ikalima ay si Shefatias na anak ni Abital.

Ang ikaanim ay si Itream kay Egla, na asawa ni David. Ang mga ito'y ipinanganak kay David sa Hebron.

Umanib si Abner kay David

Samantalang may digmaan sa pagitan ng sambahayan ni Saul at ng sambahayan ni David, pinalakas ni Abner ang kanyang sarili sa sambahayan ni Saul.

Si Saul ay may asawang-lingkod na ang pangalan ay Rispa, na anak ni Aya. Sinabi ni Isboset kay Abner, “Bakit ka sumiping sa asawang-lingkod ng aking ama?”

Kaya't galit na galit si Abner dahil sa mga salita ni Isboset, at sinabi, “Ako ba'y isang ulo ng aso ng Juda? Sa araw na ito ay patuloy akong nagpapakita ng katapatan sa sambahayan ni Saul na iyong ama, sa kanyang mga kapatid, at sa kanyang mga kaibigan, at hindi ka ibinigay sa kamay ni David. Gayunma'y pinagbibintangan mo ako sa araw na ito ng isang kasalanan tungkol sa isang babae.

Gawin ng Diyos kay Abner, at lalo na, kung hindi ko gawin para kay David ang isinumpa ng Panginoon sa kanya,

10 na(A) ilipat ang kaharian mula sa sambahayan ni Saul, at itayo ang trono ni David sa Israel at Juda, mula sa Dan hanggang sa Beer-seba.”

11 At hindi nakasagot si Isboset[a] kay Abner ng isang salita, sapagkat siya'y natakot sa kanya.

12 Si Abner ay nagpadala ng mga sugo kay David sa kanyang kinaroroonan, na sinasabi, “Kanino nauukol ang lupain? Makipagtipan ka sa akin, at ang aking kamay ay sasaiyo upang dalhin sa iyo ang buong Israel.”

13 Kanyang sinabi, “Mabuti; ako'y makikipagtipan sa iyo. Ngunit isang bagay ang hinihiling ko sa iyo: hindi mo ako makikita[b] malibang dalhin mo muna si Mical na anak na babae ni Saul pagparito mo upang ako'y iyong makita.”

14 Nagpadala(B) ng mga sugo si David kay Isboset na anak ni Saul, na sinasabi, “Ibigay mo sa akin ang aking asawang si Mical, na siyang aking pinakasalan sa halagang isandaang balat na pinagtulian ng mga Filisteo.”

15 Nagsugo si Isboset, at kinuha si Mical sa kanyang asawang si Paltiel na anak ni Lais.

16 Subalit ang kanyang asawa'y sumama sa kanya na umiiyak na kasunod niya sa daan hanggang sa Bahurim. Pagkatapos ay sinabi ni Abner sa kanya, “Umuwi ka!” Kaya't siya'y umuwi.

17 Nakipag-usap si Abner sa matatanda sa Israel, na sinasabi, “Sa panahong nakaraan ay inyong hinangad na si David ay maging hari sa inyo.

18 Ngayon ay inyong isakatuparan ito, sapagkat ipinangako ng Panginoon kay David, na sinasabi, ‘Sa pamamagitan ng kamay ng aking lingkod na si David ay aking ililigtas ang aking bayang Israel sa kamay ng mga Filisteo at ng lahat nilang mga kaaway.’”

19 Nakipag-usap din si Abner sa Benjamin. At si Abner ay pumunta upang sabihin kay David sa Hebron ang lahat ng inaakalang mabuti ng Israel at ng buong sambahayan ni Benjamin.

20 Nang dumating si Abner kay David sa Hebron kasama ang dalawampung lalaki, nagdaos ng kasayahan si David para kay Abner at sa mga lalaking kasama niya.

21 Sinabi ni Abner kay David, “Ako'y aalis at aking titipunin ang buong Israel sa aking panginoong hari, upang sila'y makipagtipan sa iyo, at upang ikaw ay maghari sa lahat ng ninanasa ng iyong puso.” At pinaalis ni David si Abner, at siya'y umalis na payapa.

