Add parallel Print Page Options

17 In the twelfth year of Ahaz king of Judah, Hoshea the son of Elah began to reign in Samaria over Israel for nine years. He did that which was evil in Yahweh’s sight, yet not as the kings of Israel who were before him. Shalmaneser king of Assyria came up against him; and Hoshea became his servant, and brought him tribute. The king of Assyria discovered a conspiracy in Hoshea; for he had sent messengers to So king of Egypt, and offered no tribute to the king of Assyria, as he had done year by year. Therefore the king of Assyria seized him, and bound him in prison. Then the king of Assyria came up throughout all the land, went up to Samaria, and besieged it three years. In the ninth year of Hoshea the king of Assyria took Samaria and carried Israel away to Assyria, and placed them in Halah, and on the Habor, the river of Gozan, and in the cities of the Medes.

It was so because the children of Israel had sinned against Yahweh their God, who brought them up out of the land of Egypt from under the hand of Pharaoh king of Egypt, and had feared other gods, and walked in the statutes of the nations whom Yahweh cast out from before the children of Israel, and of the kings of Israel, which they made. The children of Israel secretly did things that were not right against Yahweh their God; and they built high places for themselves in all their cities, from the tower of the watchmen to the fortified city; 10 and they set up for themselves pillars and Asherah poles on every high hill and under every green tree; 11 and there they burned incense in all the high places, as the nations whom Yahweh carried away before them did; and they did wicked things to provoke Yahweh to anger; 12 and they served idols, of which Yahweh had said to them, “You shall not do this thing.” 13 Yet Yahweh testified to Israel and to Judah, by every prophet and every seer, saying, “Turn from your evil ways, and keep my commandments and my statutes, according to all the law which I commanded your fathers, and which I sent to you by my servants the prophets.” 14 Notwithstanding, they would not listen, but hardened their neck like the neck of their fathers who didn’t believe in Yahweh their God. 15 They rejected his statutes and his covenant that he made with their fathers, and his testimonies which he testified to them; and they followed vanity, and became vain, and followed the nations that were around them, concerning whom Yahweh had commanded them that they should not do like them. 16 They abandoned all the commandments of Yahweh their God, and made molten images for themselves, even two calves, and made an Asherah, and worshiped all the army of the sky, and served Baal. 17 They caused their sons and their daughters to pass through the fire, used divination and enchantments, and sold themselves to do that which was evil in Yahweh’s sight, to provoke him to anger. 18 Therefore Yahweh was very angry with Israel, and removed them out of his sight. There was none left but the tribe of Judah only.

19 Also Judah didn’t keep the commandments of Yahweh their God, but walked in the statutes of Israel which they made. 20 Yahweh rejected all the offspring of Israel, afflicted them, and delivered them into the hands of raiders, until he had cast them out of his sight. 21 For he tore Israel from David’s house; and they made Jeroboam the son of Nebat king; and Jeroboam drove Israel from following Yahweh, and made them sin a great sin. 22 The children of Israel walked in all the sins of Jeroboam which he did; they didn’t depart from them 23 until Yahweh removed Israel out of his sight, as he said by all his servants the prophets. So Israel was carried away out of their own land to Assyria to this day.

24 The king of Assyria brought people from Babylon, from Cuthah, from Avva, and from Hamath and Sepharvaim, and placed them in the cities of Samaria instead of the children of Israel; and they possessed Samaria and lived in its cities. 25 So it was, at the beginning of their dwelling there, that they didn’t fear Yahweh. Therefore Yahweh sent lions among them, which killed some of them. 26 Therefore they spoke to the king of Assyria, saying, “The nations which you have carried away and placed in the cities of Samaria don’t know the law of the god of the land. Therefore he has sent lions among them; and behold, they kill them, because they don’t know the law of the god of the land.”

27 Then the king of Assyria commanded, saying, “Carry there one of the priests whom you brought from there; and let him[a] go and dwell there, and let him teach them the law of the god of the land.”

