Add parallel Print Page Options

Dumalaw ang Reyna ng Sheba(A)

Nang(B) mabalitaan ng reyna ng Sheba ang katanyagan ni Solomon, siya'y pumunta sa Jerusalem upang siya'y subukin ng mahihirap na tanong, kasama ang maraming alalay, at mga kamelyo na may pasang mga pabango at napakaraming ginto at mga mamahaling bato. Nang siya'y dumating kay Solomon, sinabi niya sa kanya ang lahat ng nasa kanyang isipan.

Sinagot ni Solomon ang lahat niyang mga tanong; walang bagay na nalingid kay Solomon na hindi niya maipaliwanag sa kanya.

Nang makita ng reyna ng Sheba ang karunungan ni Solomon, ang bahay na kanyang itinayo,

ang pagkain sa kanyang hapag, ang pagkakaupo ng kanyang mga pinuno, at ang pagsisilbi ng kanyang mga lingkod, at ang kanilang mga pananamit, ang kanyang mga tagahawak ng saro, at ang kanilang mga pananamit, at ang kanyang mga handog na sinusunog na kanyang iniaalay sa bahay ng Panginoon, ay hindi na siya halos makahinga.[a]

Sinabi niya sa hari, “Totoo ang ulat na narinig ko sa aking sariling lupain tungkol sa iyong pamumuhay at karunungan,

ngunit hindi ko pinaniwalaan ang mga ulat hanggang sa ako'y dumating at nakita ito ng aking sariling mga mata. Ang kalahati ng kalakhan ng iyong karunungan ay hindi nasabi sa akin; nahigitan mo pa ang ulat na aking narinig.

Maliligaya ang iyong mga tauhan! Maliligaya itong iyong mga lingkod na patuloy na nakatayo sa harapan mo at naririnig ang iyong karunungan!

Purihin ang Panginoon mong Diyos na nalugod sa iyo at inilagay ka sa kanyang trono, upang maging hari para sa Panginoon mong Diyos! Sapagkat minamahal ng iyong Diyos ang Israel at itatatag sila magpakailanman, ginawa ka niyang hari nila upang iyong igawad ang katarungan at katuwiran.”

Kanyang binigyan ang hari ng isandaan at dalawampung talentong ginto, napakaraming mga pabango at mahahalagang bato. Walang gayong mga pabango na gaya ng ibinigay ng reyna ng Sheba kay Haring Solomon.

10 Bukod doon, ang mga lingkod ni Huram at ang mga lingkod ni Solomon, na nagpadala ng ginto mula sa Ofir ay nagdala ng mga kahoy na algum at mga mamahaling bato.

11 Ang hari ay gumawa ng mga hagdanan mula sa mga kahoy na algum para sa bahay ng Panginoon at para sa bahay ng hari, at ng mga alpa, at mga salterio para sa mga mang-aawit. Wala pang nakitang gaya ng mga iyon sa lupain ng Juda.

12 Ibinigay ni Haring Solomon sa reyna ng Sheba ang lahat ng naisin niya, anumang hingin niya, na higit pang kapalit ng kanyang dinala sa hari. At siya'y bumalik at umuwi sa kanyang sariling lupain, kasama ang kanyang mga lingkod.

Ang Kayamanan ni Solomon(C)

13 Ang timbang ng ginto na dumating kay Solomon sa loob ng isang taon ay animnaraan at animnapu't anim na talentong ginto,

14 bukod pa sa dinala ng mga negosyante at mga mangangalakal; at ang lahat ng mga hari sa Arabia at ang mga tagapamahala ng lupain ay nagdala ng ginto at pilak kay Solomon.

15 Si Haring Solomon ay gumawa ng dalawandaang kalasag na yari sa pinitpit na ginto; animnaraang siklo ng pinitpit na ginto ang ginamit sa bawat kalasag.

16 Siya'y gumawa ng tatlong daang kalasag na yari sa pinitpit na ginto; tatlong daang siklong ginto ang ginamit sa bawat kalasag; at ang mga ito ay inilagay ng hari sa Bahay ng Gubat ng Lebanon.