Pinatay si Abner

22 Pagkatapos noon ay dumating ang mga lingkod ni David kasama si Joab mula sa isang pagsalakay, na may dalang maraming samsam. Ngunit si Abner ay hindi kasama ni David sa Hebron, sapagkat siya'y pinaalis niya, at siya'y umalis na payapa.

23 Nang si Joab at ang buong hukbo na kasama niya ay dumating, sinabi kay Joab, “Si Abner na anak ni Ner ay pumunta sa hari, at siya'y pinahayo at siya'y humayong payapa.”

24 Nang magkagayo'y pumunta si Joab sa hari, at sinabi, “Ano ang iyong ginawa? Si Abner ay pumarito sa iyo; bakit mo siya pinaalis, kaya't siya'y umalis?

25 Nalalaman mong si Abner na anak ni Ner ay pumarito upang dayain ka at upang malaman ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok, at upang malaman ang lahat ng iyong ginagawa.”

26 Nang lumabas si Joab mula sa harapan ni David, siya'y nagpadala ng mga sugo upang sundan si Abner, at kanilang ibinalik siya mula sa balon ng Sira, ngunit ito'y hindi nalalaman ni David.

27 Nang bumalik si Abner sa Hebron, siya ay dinala ni Joab sa isang tabi ng pintuang-bayan upang makipag-usap sa kanya ng sarilinan, at doon ay kanyang sinaksak siya sa tiyan. Kaya't siya'y namatay para sa dugo ni Asahel na kanyang kapatid.

28 Pagkatapos, nang mabalitaan ito ni David ay kanyang sinabi, “Ako at ang aking kaharian ay walang sala magpakailanman sa harap ng Panginoon para sa dugo ni Abner na anak ni Ner.

29 Nawa'y bumagsak ito sa ulo ni Joab, at sa buong sambahayan ng kanyang ama. Nawa'y huwag mawalan sa sambahayan ni Joab ng isang dinudugo, o ng ketongin, o may pantahi,[c] o napapatay sa pamamagitan ng tabak, o ng kinukulang ng tinapay!”

30 Gayon pinatay si Abner ni Joab at ni Abisai na kanyang kapatid, sapagkat pinatay niya ang kanilang kapatid na si Asahel sa labanan sa Gibeon.

Si Abner ay Inilibing

31 Sinabi ni David kay Joab at sa lahat ng taong kasama niya, “Punitin ninyo ang inyong mga suot, at magbigkis kayo ng damit-sako, at magluksa kayo sa harap ni Abner.” At si Haring David ay sumunod sa kabaong.

32 Kanilang inilibing si Abner sa Hebron, at inilakas ng hari ang kanyang tinig, at umiyak sa libingan ni Abner; at ang buong bayan ay umiyak.

33 Tinangisan ng hari si Abner na sinasabi,

“Dapat bang mamatay si Abner, na gaya ng pagkamatay ng isang hangal?
34 Ang iyong mga kamay ay hindi natalian,
    ang iyong mga paa ay hindi nakagapos;
kung paanong nabubuwal ang isang lalaki sa harap ng masama
    ay gayon ka nabuwal.”

At iniyakan siyang muli ng buong bayan.

35 Ang buong bayan ay dumating upang himukin si David na kumain ng tinapay samantalang araw pa; ngunit sumumpa si David, na sinasabi, “Gawin sa akin ng Diyos, at higit pa, kung ako'y tumikim ng tinapay o ng anumang bagay hanggang sa lumubog ang araw!”

36 Iyon ay napansin ng buong bayan, at ikinalugod nila; gaya ng anumang ginagawa ng hari ay nakakalugod sa buong bayan.

37 Kaya't naunawaan ng buong bayan at ng buong Israel nang araw na iyon na hindi kalooban ng hari na patayin si Abner na anak ni Ner.

38 At sinabi ng hari sa kanyang mga lingkod, “Hindi ba ninyo nalalaman na may isang pinuno at isang dakilang tao ang nabuwal sa araw na ito sa Israel?

