Print Page Options

15 At ang espiritu ng Dios ay suma kay Azarias na anak ni Obed:

At siya'y lumabas na sinalubong si Asa, at sinabi niya sa kaniya, Dinggin ninyo ako, Asa, at buong Juda at Benjamin: ang Panginoon ay sumasa inyo samantalang kayo'y sumasa kaniya: at kung inyong hanapin siya, siya'y masusumpungan ninyo; nguni't kung pabayaan ninyo siya, kaniyang pababayaan kayo.

Ngayon nga ang Israel ay malaon nang walang Dios na tunay at walang tagapagturong saserdote, at walang kautusan:

Nguni't nang sa kanilang kapanglawan ay nagsipagbalik sila sa Panginoon, sa Dios ng Israel, at hinanap nila siya, siya'y nasumpungan nila.

At nang mga panahong yaon ay walang kapayapaan sa kaniya na lumabas, o sa kaniya na pumasok, kundi malaking ligalig ang nangasa lahat ng mga nananahan sa mga lupain.

At sila'y nagkapangkatpangkat, bansa laban sa bansa, at bayan laban sa bayan: sapagka't niligalig sila ng Dios ng buong kapighatian.

Nguni't mangagpakalakas kayo, at huwag manglata ang inyong mga kamay; sapagka't ang inyong mga gawa ay gagantihin.

At nang marinig ni Asa ang mga salitang ito, at ang hula ni Obed na propeta, siya'y lumakas, at inalis ang mga karumaldumal sa buong lupain ng Juda at ng Benjamin, at sa mga bayan na kaniyang sinakop sa lupaing maburol ng Ephraim; at kaniyang binago ang dambana ng Panginoon, na nasa harap ng portiko ng Panginoon.

At kaniyang pinisan ang buong Juda at Benjamin, at silang mga nakikipamayan na kasama nila mula sa Ephraim at Manases, at mula sa Simeon; sapagka't sila'y nagsihilig sa kaniya na mula sa Israel na sagana, nang kanilang makita na ang Panginoon niyang Dios ay sumasa kaniya.

10 Sa gayo'y nangagpipisan sila sa Jerusalem sa ikatlong buwan, sa ikalabing limang taon ng paghahari ni Asa.

11 At sila'y nagsipaghain sa Panginoon sa araw na yaon, sa samsam na kanilang dinala, na pitong daang baka at pitong libong tupa.

12 At sila'y pumasok sa tipan upang hanapin ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang, ng kanilang buong puso, at ng kanilang buong kaluluwa.

13 At sinomang hindi humanap sa Panginoon, sa Dios ng Israel, ay papatayin, maging maliit o malaki, maging lalake o babae.

14 At sila'y nagsisumpa sa Panginoon ng malakas na tinig, at may mga hiyawan, at may mga pakakak, at may mga patunog.

15 At ang buong Juda ay nagalak sa sumpa: sapagka't sila'y nagsisumpa ng kanilang buong puso, at hinanap siya ng buo nilang nasa; at siya'y nasumpungan sa kanila: at binigyan sila ng Panginoon ng kapahingahan sa palibot.

16 At si Maacha naman na ina ni Asa na hari, ay inalis niya sa pagkareina, sapagka't siya'y gumawa ng nakasusuklam na larawan na pinaka Asera; at pinutol ni Asa ang kaniyang larawan, at ginawang alabok, at sinunog sa batis ng Cedron.

17 Nguni't ang mga mataas na dako ay hindi inalis sa Israel: gayon ma'y ang puso ni Asa ay sakdal sa lahat ng kaniyang mga kaarawan.

18 At kaniyang ipinasok sa bahay ng Dios ang mga bagay na itinalaga ng kaniyang ama, at yaon mang kaniyang itinalaga, na pilak, at ginto, at mga sisidlan.