28 So one of the priests whom they had carried away from Samaria came and lived in Bethel, and taught them how they should fear Yahweh.

29 However every nation made gods of their own, and put them in the houses of the high places which the Samaritans had made, every nation in their cities in which they lived. 30 The men of Babylon made Succoth Benoth, and the men of Cuth made Nergal, and the men of Hamath made Ashima, 31 and the Avvites made Nibhaz and Tartak; and the Sepharvites burned their children in the fire to Adrammelech and Anammelech, the gods of Sepharvaim. 32 So they feared Yahweh, and also made from among themselves priests of the high places for themselves, who sacrificed for them in the houses of the high places. 33 They feared Yahweh, and also served their own gods, after the ways of the nations from among whom they had been carried away. 34 To this day they do what they did before. They don’t fear Yahweh, and they do not follow the statutes, or the ordinances, or the law, or the commandment which Yahweh commanded the children of Jacob, whom he named Israel; 35 with whom Yahweh had made a covenant and commanded them, saying, “You shall not fear other gods, nor bow yourselves to them, nor serve them, nor sacrifice to them; 36 but you shall fear Yahweh, who brought you up out of the land of Egypt with great power and with an outstretched arm, and you shall bow yourselves to him, and you shall sacrifice to him. 37 The statutes and the ordinances, and the law and the commandment which he wrote for you, you shall observe to do forever more. You shall not fear other gods. 38 You shall not forget the covenant that I have made with you. You shall not fear other gods. 39 But you shall fear Yahweh your God, and he will deliver you out of the hand of all your enemies.”

40 However they didn’t listen, but they did what they did before. 41 So these nations feared Yahweh, and also served their engraved images. Their children did likewise, and so did their children’s children. They do as their fathers did to this day.

Footnotes

  1. 17:27 Hebrew: them

Ang Paghahari ni Hoshea sa Israel

17 Naging hari ng Israel ang anak ni Elah na si Hoshea nang ika-12 taon ng paghahari ni Ahaz sa Juda. Sa Samaria siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng siyam na taon. Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon, pero hindi kasinsama ng ginawa ng mga hari ng Israel na nauna sa kanya.

Nilusob ni Haring Shalmanaser ng Asiria si Hoshea at natalo niya ito, kaya napilitang magbayad ng buwis taun-taon ang Israel sa Asiria. Pero nagplano si Hoshea laban sa hari ng Asiria sa pamamagitan ng paghingi ng tulong kay Haring So ng Egipto para makalaya sa kapangyarihan ng Asiria. Hindi na rin siya nagbayad ng buwis katulad ng ginagawa niya taun-taon. Nang malaman ng hari ng Asiria na nagtraydor si Hoshea, ipinadakip niya ito at ipinakulong.

Pagkatapos, nilusob ng hari ng Asiria ang buong Israel. Sa loob ng tatlong taon, pinaligiran niya ang Samaria. Nang ikasiyam na taon ng paghahari ni Hoshea, sinakop ng hari ng Asiria ang Samaria at dinala ang mga taga-Israel sa Asiria bilang mga bihag. Pinatira niya sila sa lungsod ng Hala, sa mga lugar na malapit sa Ilog ng Habor sa Gozan at sa mga bayan ng Media.