39 Ako ngayon ay walang kapangyarihan, kahit na hinirang[d] na hari; at ang mga lalaking ito na mga anak ni Zeruia ay napakarahas para sa akin. Gantihan nawa ng Panginoon ang gumagawa ng kasamaan ayon sa kanyang kasamaan!”

Footnotes

  1. 2 Samuel 3:11 Sa Hebreo ay siya .
  2. 2 Samuel 3:13 Sa Hebreo ay hindi mo makikita ang aking mukha .
  3. 2 Samuel 3:29 Nagpapahiwatig ng lalaking gumagawa ng gawain ng babae.
  4. 2 Samuel 3:39 o binuhusan ng langis .

Ang sangbahayan ni David.

Nagkaroon nga ng matagal na pagbabaka ang sangbahayan ni Saul at ang sangbahayan ni David: at si David ay lumakas ng lumakas, nguni't ang sangbahayan ni Saul ay humina ng humina.

At (A)nagkaanak si David sa Hebron: at ang kaniyang panganay ay si Amnon kay (B)Ahinoam na taga Jezreel;

At ang kaniyang pangalawa ay si Chileab, kay Abigail na asawa ni Nabal na taga Carmelo; at ang ikatlo ay si Absalom na anak ni Maacha na anak ni Talmai na hari sa (C)Gessur;

At ang ikaapat ay si (D)Adonias na anak ni Haggith; at ang ikalima ay si Saphatias na anak ni Abital;

At ang ikaanim ay si Jetream kay Egla, na asawa ni David. Ang mga ito'y ipinanganak kay David sa Hebron.

At nangyari, samantalang may pagbabaka ang sangbahayan ni Saul at ang sangbahayan ni David, na si Abner ay nagpakalakas sa sangbahayan ni Saul.

Si Saul nga ay may babae na ang pangalan ay (E)Rispa, na anak ni Aja: at sinabi ni Is-boseth kay Abner, Bakit ka (F)sumiping sa babae ng aking ama?

Nang magkagayo'y nagalit na mainam si Abner dahil sa mga salita ni Is-boseth, at sinabi, (G)Ako ba'y isang ulo ng aso na nauukol sa Juda? Sa araw na ito ay nagpapakita ako ng kagandahang loob sa sangbahayan ni Saul na iyong ama, sa kaniyang mga kapatid, at sa kaniyang mga kaibigan, at hindi ka ibinigay sa kamay ni David, at gayon ma'y iyong ibinibintang sa araw na ito sa akin ang isang kasalanan tungkol sa babaing ito.

(H)Hatulan ng Dios si Abner, at lalo na, malibang gawin kong gayon sa kaniya, na (I)gaya ng isinumpa ng Panginoon kay David;

10 Na ilipat ang kaharian mula sa sangbahayan ni Saul, at itatag ang luklukan ni David sa Israel, at sa Juda (J)mula sa Dan hanggang sa Beer-seba.

11 At hindi siya nakasagot kay Abner ng isang salita, sapagka't siya'y natakot sa kaniya.

Naghimagsik si Abner.

12 At si Abner ay nagsugo ng mga sugo kay David, sa ganang kaniya, na sinasabi naman, Makipagtipan ka sa akin, at, narito, ang aking kamay ay sasa iyo, upang dalhin sa iyo ang buong Israel.

13 At kaniyang sinabi, Mabuti; ako'y makikipagtipan sa iyo; nguni't isang bagay ang hinihiling ko sa iyo, na ito nga: huwag mong titingnan ang aking mukha, maliban na iyo munang dalhin (K)si Michal na anak na babae ni Saul, pagparito mo upang tingnan ang aking mukha.

14 At nagsugo ng mga sugo si David kay Is-boseth na anak ni Saul, na sinasabi, Isauli mo sa akin ang aking asawa na si Michal, na siyang aking pinakasalan (L)sa halaga na isang daang balat ng masama ng mga Filisteo.

15 At nagsugo si Is-boseth, at kinuha siya sa kaniyang asawa, kay (M)Paltiel na anak ni Lais.

16 At ang kaniyang asawa'y yumaong kasama niya na umiyak habang siya'y yumayaon, at sumusunod sa kaniya hanggang sa (N)Bahurim. Nang magkagayo'y sinabi ni Abner sa kaniya, Ikaw ay yumaon, bumalik ka: at siya'y bumalik.

