Add parallel Print Page Options

Ginawang Hari ng Israel si Jehu

Samantala, tinawag ni Propeta Eliseo ang isa sa mga propeta at inutusan, “Magbihis ka. Pumunta ka sa Ramot-gilead at dalhin mo ang langis na ito. Pagdating doon, hanapin mo si Jehu na anak ni Jehoshafat at apo ni Nimshi. Sabihin mong iwan muna niya ang kanyang mga kasamahan at isama mo siya sa isang silid. Doo'y ibuhos mo ang langis na ito sa kanyang ulo. Sabihin mong pinili siya ni Yahweh upang maging hari ng Israel. Pagkatapos, umalis ka na agad.”

Pumunta nga sa Ramot-gilead ang kabataang propeta. Nadatnan niyang nagpupulong ang mga opisyal ng hukbo. Sinabi niya, “Napag-utusan po ako, mahal na pinuno.”

Si Jehu ang sumagot, “Sino sa amin ang kailangan mo?”

“Kayo po,” sagot ng propeta. Tumindig(A) si Jehu at sumama sa propeta sa loob ng bahay.

Pagdating doon, ibinuhos niya sa ulo ni Jehu ang langis sabay sabi, “Ganito ang sabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel: binubuhusan kita ngayon ng langis upang maging hari ng Israel na kanyang bayan. Papatayin mo ang iyong hari na anak ni Ahab upang maipaghiganti ko kay Jezebel ang aking mga propeta at ang lahat ng lingkod ni Yahweh na kanyang pinatay. Mauubos ang angkan ni Ahab at papatayin ko ang mga anak niyang lalaki sa Israel, maging alipin o malaya. Gagawin ko sa pamilya niya ang ginawa ko sa pamilya ni Jeroboam na anak ni Nebat, at ni Baasa na anak ni Ahias. 10 Si(B) Jezebel ay lalapain ng mga aso sa kaparangan ng Jezreel at walang maglilibing sa kanya.” Pagkasabi nito, dali-daling umalis ang kabataang propeta.

11 Nang bumalik si Jehu sa kanyang mga kasamahan, tinanong siya ng mga ito, “Ano ang nangyari? Anong kailangan sa iyo ng luku-lukong iyon?”

Sinabi niya, “Alam na ninyo kung anong gusto ng luku-lukong iyon.”

12 “Ano nga ang sinabi niya?” tanong nila.

At sinabi niya, “Ganito ang sabi niya: ‘Inutusan ako ni Yahweh na buhusan kita ng langis upang ika'y maging hari ng Israel.’”

13 Pagkarinig nito'y dali-dali nilang inalis ang kanilang mga balabal at inilatag sa paanan ni Jehu. Hinipan nila ang trumpeta at saka sumigaw: “Mabuhay si Jehu! Mabuhay ang hari!”

Pinatay ni Jehu si Joram

14 Pinag-aralan ni Jehu kung paano niya mapapatay si Joram na noon ay kasama ang mga Israelitang nagbabantay sa Ramot-gilead laban kay Haring Hazael ng Siria. 15 Si Haring Joram ay bumalik noon sa Jezreel upang ipagamot ang sugat na tinamo sa pakikipaglaban kay Haring Hazael at sa mga tauhan nito. Sinabi ni Jehu, “Kung talagang kakampi ko kayo, isa man sa kanila'y huwag ninyong pababayaang makapunta sa Jezreel upang ibalita ang nangyaring ito.” 16 Sumakay siya sa kanyang karwahe upang puntahan si Joram sa Jezreel na noon ay dinadalaw ni Haring Ahazias ng Juda.

17 Mula sa tore ng Jezreel, natanaw ng bantay ang pangkat ni Jehu. Sinabi niya, “May isang pangkat na dumarating.”

Sumagot si Joram, “Sabihin mong salubungin ng isa nating mangangabayo at itanong kung mga kaibigan ba sila o mga kaaway.”

18 Kaya sinalubong sina Jehu ng isang mangangabayo at sinabi, “Ipinatatanong po ng hari kung kayo'y kaibigan o kaaway.”

Sumagot si Jehu, “Kaibigan man o kaaway, wala akong pakialam. Sumunod ka na lang sa akin.”

Dahil dito sinabi ng bantay, “Sinalubong na sila ng ating kawal ngunit paparating pa rin dito ang pangkat.”

19 Inutusan niyang muli ang isang mangangabayo at ipinatanong kung kaibigan ba sila o kaaway. Sinabi ni Jehu, “Anong kaibigan o kaaway? Sumunod ka na lang sa akin.”

20 Sinabi uli ng bantay kay Joram, “Sinalubong na sila ng ating kawal ngunit paparating pa rin ang pangkat. Parang isang sira-ulo sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ng karwahe ang kanilang pinuno; parang si Jehu na anak ni Nimshi.”

21 Sinabi ni Joram, “Ihanda ninyo ang aking sasakyan.” Dali-daling sumakay sina Joram at Ahazias at sinalubong ang pangkat ni Jehu. Nagkasalubong sila sa lupain ni Nabot. 22 Nang makilala siya ni Joram, itinanong nito, “Kapayapaan ba ang sadya mo, Jehu?”