19 At nawalan na ng digma sa ikatatlong pu't limang taon ng paghahari ni Asa.

Ang Mga Pagbabagong Ginawa ni Asa

15 Pinuspos ng Espiritu ng Dios si Azaria na anak ni Obed. Nakipagkita siya kay Asa at sinabi, “Pakinggan nʼyo po ako Haring Asa, at lahat kayong taga-Juda at taga-Benjamin. Mananatili ang Panginoon sa inyo habang nananatili kayo sa kanya. Kung dudulog kayo sa kanya, tutulungan niya kayo. Pero kung tatalikuran nʼyo siya, tatalikuran din niya kayo. Sa mahabang panahon, namuhay ang mga Israelita na walang tunay na Dios, walang paring nagtuturo sa kanila, at walang kautusan. Pero sa kanilang paghihirap, dumulog sila sa Panginoon, ang Dios ng Israel, at tinulungan niya sila. Nang panahong iyon, mapanganib ang maglakbay dahil nagkakagulo ang mga tao. Naglalaban ang mga bansa at ang mga lungsod, dahil ginulo sila ng Dios sa pamamagitan ng ibaʼt ibang mga kahirapan. Pero kayo naman, magpakatapang kayo at huwag manghina dahil ang mga gawa ninyo ay gagantimpalaan.”

Nang marinig ni Asa ang mensahe ni Azaria na anak ni Obed, nagpakatapang siya. Inalis niya ang kasuklam-suklam na mga dios-diosan sa buong Juda at Benjamin, at sa mga bayan na kanyang inagaw sa mababang bahagi ng Efraim. Ipinaayos niya ang altar ng Panginoon na nasa harapan ng balkonahe ng templo ng Panginoon.

Pagkatapos, ipinatipon niya ang lahat ng mamamayan ng Juda at Benjamin, at ang mga mamamayan mula sa Efraim, Manase, at Simeon na nakatirang kasama nila. Maraming lumipat sa Juda mula sa Israel nang makita nilang si Asa ay sinasamahan ng Panginoon na kanyang Dios.

10 Nagtipon sila sa Jerusalem noong ikatlong buwan nang ika-15 taon ng paghahari ni Asa. 11 At sa oras na iyon, naghandog sila sa Panginoon ng mga hayop na kanilang nasamsam sa labanan – 700 baka at 7,000 tupa at kambing. 12 Gumawa sila ng kasunduan na dumulog sa Panginoon, ang Dios ng kanilang mga ninuno, nang buong puso nilaʼt kaluluwa. 13 Ang sinumang hindi dumulog sa Panginoon, ang Dios ng Israel ay papatayin, bata man o matanda, lalaki man o babae. 14 Nangako sila sa Panginoon sa malakas na tinig na may pagsasaya at pagpapatunog ng mga trumpeta at mga trumpeta. 15 Nagsaya ang lahat ng taga-Juda dahil nangako sila nang buong puso. Dumulog sila sa Panginoon nang taimtim sa kanilang puso, at tinulungan niya sila. At binigyan niya sila ng kapayapaan sa kanilang mga kalaban kahit saan.

16 Inalis din ni Haring Asa ang kanyang lolang si Maaca sa pagkareyna nito dahil gumawa ito ng karumal-dumal na posteng simbolo ng diosang si Ashera. Ipinaputol ni Asa ang poste, ipinasibak ito, at ipinasunog sa Lambak ng Kidron. 17 Kahit hindi nawala ang mga sambahan sa matataas na lugar,[a] naging matapat pa rin si Asa sa Panginoon sa buong buhay niya. 18 Dinala niya sa templo ng Panginoon ang mga pilak, ginto at iba pang mga bagay na inihandog niya at ng kanyang ama sa Panginoon.

19 Hindi nagkaroon ng digmaan hanggang sa ika-35 taon ng paghahari ni Asa.

Footnotes

  1. 15:17 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.

Si Asa ay Gumawa ng Pagbabago

15 Ang Espiritu ng Diyos ay dumating kay Azarias na anak ni Obed,

at siya'y lumabas upang salubungin si Asa, at sinabi sa kanya, “Pakinggan ninyo ako, Asa, at buong Juda at Benjamin: Ang Panginoon ay nasa panig ninyo samantalang kayo'y nasa panig niya. Kung inyong hahanapin siya, siya'y matatagpuan ninyo; ngunit kung siya'y tatalikuran ninyo, kanyang tatalikuran kayo.

Sa loob ng mahabang panahon ang Israel ay walang tunay na Diyos, walang tagapagturong pari, at walang kautusan.