17 At nakipag-usap si Abner sa mga matanda sa Israel, na sinasabi, Sa panahong nakaraan ay inyong hinanap si David upang maging hari sa inyo:

18 Ngayon nga ay inyong gawin: sapagka't sinalita ng Panginoon tungkol kay David, na sinasabi, Sa pamamagitan ng kamay ng aking lingkod na si David ay aking ililigtas ang aking bayang Israel sa kamay ng mga Filisteo at sa kamay ng lahat nilang mga kaaway.

19 At nagsalita naman si Abner sa pakinig ng (O)Benjamin: at si Abner naman ay naparoong nagsalita sa pakinig ni David sa Hebron ng lahat na inaakalang mabuti ng Israel, at ng buong sangbahayan ni Benjamin.

20 Sa gayo'y naparoon si Abner kay David sa Hebron, at dalawang pung lalake ang kasama niya. At ginawan ni David ng isang kasayahan si Abner at ang mga lalake na kasama niya.

21 At sinabi ni Abner kay David, Ako'y babangon at yayaon, at aking pipisanin ang buong Israel sa aking panginoon na hari, (P)upang sila'y makipagtipan sa iyo, at upang iyong pagharian ng buong ninanasa ng iyong kaluluwa. At pinayaon ni David si Abner; at siya'y yumaong payapa.

Si Abner ay pinaghinalaan ni Joab at pinatay.

22 At, narito, ang mga lingkod ni David at si Joab ay nagsidating na mula sa isang paghabol, at may dalang malaking samsam: nguni't si Abner ay wala kay David sa Hebron, sapagka't pinayaon niya siya, at siya'y yumaong payapa.

23 Nang si Joab at ang buong hukbo na kasama niya ay magsidating, kanilang isinaysay kay Joab, na sinasabi, Si Abner na anak ni Ner ay naparoon sa hari, at siya'y pinayaon at siya'y yumaong payapa.

24 Nang magkagayo'y naparoon si Joab sa hari, at nagsabi, Ano ang iyong ginawa? narito, si Abner ay naparito sa iyo; bakit mo pinayaon siya, at siya'y lubos na yumaon?

25 Nalalaman mo si Abner na anak ni Ner ay naparito upang dayain ka at upang maalaman ang (Q)iyong paglabas at ang iyong pagpasok, at upang maalaman ang lahat na iyong ginagawa.

26 At nang lumabas si Joab na mula kay David, siya'y nagsugo ng mga sugo na sumunod kay Abner, at kanilang ibinalik siya na mula sa balon ng Sira: nguni't hindi nalalaman ni David.

27 At nang bumalik si Abner sa Hebron, ay dinala siya ni Joab na bukod sa gitna ng pintuang-bayan upang makipagsalitaan sa kaniya ng lihim, at sinaktan niya siya roon sa tiyan, na anopa't siya'y namatay, dahil sa dugo ni (R)Asael na kaniyang kapatid.

28 At pagkatapos nang mabalitaan ni David, ay kaniyang sinabi, Ako at ang aking kaharian ay walang sala sa harap ng Panginoon magpakailan man sa dugo ni Abner na anak ni Ner:

29 (S)Bumagsak sa ulo ni Joab, at sa buong sangbahayan ng kaniyang ama; at huwag na di magkaroon sa sangbahayan ni Joab (T)ng isang inaagasan, o ng isang (U)may ketong, o ng umaagapay sa isang tungkod, o nabubuwal sa pamamagitan ng tabak, o ng kinukulang ng tinapay.

30 Sa gayo'y pinatay si Abner ni Joab at ni Abisai na kaniyang kapatid, sapagka't pinatay niya ang kanilang kapatid na si (V)Asael sa Gabaon, sa pagbabaka.

Nanangis si David dahil kay Abner.

31 At sinabi ni David kay Joab at sa buong bayan na kasama niya: (W)Hapakin ninyo ang inyong mga suot, at (X)magbigkis kayo ng magaspang na damit, at magluksa kayo sa harap ni Abner. At ang haring si David ay sumunod sa kabaong.