Sumagot si Jehu, “Magkakaroon ba ng kapayapaan habang naglipana ang pagsamba sa diyus-diyosan at pangkukulam na pinalaganap ng ina mong si Jezebel?”

23 Nang marinig ito, biglang ibinuwelta ni Joram ang kanyang karwahe upang tumakas kasabay ng sigaw kay Ahazias, “Pinagtaksilan tayo!” 24 Ngunit buong lakas na pinana ni Jehu si Joram. Tinamaan siya sa likod at tumagos ang palaso sa puso. Bumagsak si Joram sa loob ng karwahe. 25 Sinabi ni Jehu sa kanyang katulong na si Bidcar, “Buhatin mo siya at ihagis sa lupa ni Nabot ng Jezreel. Alalahanin mo ang pahayag ni Yahweh laban sa ama niyang si Ahab noong tayo'y kasama pa niya. 26 ‘Nakita(C) mo ang pagkamatay ni Nabot at ng kanyang mga anak, gagantihan kita sa lupaing ito.’ Kaya nga, buhatin mo siya at ihagis sa lupa ni Nabot, upang matupad ang sinabi ni Yahweh.”

Pinatay ni Jehu si Ahazias

27 Nang makita ni Ahazias ang nangyari, tumakas siya papuntang Beth-agan. Ngunit ipinapana rin siya ni Jehu at siya'y bumagsak sa loob ng karwahe nang paahon ito sa Gur na malapit sa Ibleam. Gayunman, nakatakas siya sa Megido at doon namatay. 28 Ang bangkay niya'y kinuha ng kanyang mga tagapaglingkod at isinakay sa karwahe. At siya'y inilibing nila sa Jerusalem, sa libingan ng kanyang mga ninuno sa bayan ni David.

29 Si Ahazias ay naging hari ng Juda noong ika-11 taon ng paghahari ni Joram sa Israel.

Ang Pagkamatay ni Jezebel

30 Bumalik si Jehu sa Jezreel at ito'y nabalitaan ni Jezebel. Kinulayan ni Jezebel ang kanyang mga mata, inayos na mabuti ang buhok at dumungaw sa bintana ng palasyo. 31 Nang makita niyang pumapasok si Jehu, itinanong niya, “Kapayapaan ba ang sadya mo, Zimri, mamamatay ng sariling panginoon?”

32 Tumingala si Jehu at nagtanong, “Sino sa inyo riyan ang aking kakampi?” Nang dumungaw ang dalawa o tatlong eunuko 33 sinabi niya sa mga ito, “Ihulog ninyo ang babaing iyan.” Inihulog nga nila si Jezebel. Nang ito'y bumagsak sa lupa, tumilamsik sa pader at sa mga kabayo ang kanyang dugo. At ang bangkay ay pinasagasaan niya sa karwahe. 34 Pumasok si Jehu sa palasyo upang kumain at uminom. Maya-maya, sinabi niya, “Kunin ninyo ang isinumpang babaing iyon at ilibing ninyo sapagkat anak din naman siya ng hari.” 35 Nang puntahan nila ang bangkay upang ilibing, wala na silang nadatnan kundi ang ulo, mga buto ng kamay at paa nito. 36 Nang(D) ibalita nila ito kay Jehu, sinabi nito, “Ito'y katuparan ng sinabi ni Yahweh sa pamamagitan ni Propeta Elias na, ‘Si Jezebel ay lalapain ng mga aso sa mismong nasasakupan ng Jezreel. 37 Parang duming sasambulat ang kanyang bangkay at walang makakakilala sa kanya.’”

Jehu Anointed King of Israel

The prophet Elisha summoned a man from the company(A) of the prophets and said to him, “Tuck your cloak into your belt,(B) take this flask of olive oil(C) with you and go to Ramoth Gilead.(D) When you get there, look for Jehu son of Jehoshaphat, the son of Nimshi. Go to him, get him away from his companions and take him into an inner room. Then take the flask and pour the oil(E) on his head and declare, ‘This is what the Lord says: I anoint you king over Israel.’ Then open the door and run; don’t delay!”

So the young prophet went to Ramoth Gilead. When he arrived, he found the army officers sitting together. “I have a message for you, commander,” he said.

“For which of us?” asked Jehu.

“For you, commander,” he replied.

Jehu got up and went into the house. Then the prophet poured the oil(F) on Jehu’s head and declared, “This is what the Lord, the God of Israel, says: ‘I anoint you king over the Lord’s people Israel. You are to destroy the house of Ahab your master, and I will avenge(G) the blood of my servants(H) the prophets and the blood of all the Lord’s servants shed by Jezebel.(I) The whole house(J) of Ahab will perish. I will cut off from Ahab every last male(K) in Israel—slave or free.[a] I will make the house of Ahab like the house of Jeroboam(L) son of Nebat and like the house of Baasha(M) son of Ahijah. 10 As for Jezebel, dogs(N) will devour her on the plot of ground at Jezreel, and no one will bury her.’” Then he opened the door and ran.

11 When Jehu went out to his fellow officers, one of them asked him, “Is everything all right? Why did this maniac(O) come to you?”