Nangyari ito sa mga taga-Israel dahil nagkasala sila sa Panginoon na kanilang Dios na naglabas sa kanila sa Egipto at nagpalaya mula sa kapangyarihan ng Faraon na hari ng Egipto. Sumamba sila sa mga dios-diosan at ginaya nila ang mga kasuklam-suklam na ginagawa ng mga bansang pinalayas ng Panginoon sa pamamagitan nila. Sumunod din sila sa kasuklam-suklam na pamumuhay ng mga hari nila. Palihim din silang gumawa ng mga bagay na hindi nakalulugod sa Panginoon na kanilang Dios. Gumawa rin sila ng mga sambahan sa matataas na lugar[a] sa lahat ng bayan mula sa pinakamaliit na barangay hanggang sa malalaking napapaderang lungsod. 10 Nagpatayo sila ng mga alaalang bato at mga posteng simbolo ng diosang si Ashera sa ibabaw ng bawat matataas na burol at sa ilalim ng bawat malalagong punongkahoy. 11 Nagsunog sila ng mga insenso sa bawat sambahan sa matataas na lugar katulad ng ginagawa ng mga bansang pinalayas ng Panginoon sa pamamagitan nila. Gumawa sila ng mga kasuklam-suklam na bagay na nakapagpagalit sa Panginoon. 12 Sumamba sila sa mga dios-diosan kahit na sinabi ng Panginoon, “Huwag kayong sasamba sa mga dios-diosan.” 13 Paulit-ulit na nagpapadala ang Panginoon ng mga propeta para bigyang babala ang Israel at ang Juda: “Itigil ninyo ang mga kasuklam-suklam ninyong ginagawa. Sundin ninyo ang mga utos ko at tuntunin ayon sa kautusan na iniutos ko sa inyong mga ninuno at ibinigay ko sa inyo sa pamamagitan ng aking mga lingkod na propeta.” 14 Pero hindi sila nakinig. Matitigas ang ulo nila katulad ng mga ninuno nilang walang tiwala sa Panginoon na kanilang Dios. 15 Itinakwil nila ang tuntunin ng Panginoon, ang kasunduang ginawa niya sa mga ninuno nila, at hindi rin sila nakinig sa mga babala niya. Sinunod nila ang mga walang kwentang dios-diosan at silaʼy naging walang kwenta na rin. Ginawa nila ang mga bagay na ipinagbabawal ng Panginoon na ginagawa ng mga bansang nakapalibot sa kanila. 16 Itinakwil nila ang lahat ng utos ng Panginoon na kanilang Dios. Gumawa sila ng larawan ng dalawang guya at posteng simbolo ng diosang si Ashera. Sumamba sila sa lahat ng bagay na nasa langit, at kay Baal. 17 Inihandog nila ang mga anak nila sa apoy. Sumangguni sila sa mga manghuhula, gumamit ng pangkukulam at ipinagbili ang sarili nila sa paggawa ng masama sa paningin ng Panginoon, at ito ang nakapagpagalit sa kanya.

18 Galit na galit ang Panginoon sa Israel kaya pinalayas niya ang mga ito sa harapan niya. Ang lahi lang ni Juda ang natira sa lupain. 19 Pero kahit ang mga taga-Juda ay hindi rin sumunod sa mga utos ng Panginoon na kanilang Dios. Ginawa rin nila kung ano ang mga ginawa ng mga taga-Israel. 20 Kaya itinakwil ng Panginoon ang lahat ng mamamayan ng Israel. Ibinigay niya sila sa mga kaaway nila bilang parusa hanggang sa mawala sila sa kanyang presensya.

21 Nang ihiwalay ng Panginoon ang Israel sa kaharian ni David, ginawang hari ng mga taga-Israel si Jeroboam na anak ni Nebat. Hinikayat ni Jeroboam ang mga taga-Israel sa pagtalikod sa Panginoon at siya ang nagtulak sa kanila sa paggawa ng napakalaking kasalanan. 22 Nagpatuloy sa pagsunod ang mga taga-Israel sa mga kasalanan ni Jeroboam at hindi sila tumalikod dito, 23 hanggang sa pinalayas sila ng Panginoon sa kanyang harapan, ayon sa babala niya sa kanila sa pamamagitan ng mga lingkod niyang propeta. Kaya binihag ng Asiria ang lahat ng mamamayan ng Israel at doon sila nakatira hanggang ngayon.