32 At kanilang inilibing si Abner sa Hebron: at inilakas ng hari ang kaniyang tinig, at umiyak sa libingan ni Abner; at ang buong bayan ay umiyak.

33 At (Y)tinangisan ng hari si Abner, at sinabi,

Marapat bang mamatay si Abner, na (Z)gaya ng pagkamatay ng isang mangmang?
34 Ang iyong mga kamay ay hindi nangatatalian, o ang iyong mga paa man ay nangagagapos:
Kung paanong nabubuwal ang isang lalake sa harap ng mga anak ng kasamaan ay gayon ka nabuwal.

At iniyakan siyang muli ng buong bayan.

35 At ang buong bayan ay naparoon upang (AA)pakanin ng tinapay si David samantalang araw pa; nguni't sumumpa si David, na sinasabi, Hatulan ng Dios ako, at lalo na, kung ako'y tumikim ng tinapay o ng anomang bagay (AB)hanggang sa ang araw ay lumubog.

36 At nahalata ng buong bayan, at minagaling nila: palibhasa'y anomang ginagawa ng hari ay nakalulugod sa buong bayan.

37 Sa gayo'y naunawa ng buong bayan at ng buong Israel sa araw na yaon, na hindi sa hari ang pagpatay kay Abner na anak ni Ner.

38 At sinabi ng hari sa kaniyang mga bataan, Hindi ba ninyo nalalaman na may isang prinsipe at mahal na tao, na nabuwal sa araw na ito sa Israel?

39 At ako'y mahina sa araw na ito, bagaman pinahirang hari; at ang mga lalaking ito na mga anak ni (AC)Sarvia ay (AD)totoong mahirap kasamahin: (AE)gantihan nawa ng Panginoon ang manggagawang masama ayon sa kaniyang kasamaan.

Joab Kills Abner

Now there was a long (A)war between the house of Saul and the house of David. But David grew stronger and stronger, and the house of Saul grew weaker and weaker.

Sons of David

Sons were born (B)to David in Hebron: His firstborn was Amnon (C)by Ahinoam the Jezreelitess; his second, [a]Chileab, by Abigail the widow of Nabal the Carmelite; the third, (D)Absalom the son of Maacah, the daughter of Talmai, king (E)of Geshur; the fourth, (F)Adonijah the son of Haggith; the fifth, Shephatiah the son of Abital; and the sixth, Ithream, by David’s wife Eglah. These were born to David in Hebron.

Abner Joins Forces with David

Now it was so, while there was war between the house of Saul and the house of David, that Abner was strengthening his hold on the house of Saul.

And Saul had a concubine, whose name was (G)Rizpah, the daughter of Aiah. So Ishbosheth said to Abner, “Why have you (H)gone in to my father’s concubine?”

Then Abner became very angry at the words of Ishbosheth, and said, “Am I (I)a dog’s head that belongs to Judah? Today I show loyalty to the house of Saul your father, to his brothers, and to his friends, and have not delivered you into the hand of David; and you charge me today with a fault concerning this woman? (J)May God do so to Abner, and more also, if I do not do for David (K)as the Lord has sworn to him— 10 to transfer the kingdom from the [b]house of Saul, and set up the throne of David over Israel and over Judah, (L)from Dan to Beersheba.” 11 And he could not answer Abner another word, because he feared him.

12 Then Abner sent messengers on his behalf to David, saying, “Whose is the land?” saying also, “Make your covenant with me, and indeed my hand shall be with you to bring all Israel to you.”

13 And David said, “Good, I will make a covenant with you. But one thing I require of you: (M)you shall not see my face unless you first bring (N)Michal, Saul’s daughter, when you come to see my face.” 14 So David sent messengers to (O)Ishbosheth, Saul’s son, saying, “Give me my wife Michal, whom I betrothed to myself (P)for a hundred foreskins of the Philistines.” 15 And Ishbosheth sent and took her from her husband, from [c]Paltiel the son of Laish. 16 Then her husband went along with her to (Q)Bahurim, [d]weeping behind her. So Abner said to him, “Go, return!” And he returned.