“You know the man and the sort of things he says,” Jehu replied.

12 “That’s not true!” they said. “Tell us.”

Jehu said, “Here is what he told me: ‘This is what the Lord says: I anoint you king over Israel.’”

13 They quickly took their cloaks and spread(P) them under him on the bare steps. Then they blew the trumpet(Q) and shouted, “Jehu is king!”

Jehu Kills Joram and Ahaziah(R)

14 So Jehu son of Jehoshaphat, the son of Nimshi, conspired against Joram. (Now Joram and all Israel had been defending Ramoth Gilead(S) against Hazael king of Aram, 15 but King Joram[b] had returned to Jezreel to recover(T) from the wounds the Arameans had inflicted on him in the battle with Hazael king of Aram.) Jehu said, “If you desire to make me king, don’t let anyone slip out of the city to go and tell the news in Jezreel.” 16 Then he got into his chariot and rode to Jezreel, because Joram was resting there and Ahaziah(U) king of Judah had gone down to see him.

17 When the lookout(V) standing on the tower in Jezreel saw Jehu’s troops approaching, he called out, “I see some troops coming.”

“Get a horseman,” Joram ordered. “Send him to meet them and ask, ‘Do you come in peace?(W)’”

18 The horseman rode off to meet Jehu and said, “This is what the king says: ‘Do you come in peace?’”

“What do you have to do with peace?” Jehu replied. “Fall in behind me.”

The lookout reported, “The messenger has reached them, but he isn’t coming back.”

19 So the king sent out a second horseman. When he came to them he said, “This is what the king says: ‘Do you come in peace?’”

Jehu replied, “What do you have to do with peace? Fall in behind me.”

20 The lookout reported, “He has reached them, but he isn’t coming back either. The driving is like(X) that of Jehu son of Nimshi—he drives like a maniac.”

21 “Hitch up my chariot,” Joram ordered. And when it was hitched up, Joram king of Israel and Ahaziah king of Judah rode out, each in his own chariot, to meet Jehu. They met him at the plot of ground that had belonged to Naboth(Y) the Jezreelite. 22 When Joram saw Jehu he asked, “Have you come in peace, Jehu?”

“How can there be peace,” Jehu replied, “as long as all the idolatry and witchcraft of your mother Jezebel(Z) abound?”

23 Joram turned about and fled, calling out to Ahaziah, “Treachery,(AA) Ahaziah!”

24 Then Jehu drew his bow(AB) and shot Joram between the shoulders. The arrow pierced his heart and he slumped down in his chariot. 25 Jehu said to Bidkar, his chariot officer, “Pick him up and throw him on the field that belonged to Naboth the Jezreelite. Remember how you and I were riding together in chariots behind Ahab his father when the Lord spoke this prophecy(AC) against him: 26 ‘Yesterday I saw the blood of Naboth(AD) and the blood of his sons, declares the Lord, and I will surely make you pay for it on this plot of ground, declares the Lord.’[c] Now then, pick him up and throw him on that plot, in accordance with the word of the Lord.”(AE)

27 When Ahaziah king of Judah saw what had happened, he fled up the road to Beth Haggan.[d] Jehu chased him, shouting, “Kill him too!” They wounded him in his chariot on the way up to Gur near Ibleam,(AF) but he escaped to Megiddo(AG) and died there. 28 His servants took him by chariot(AH) to Jerusalem and buried him with his ancestors in his tomb in the City of David. 29 (In the eleventh(AI) year of Joram son of Ahab, Ahaziah had become king of Judah.)

Jezebel Killed

30 Then Jehu went to Jezreel. When Jezebel heard about it, she put on eye makeup,(AJ) arranged her hair and looked out of a window. 31 As Jehu entered the gate, she asked, “Have you come in peace, you Zimri,(AK) you murderer of your master?”[e]

32 He looked up at the window and called out, “Who is on my side? Who?” Two or three eunuchs looked down at him. 33 “Throw her down!” Jehu said. So they threw her down, and some of her blood spattered the wall and the horses as they trampled her underfoot.(AL)

34 Jehu went in and ate and drank. “Take care of that cursed woman,” he said, “and bury her, for she was a king’s daughter.”(AM) 35 But when they went out to bury her, they found nothing except her skull, her feet and her hands. 36 They went back and told Jehu, who said, “This is the word of the Lord that he spoke through his servant Elijah the Tishbite: On the plot of ground at Jezreel dogs(AN) will devour Jezebel’s flesh.[f](AO) 37 Jezebel’s body will be like dung(AP) on the ground in the plot at Jezreel, so that no one will be able to say, ‘This is Jezebel.’”

Footnotes

  1. 2 Kings 9:8 Or Israel—every ruler or leader
  2. 2 Kings 9:15 Hebrew Jehoram, a variant of Joram; also in verses 17 and 21-24
  3. 2 Kings 9:26 See 1 Kings 21:19.
  4. 2 Kings 9:27 Or fled by way of the garden house
  5. 2 Kings 9:31 Or “Was there peace for Zimri, who murdered his master?”
  6. 2 Kings 9:36 See 1 Kings 21:23.