Nanirahan ang mga Taga-Asiria sa Israel

24 Nagpadala ang hari ng Asiria ng mga tao mula sa Babilonia, Cuta, Ava, Hamat at Sefarvaim, at pinatira niya sila sa mga bayan ng Samaria para palitan ang mga Israelita. Sinakop ng mga taga-Asiria ang Samaria at ang iba pang mga bayan ng Israel. 25 Sa simula pa lang ng pagtira nila roon ay hindi na sila sumamba sa Panginoon, kaya pinadalhan sila ng Panginoon ng mga leon para patayin sila. 26 Sinabi ng mga tao sa hari ng Asiria: “Ang mga pinatira mo sa mga bayan ng Samaria ay walang alam sa kautusan ng dios sa lugar na iyon. Kaya nagpadala siya ng mga leon para patayin sila dahil hindi nga nila nalalaman ang kanyang kautusan.”

27 Kaya, nag-utos ang hari ng Asiria, “Pabalikin sa Samaria ang isa sa mga pari na binihag natin. Hayaan nʼyo siyang magturo sa mga bagong nakatira roon kung ano ang kautusan ng dios sa lugar na iyon.” 28 Kaya ang isa sa mga pari na binihag mula sa Samaria ay bumalik at tumira sa Betel, at tinuruan niya ang mga bagong nakatira roon kung paano sambahin ang Panginoon. 29 Pero ang ibaʼt ibang grupo ng mga taong ito ay patuloy pa rin sa paggawa ng sarili nilang mga dios-diosan. Sa bawat bayan na tinitirhan nila ay nilalagyan nila ng mga dios-diosan sa mgasambahan sa matataas na lugar na ginawa ng mga taga-Samaria. 30 Ginawang dios ng mga taga-Babilonia si Sucot Benot. Sinamba ng mga taga-Cuta ang dios nilang si Nergal. Sinamba naman ng mga taga-Hamat si Ashima. 31 Sinamba ng mga taga-Ava ang dios nilang sina Nibhaz at Tartac. Sinunog naman sa apoy ng mga taga-Sefarvaim ang mga anak nila bilang handog sa dios nilang sina Adramelec at Anamelec. 32 Sinamba nila ang Panginoon, pero pumili sila ng mga pari na mula sa kanila para mag-alay ng mga handog sa mga sambahan sa matataas na lugar. 33 Kahit sinasamba nila ang Panginoon, patuloy pa rin sila sa pagsamba sa kanilang mga dios-diosan ayon sa kaugalian ng mga bansang pinanggalingan nila. 34 Hanggang ngayon, ginagawa pa rin nila ito. Wala silang takot sa Panginoon, at hindi sila sumusunod sa mga tuntunin, mga turo at mga kautusan na ibinigay ng Panginoon sa lahi ni Jacob, na pinangalanan niyang Israel. 35 Gumawa ang Panginoon ng kasunduan sa mga Israelita, at iniutos sa kanila: “Huwag kayong sumamba sa mga dios-diosan o lumuhod sa kanila o maglingkod, o kayaʼy maghandog sa kanila. 36 Sambahin ninyo ako, ang Panginoon na naglabas sa inyo mula sa Egipto sa pamamagitan ng dakila kong kapangyarihan at lakas. Ako lamang ang inyong sasambahin at hahandugan. 37 Palagi ninyong sundin ang mga tuntunin, turo at mga kautusan na isinulat ko para sa inyo. Hindi kayo dapat sumamba sa ibang dios. 38 Huwag ninyong kalimutan ang kasunduang ginawa ko sa inyo at huwag kayong sasamba sa ibang dios. 39 Sa halip, ako lamang ang sambahin ninyo, ang Panginoon na inyong Dios. Ako lang ang magliligtas sa inyo sa lahat ng kaaway ninyo.”

40 Pero hindi nakinig ang mga taong iyon at nagpatuloy sila sa dati nilang ginagawa. 41 Habang sinasamba ng mga bagong naninirahan ang Panginoon, sumasamba rin sila sa mga dios-diosan nila. Hanggang ngayon ito pa rin ang ginagawa ng mga angkan nila.

Footnotes

  1. 17:9 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.