17 Now Abner had communicated with the elders of Israel, saying, “In time past you were seeking for David to be king over you. 18 Now then, do it! (R)For the Lord has spoken of David, saying, ‘By the hand of My servant David, [e]I will save My people Israel from the hand of the Philistines and the hand of all their enemies.’ ” 19 And Abner also spoke in the hearing of (S)Benjamin. Then Abner also went to speak in the hearing of David in Hebron all that seemed good to Israel and the whole house of Benjamin.

20 So Abner and twenty men with him came to David at Hebron. And David made a feast for Abner and the men who were with him. 21 Then Abner said to David, “I will arise and go, and (T)gather all Israel to my lord the king, that they may make a covenant with you, and that you may (U)reign over all that your heart desires.” So David sent Abner away, and he went in peace.

Joab Murders Abner

22 At that moment the servants of David and Joab came from a raid and brought much [f]spoil with them. But Abner was not with David in Hebron, for he had sent him away, and he had gone in peace. 23 When Joab and all the troops that were with him had come, they told Joab, saying, “Abner the son of Ner came to the king, and he sent him away, and he has gone in peace.” 24 Then Joab came to the king and said, “What have you done? Look, Abner came to you; why is it that you sent him away, and he has already gone? 25 Surely you realize that Abner the son of Ner came to deceive you, to know (V)your going out and your coming in, and to know all that you are doing.”

26 And when Joab had gone from David’s presence, he sent messengers after Abner, who brought him back from the well of Sirah. But David did not know it. 27 Now when Abner had returned to Hebron, Joab (W)took him aside in the gate to speak with him privately, and there [g]stabbed him (X)in the stomach, so that he died for the blood of (Y)Asahel his brother.

28 Afterward, when David heard it, he said, “My kingdom and I are [h]guiltless before the Lord forever of the blood of Abner the son of Ner. 29 (Z)Let it rest on the head of Joab and on all his father’s house; and let there never fail to be in the [i]house of Joab one (AA)who has a discharge or is a leper, who leans on a staff or falls by the sword, or who lacks bread.” 30 So Joab and Abishai his brother killed Abner, because he had killed their brother (AB)Asahel at Gibeon in the battle.

David’s Mourning for Abner

31 Then David said to Joab and to all the people who were with him, (AC)“Tear your clothes, (AD)gird yourselves with sackcloth, and mourn for Abner.” And King David followed the coffin. 32 So they buried Abner in Hebron; and the king lifted up his voice and wept at the grave of Abner, and all the people wept. 33 And the king sang a lament over Abner and said:

“Should Abner die as a (AE)fool dies?
34 Your hands were not bound
Nor your feet put into fetters;
As a man falls before wicked men, so you fell.”

Then all the people wept over him again.

35 And when all the people came (AF)to persuade David to eat food while it was still day, David took an oath, saying, (AG)“God do so to me, and more also, if I taste bread or anything else (AH)till the sun goes down!” 36 Now all the people took note of it, and it pleased them, since whatever the king did pleased all the people. 37 For all the people and all Israel understood that day that it had not been the king’s intent to kill Abner the son of Ner. 38 Then the king said to his servants, “Do you not know that a prince and a great man has fallen this day in Israel? 39 And I am weak today, though anointed king; and these men, the sons of Zeruiah, (AI)are too harsh for me. (AJ)The Lord shall repay the evildoer according to his wickedness.”

Footnotes

  1. 2 Samuel 3:3 Daniel, 1 Chr. 3:1
  2. 2 Samuel 3:10 family
  3. 2 Samuel 3:15 Palti, 1 Sam. 25:44
  4. 2 Samuel 3:16 Lit. going and weeping
  5. 2 Samuel 3:18 So with many Heb. mss., LXX, Syr., Tg.; MT he
  6. 2 Samuel 3:22 booty
  7. 2 Samuel 3:27 Lit. struck
  8. 2 Samuel 3:28 innocent
  9. 2 Samuel 3:29 family

Hubo larga guerra(A) entre la casa de Saúl y la casa de David; pero David se iba fortaleciendo, mientras que la casa de Saúl se iba debilitando.