Ngunit nang sa kanilang kahirapan ay nanumbalik sila sa Panginoon, ang Diyos ng Israel, at kanilang hinanap siya, kanilang natagpuan siya.

Nang mga panahong iyon ay walang kapayapaan sa taong lumabas, o sa taong pumasok, sapagkat malalaking ligalig ang nagpahirap sa lahat ng naninirahan sa mga lupain.

Sila'y nagkadurug-durog, bansa laban sa bansa, at lunsod laban sa lunsod sapagkat niligalig sila ng Diyos ng bawat uri ng kaguluhan.

Ngunit kayo, magpakatapang kayo! Huwag ninyong hayaang manghina ang inyong mga kamay, sapagkat ang inyong mga gawa ay gagantimpalaan.”

Nang marinig ni Asa ang mga salitang ito, ang propesiya ni Azarias na anak ni Obed, lumakas ang loob niya. Inalis niya ang mga karumaldumal na diyus-diyosan sa buong lupain ng Juda at ng Benjamin, at sa mga lunsod na kanyang sinakop sa lupaing maburol ng Efraim. Kanyang inayos ang dambana ng Panginoon na nasa harapan ng portiko ng Panginoon.

At kanyang tinipon ang buong Juda at Benjamin, at ang mga galing sa Efraim, Manases, at Simeon na nakikipamayang kasama nila, sapagkat napakalaki ang bilang ng tumakas patungo sa kanya mula sa Israel nang kanilang makita na ang Panginoon niyang Diyos ay kasama niya.

10 Sila'y nagtipon sa Jerusalem sa ikatlong buwan ng ikalabinlimang taon ng paghahari ni Asa.

11 Sila'y naghandog sa Panginoon nang araw na iyon, mula sa samsam na kanilang dinala, pitong daang baka at pitong libong tupa.

12 At sila'y nakipagtipan upang hanapin ang Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, ng kanilang buong puso at kaluluwa.

13 Sinumang ayaw humanap sa Panginoong Diyos ng Israel ay papatayin, maging bata o matanda, lalaki o babae.

14 Sila'y sumumpa sa Panginoon na may malakas na tinig, may mga sigawan, may mga trumpeta, at may mga tambuli.

15 Ikinagalak ng buong Juda ang panata, sapagkat sila'y namanata ng kanilang buong puso, at hinanap siya ng buo nilang hangarin. At siya'y natagpuan nila at binigyan sila ng Panginoon ng kapahingahan sa palibot.

16 Maging si Maaca na kanyang ina ay inalis ni Haring Asa sa pagiging inang reyna, sapagkat siya'y gumawa ng kasuklamsuklam na larawan para sa sagradong poste.[a] Pinutol ni Asa ang kanyang larawan, dinurog ito, at sinunog sa batis ng Cedron.

17 Ngunit ang matataas na dako ay hindi inalis sa Israel. Gayunma'y ang puso ni Asa ay tapat sa lahat ng kanyang mga araw.

18 At kanyang ipinasok sa bahay ng Diyos ang mga kaloob na itinalaga ng kanyang ama, at ang mga sarili niyang kaloob na kanyang itinalaga—pilak, ginto, at mga sisidlan.

19 Hindi nagkaroon ng digmaan hanggang sa ikatatlumpu't limang taon ng paghahari ni Asa.

Footnotes

  1. 2 Cronica 15:16 Sa Hebreo ay Ashera .

亞撒的改革

15 上帝的靈降在俄德的兒子亞撒利雅身上, 他便出來迎接亞撒,對他說:「亞撒啊,所有的猶大人和便雅憫人啊,請聽我說!你們若順從耶和華,祂必與你們同在。你們若尋求祂,祂必讓你們尋見。你們若背棄祂,祂必離棄你們。 以色列人已經許久沒有真神,沒有祭司教導,也沒有律法。 然而,他們在患難時歸向以色列的上帝耶和華,尋求祂,祂就讓他們尋見。 那時,人們出入不得平安,因為各地都有動亂。 邦國與邦國、城邑與城邑互相攻擊破壞,因為上帝用各樣的災難擾亂他們。 但你們要剛強,不要雙手發軟,因為你們必因所行的而得獎賞。」

