2 Samuel 10
Ang Biblia (1978)
Ang kaniyang pahatid kay Hanun.
10 At nangyari pagkatapos nito, (A)na ang hari (B)ng mga anak ni Ammon ay namatay, at si Hanun na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
2 At sinabi ni David, Aking (C)pagpapakitaan ng kagandahang loob si Hanun na anak ni Naas, na gaya ng pagpapakita ng kagandahang loob ng kaniyang ama sa akin. Sa gayo'y nagsugo si David sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod upang aliwin siya tungkol sa kaniyang ama. At nagsiparoon ang mga lingkod ni David sa lupain ng mga anak ni Ammon.
3 Nguni't sinabi ng mga prinsipe ng mga anak ni Ammon kay Hanun na kanilang panginoon, Inakala mo bang pinararangalan ni David ang iyong ama, kaya't siya'y nagsugo ng mga tagaaliw sa iyo? hindi ba nagsugo si David ng kaniyang mga bataan sa iyo upang kilalanin ang bayan, at upang tiktikan, at upang daigin?
4 Sa gayo'y kinuha ni Hanun ang mga lingkod ni David, at inahit ang kalahati ng kanilang balbas, at pinutol ang kanilang mga suot sa gitna, sa kanilang pigi, at pinayaon.
5 Nang kanilang saysayin kay David, siya'y nagsugo upang salubungin sila; sapagka't ang mga lalake ay totoong nangapahiya. At sinabi ng hari, Mangaghintay kayo sa Jerico hanggang sa tumubo ang inyong balbas, at kung magkagayo'y mangagbalik kayo.
Tinalo ni David ang magkakampi na Ammon at Siria.
6 At nang makita ng mga anak ni Ammon na sila'y naging nakapopoot kay David, ang mga anak ni Ammon ay nangagsugo, at inupahan ang mga taga (D)Siria sa Beth-rehob, at ang mga taga Siria sa Soba, na dalawang pung libong naglalakad, at ang hari sa (E)Maaca na may isang libong lalake, at ang mga lalaking taga Tob na labing dalawang libong lalake.
7 At nang mabalitaan ni David, kaniyang sinugo si Joab at ang buong hukbo ng (F)makapangyarihang mga lalake.
8 At ang mga anak ni Ammon ay nagsilabas at nagsihanay ng pakikipagbaka sa pasukan sa pintuang-bayan: at ang mga taga Siria sa Soba, at sa Rehob, at ang mga lalaking taga Tob at mga taga Maaca, ay nangabubukod sa parang.
9 Nang makita nga ni Joab na ang pagbabaka ay nauumang laban sa kaniyang harapan at likuran, siya'y pumili ng lahat na mga hirang na lalake sa Israel, at ipinaghahanay niya laban sa mga taga Siria:
10 At ang nalabi sa bayan ay kaniyang ibinigay sa kamay ni Abisai na kaniyang kapatid, at kaniyang ipinaghahanay laban sa mga anak ni Ammon.
11 At kaniyang sinabi, Kung ang mga taga Siria ay maging malakas kay sa akin, iyo ngang tutulungan ako: nguni't kung ang mga anak ni Ammon ay maging malakas kay sa iyo, ay paparoon nga ako at tutulungan kita.
12 Magpakatapang ka, at tayo'y magpakalalake para sa (G)ating bayan, at sa mga bayan ng ating Dios: at (H)gawin nawa ng Panginoon ang inaakala niyang mabuti.
13 Sa gayo'y nagsilapit si Joab at ang bayan na kasama niya sa pakikipagbaka laban sa mga taga Siria: at sila'y nagsitakas sa harap niya.
14 At nang makita ng mga anak ni Ammon na ang mga taga Siria ay nagsitakas, sila naman ay nagsitakas sa harap ni (I)Abisai, at nagsipasok sa bayan. Ngayo'y bumalik si Joab na mula sa mga anak ni Ammon, at naparoon sa Jerusalem.
15 At nang makita ng mga taga Siria na sila'y nasasahol sa harap ng Israel, sila'y nagpipisan.
16 At nagsugo si (J)Hadadezer at dinala ang mga taga Siria na nangaroon sa dako pa roon ng Ilog; at sila'y nagsiparoon sa Helam, na kasama ni Sobach na puno ng hukbo ni Hadadezer sa kanilang unahan.
17 At nasaysay kay David, at kaniyang pinisan ang buong Israel, at tumawid sa Jordan, at naparoon sa Helam. At ang mga taga Siria ay nagsihanay laban kay David, at nagsilaban sa kaniya.