Hijos de David nacidos en Hebrón

(B)A David le nacieron hijos en Hebrón; su primogénito fue Amnón, hijo de Ahinoam(C) la jezreelita; el segundo, Quileab, de Abigail, viuda[a] de Nabal de Carmel; el tercero, Absalón, hijo de Maaca, hija de Talmai, rey de Gesur(D); el cuarto, Adonías, hijo de Haguit(E); el quinto, Sefatías, hijo de Abital, y el sexto, Itream, de Egla, mujer de David. Estos le nacieron a David en Hebrón.

David y Abner

Sucedió que durante la guerra que había entre la casa de Saúl y la casa de David, Abner se fortaleció en la casa de Saúl(F). Y Saúl había tenido una concubina cuyo nombre era Rizpa, hija de Aja(G); y dijo Is-boset[b] a Abner: ¿Por qué te has llegado a la concubina de mi padre? Entonces Abner se enojó mucho por las palabras de Is-boset, y dijo: ¿Acaso soy yo cabeza de perro(H) que pertenece a Judá? Hoy he mostrado bondad hacia la casa de tu padre Saúl, hacia sus hermanos y hacia sus amigos, y no te he entregado en manos de David; sin embargo, tú me acusas hoy de una ofensa con esta[c] mujer. Así haga Dios a Abner, y aún más(I), si lo que[d] el Señor ha jurado a David no lo obtengo para él(J): 10 transferir el reino de la casa de Saúl y establecer el trono de David sobre Israel y sobre Judá desde Dan hasta Beerseba(K). 11 Y él ya no pudo responder a Abner ni una palabra, porque le temía.

12 Entonces Abner envió mensajeros a David de su parte, diciendo: ¿De quién es la tierra? Y que dijeran también: Haz tu pacto conmigo, y he aquí, mi mano será contigo para traer a ti a todo Israel. 13 Y él respondió: Muy bien. Haré pacto contigo, pero una cosa demando de ti[e]: No verás mi rostro(L) a menos de que cuando vengas a verme[f] traigas a Mical, la hija de Saúl(M). 14 Y David envió mensajeros a Is-boset, el hijo de Saúl, diciendo: Dame a mi mujer Mical, con la cual me desposé por cien prepucios de los filisteos(N). 15 Is-boset, pues, envió a quitársela a su marido, a Paltiel[g], hijo de Lais. 16 Pero su marido fue con ella, llorando mientras iba, y la siguió hasta Bahurim(O). Entonces Abner le dijo: Ve, vuélvete. Y él se volvió.

17 Abner consultó[h] con los ancianos de Israel(P), diciendo: Hace tiempo que buscabais a David para que fuera rey sobre vosotros. 18 Ahora pues, hacedlo. Porque el Señor ha hablado acerca de David, diciendo: «Por mano de mi siervo David salvaré[i] a mi pueblo Israel de mano de los filisteos(Q) y de mano de todos sus enemigos». 19 Habló también Abner a oídos de los de Benjamín; Abner además fue a hablar a oídos de David en Hebrón de todo lo que parecía bien a[j] Israel y a toda la casa de Benjamín(R).

20 Llegó Abner adonde estaba David, en Hebrón, y con él veinte hombres. Y David preparó un banquete para Abner y los hombres que lo acompañaban. 21 Y Abner dijo a David: Me levantaré e iré a reunir a todo Israel junto a mi señor el rey para que hagan un pacto contigo(S), y seas rey sobre todo lo que tu corazón[k] desea(T). Entonces David despidió a Abner, y él se fue en paz.

22 He aquí, los siervos de David y Joab vinieron de hacer una incursión(U) trayendo consigo mucho botín; pero Abner no estaba con David en Hebrón, porque él lo había despedido y se había ido en paz. 23 Cuando llegó Joab y todo el ejército que estaba con él, le dieron aviso a Joab, diciendo: Abner, hijo de Ner, vino al rey, y él lo ha despedido y se ha ido en paz. 24 Entonces vino Joab al rey y dijo: ¿Qué has hecho? He aquí, Abner vino a ti; ¿por qué, pues, lo has despedido y él ya se ha ido? 25 Conoces a Abner, hijo de Ner, que vino a engañarte y saber de tus salidas y de tus entradas, y a enterarse de todo lo que haces(V).