亞撒聽了俄德的兒子亞撒利雅先知的預言,就鼓起勇氣在猶大和便雅憫全境以及他在以法蓮山區奪取的各城邑剷除可憎的神像,並在耶和華殿的走廊前重修耶和華的祭壇。

當時,有許多以法蓮人、瑪拿西人和西緬人看見亞撒的上帝耶和華與他同在,就從以色列來投奔他,寄居在猶大。亞撒把他們和所有的猶大人與便雅憫人都招聚在一起。 10 亞撒執政第十五年三月,他們聚集在耶路撒冷。 11 當天,他們從擄物中取出七百頭牛和七千隻羊獻給耶和華。 12 他們又與他們祖先的上帝耶和華立約,要全心全意地尋求祂。 13 凡不尋求以色列的上帝耶和華的,無論男女老幼,一律處死。 14 他們高聲向耶和華起誓,並吹響號角。 15 猶大人都為所起的誓而歡喜快樂,因他們誠心起誓、誠意尋求耶和華,耶和華就讓他們尋見,並賜他們四境平安。

16 亞撒王廢除了他祖母瑪迦的太后之位,因為她造了可憎的亞舍拉神像。亞撒將她的神像砍倒、打碎,燒毀在汲淪溪旁。 17 儘管他還沒有把邱壇從以色列除去,但他一生對耶和華忠心。 18 他將他父親和自己奉獻給上帝的金銀及器皿都帶到上帝的殿裡。

19 從那時直到亞撒執政第三十五年,國中都沒有戰爭。

Asa’s Reform(A)

15 The Spirit of God came on(B) Azariah son of Oded. He went out to meet Asa and said to him, “Listen to me, Asa and all Judah and Benjamin. The Lord is with you(C) when you are with him.(D) If you seek(E) him, he will be found by you, but if you forsake him, he will forsake you.(F) For a long time Israel was without the true God, without a priest to teach(G) and without the law.(H) But in their distress they turned to the Lord, the God of Israel, and sought him,(I) and he was found by them. In those days it was not safe to travel about,(J) for all the inhabitants of the lands were in great turmoil. One nation was being crushed by another and one city by another,(K) because God was troubling them with every kind of distress. But as for you, be strong(L) and do not give up, for your work will be rewarded.”(M)

When Asa heard these words and the prophecy of Azariah son of[a] Oded the prophet, he took courage. He removed the detestable idols(N) from the whole land of Judah and Benjamin and from the towns he had captured(O) in the hills of Ephraim. He repaired the altar(P) of the Lord that was in front of the portico of the Lord’s temple.

Then he assembled all Judah and Benjamin and the people from Ephraim, Manasseh and Simeon who had settled among them, for large numbers(Q) had come over to him from Israel when they saw that the Lord his God was with him.

10 They assembled at Jerusalem in the third month(R) of the fifteenth year of Asa’s reign. 11 At that time they sacrificed to the Lord seven hundred head of cattle and seven thousand sheep and goats from the plunder(S) they had brought back. 12 They entered into a covenant(T) to seek the Lord,(U) the God of their ancestors, with all their heart and soul. 13 All who would not seek the Lord, the God of Israel, were to be put to death,(V) whether small or great, man or woman. 14 They took an oath to the Lord with loud acclamation, with shouting and with trumpets and horns. 15 All Judah rejoiced about the oath because they had sworn it wholeheartedly. They sought God(W) eagerly, and he was found by them. So the Lord gave them rest(X) on every side.

16 King Asa also deposed his grandmother Maakah(Y) from her position as queen mother,(Z) because she had made a repulsive image for the worship of Asherah.(AA) Asa cut it down, broke it up and burned it in the Kidron Valley.(AB) 17 Although he did not remove the high places from Israel, Asa’s heart was fully committed to the Lord all his life. 18 He brought into the temple of God the silver and gold and the articles that he and his father had dedicated.(AC)

19 There was no more war until the thirty-fifth year of Asa’s reign.

Footnotes

  1. 2 Chronicles 15:8 Vulgate and Syriac (see also Septuagint and verse 1); Hebrew does not have Azariah son of.