18 At ang mga taga Siria ay nagsitakas sa harap ng Israel; at pumatay si David sa mga taga Siria ng mga tao ng pitong daang karo, at apat na pung libo na (K)nangangabayo, at sinaktan si Sobach na kapitan sa kanilang hukbo, na anopa't namatay roon.
19 At nang makita ng lahat na hari na mga lingkod ni Hadadezer na sila'y nasahol sa harap ng Israel, ay nangakipagpayapaan sa Israel (L)at nangaglingkod sa kanila. Sa gayo'y nangatakot ang mga taga Siria na magsitulong pa sa mga anak ni Ammon.
2 Samuelsboken 10
Svenska Folkbibeln 2015
David besegrar ammoniterna
10 (A) En tid därefter dog ammoniternas kung, och hans son Hanun blev kung efter honom. 2 Då sade David: ”Jag vill visa godhet mot Hanun,[a] Nahashs son, eftersom hans far visade mig godhet.” Och David sände några av sina tjänare för att trösta honom i sorgen efter hans far.
När Davids tjänare kom till ammoniternas land, 3 sade ammoniternas furstar till sin herre Hanun: ”Tror du att David sänder tröstare till dig för att visa att han hedrar din far? Nej, det är för att utforska staden och spionera på den och sedan störta den som David har sänt sina tjänare till dig.” 4 Då grep Hanun Davids tjänare och lät raka av dem halva skägget[b] och skära av deras kläder mitt på, ända uppe vid sätet, och skickade sedan i väg dem. 5 När man berättade det för David sände han några för att möta dem, eftersom männen var djupt förnedrade. Kungen lät säga: ”Stanna i Jeriko tills ert skägg har växt ut. Kom sedan tillbaka.”
6 När ammoniterna insåg att de hade gjort sig förhatliga för David, sände de bud och lejde från Aram-Bet-Rehob och Aram-Soba 20 000 man fotfolk, och av kungen i Maaka[c] 1 000 man och av Tobs[d] män 12 000 man. 7 När David hörde det sände han i väg Joab med hela hären, de tappraste krigarna. 8 (B) Och ammoniterna drog ut och ställde upp sig till strid vid ingången till staden, medan de som var från Aram-Soba och Rehob tillsammans med Tobs män och maakateerna gick i ställning för sig själva på fältet.
9 Joab såg att han hade fiender både framför sig och bakom sig. Han valde då ut en del av Israels bästa manskap och ställde upp dem mot arameerna. 10 Resten av hären överlämnade han till sin bror Abishaj, som ställde upp dem mot ammoniterna. 11 Han sade: ”Om arameerna blir för starka för mig ska du komma till min hjälp, och om ammoniterna blir för starka för dig kommer jag till din hjälp. 12 Var modig! Låt oss kämpa tappert för vårt folk och för vår Guds städer. Herren ska göra vad han finner bäst.” 13 Därefter ryckte Joab fram med sitt folk till strid mot arameerna, och de flydde för honom. 14 När ammoniterna såg att arameerna tog till flykten, flydde också de för Abishaj och gick in i staden. Då drog Joab bort från ammoniterna och återvände[e] till Jerusalem.
15 När arameerna såg att de hade blivit slagna av Israel återsamlade de sina styrkor. 16 Hadadezer sände bud efter arameerna som bodde på andra sidan floden, och de kom till Helam anförda av Shobak, Hadadezers överbefälhavare. 17 När David fick veta det, samlade han hela Israel och gick över Jordan och kom till Helam. Arameerna gick i ställning mot David och gav sig i strid med honom. 18 Men arameerna flydde för Israel, och David dödade av arameerna manskapet på 700 vagnar och 40 000 ryttare. Han slog också ner deras överbefälhavare Sobak så att han dog där.
19 När Hadadezers alla lydkungar såg att de hade blivit besegrade av israeliterna, slöt de fred med Israel och gav sig under dem. Och arameerna vågade sedan inte hjälpa ammoniterna mer.
Footnotes
- 10:2 Hanun Betyder ”barmhärtig”. Hans far Nahash (”orm”) hade stridit mot Saul (1 Sam 11).
- 10:4 skägget En symbol för manlighet. Avrakat skägg var ett tecken på sorg (Jes 15:2, Jer 48:37).
- 10:6 Aram-Bet-Rehob … Maaka Områden i Huledalen norr om Galileiska sjön.
- 10:6 Tob Troligen Tayibeh nästan 2 mil sydost om Galileiska sjön (Dom 11:3).
- 10:13 Joab … återvände Någon gång vid denna tid skrev David Ps 60, enligt dess överskrift.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Svenska Folkbibeln 2015, Copyright © 2015 by Svenska Folkbibeln Foundation