La muerte de Abner

26 Y saliendo Joab de donde estaba David, envió mensajeros tras Abner, y lo hicieron volver desde el pozo de Sira; pero David no lo sabía. 27 Cuando Abner regresó a Hebrón, Joab lo llevó aparte en medio de la puerta para hablarle en privado, y allí, por causa de la sangre de Asael su hermano(W), lo hirió en el vientre y murió. 28 Cuando David lo supo después, dijo: Yo y mi reino somos inocentes para siempre delante del Señor de la sangre de Abner, hijo de Ner. 29 Caiga[l] su sangre sobre la cabeza de Joab y sobre toda la casa de su padre(X), y nunca falte en la casa de Joab quien padezca flujo, ni quien sea leproso(Y), ni quien se sostenga con báculo, ni quien muera a espada, ni quien carezca de pan. 30 Así pues, Joab y su hermano Abisai mataron a Abner porque él había dado muerte a Asael(Z), hermano de ellos, en la batalla de Gabaón.

31 Entonces David dijo a Joab y a todo el pueblo que estaba con él: Rasgad vuestros vestidos(AA), y ceñíos de cilicio, y haced duelo delante de Abner. Y el rey David iba detrás del féretro. 32 Sepultaron, pues, a Abner en Hebrón; y el rey alzó su voz(AB) y lloró junto al sepulcro de Abner, y lloró también todo el pueblo. 33 Y entonó el rey una elegía(AC) por Abner, y dijo:

¿Había de morir Abner como muere un insensato?
34 Tus manos no estaban atadas, ni tus pies puestos en grillos;
como el que cae delante de los malvados[m], has caído.

Y todo el pueblo volvió a llorar por él. 35 Entonces todo el pueblo se llegó a David para persuadirlo a[n] que comiera pan mientras aún era de día(AD); pero David juró, diciendo: Así me haga Dios y aun más, si pruebo pan o cosa alguna(AE) antes de ponerse el sol(AF). 36 Y todo el pueblo reparó en ello, y les agradó[o], pues todo lo que el rey hacía agradaba a[p] todo el pueblo. 37 Así todo el pueblo y todo Israel comprendió aquel día que no había sido el deseo del rey de que se diera muerte a Abner, hijo de Ner. 38 Entonces el rey dijo a sus siervos: ¿No sabéis que un príncipe y un gran hombre ha caído hoy en Israel? 39 Hoy soy débil, aunque ungido rey(AG); y estos hombres, hijos de Sarvia, son más duros que yo(AH). Que el Señor pague al malhechor conforme a su maldad(AI).

Footnotes

  1. 2 Samuel 3:3 Lit., mujer
  2. 2 Samuel 3:7 Así en algunos mss. y versiones antiguas; en el T.M., él dijo
  3. 2 Samuel 3:8 Lit., la
  4. 2 Samuel 3:9 Lit., como
  5. 2 Samuel 3:13 Lit., de ti, diciendo
  6. 2 Samuel 3:13 Lit., a ver mi rostro
  7. 2 Samuel 3:15 En 1 Sam. 25:44, Palti
  8. 2 Samuel 3:17 Lit., tuvo una palabra
  9. 2 Samuel 3:18 Así en muchos mss. y versiones antiguas; en el T.M., él salvará
  10. 2 Samuel 3:19 Lit., era bueno a los ojos de
  11. 2 Samuel 3:21 Lit., alma
  12. 2 Samuel 3:29 Lit., Arremolínese
  13. 2 Samuel 3:34 Lit., hijos de maldad
  14. 2 Samuel 3:35 Lit., para hacer
  15. 2 Samuel 3:36 Lit., fue bueno a sus ojos
  16. 2 Samuel 3:36 Lit., era bueno a los ojos de