17 Gumawa rin ang hari ng isang malaking tronong garing, at binalot ng dalisay na ginto.

18 Ang trono ay may anim na baytang at isang gintong tuntungan na nakakapit sa trono, at sa bawat tagiliran ng upuan ay ang mga patungan ng kamay at dalawang leon na nakatayo sa tabi ng mga patungan ng kamay,

19 at may labindalawang leon na nakatayo roon, isa sa bawat dulo ng isang baytang sa ibabaw ng anim na baytang. Walang ginawang gaya noon sa alinmang kaharian.

20 Ang lahat ng inuman ni Solomon ay ginto, at ang lahat ng sisidlan sa Bahay ng Gubat ng Lebanon ay dalisay na ginto; ang pilak ay hindi itinuturing na mahalaga sa mga araw ni Solomon.

21 Sapagkat ang mga sasakyang-dagat ng hari ay nagtungo sa Tarsis na kasama ng mga lingkod ni Huram; minsan sa bawat tatlong taon ay dumarating ang mga sasakyang-dagat ng Tarsis na may dalang ginto, pilak, garing, mga unggoy, at mga pabo real.[b]

22 Sa gayon nakahigit si Haring Solomon sa lahat ng hari sa lupa sa kayamanan at sa karunungan.

23 Lahat ng mga hari sa lupa ay nagnais na makaharap si Solomon upang makinig sa karunungan niya na ipinagkaloob ng Diyos sa kanya.

24 Bawat isa sa kanila ay nagdala ng kanya-kanyang kaloob, mga bagay na yari sa pilak at ginto, mga damit, mira, mga pabango, mga kabayo, at mga mola, ganoon karami taun-taon.

25 Kaya't(D) si Solomon ay may apat na libong silungan ng kabayo at mga karwahe, at labindalawang libong mangangabayo, na kanyang inilagay sa mga bayan ng mga karwahe, at kasama ng hari sa Jerusalem.

26 Siya'y(E) namuno sa lahat ng mga hari mula sa Eufrates hanggang sa lupain ng mga Filisteo at sa hangganan ng Ehipto.

27 Ginawa ng hari ang pilak sa Jerusalem na karaniwan gaya ng bato, at ang mga sedro na kasindami ng mga puno ng sikomoro ng Shefela.

28 Ang(F) mga kabayo ay inangkat para kay Solomon mula sa Ehipto at mula sa lahat ng mga lupain.

29 Ang iba nga sa mga gawa ni Solomon, mula sa una hanggang katapusan, di ba nakasulat sa kasaysayan ni Natan na propeta, at sa propesiya ni Ahias na Shilonita, at sa mga pangitain ni Iddo na propeta tungkol kay Jeroboam na anak ni Nebat?

30 Si Solomon ay naghari sa Jerusalem sa buong Israel sa loob ng apatnapung taon.

31 At si Solomon ay natulog na kasama ng kanyang mga ninuno, at siya'y inilibing sa lunsod ni David na kanyang ama; at si Rehoboam na kanyang anak ay nagharing kapalit niya.

Footnotes

  1. 2 Cronica 9:4 Sa Hebreo ay wala ng espiritu sa kanya .
  2. 2 Cronica 9:21 o baboon .

Dumalaw ang Reyna ng Sheba kay Haring Solomon(A)

Nang mabalitaan ng reyna ng Sheba ang katanyagan ni Solomon, pumunta siya sa Jerusalem para subukin ang karunungan ni Solomon sa pamamagitan ng mahihirap na katanungan. Dumating siya sa kasama ang marami niyang tauhan, at may dala siyang mga kamelyo na kargado ng mga regalo na mga pampalasa, napakaraming ginto at mamahaling mga bato. Nang makita niya si Solomon, itinanong niya rito ang lahat ng nasa kanyang isipan. Sinagot ni Solomon ang lahat niyang mga katanungan at walang anumang bagay ang hindi niya naipaliwanag sa kanya. Nang mapatunayan ng reyna ng Sheba ang karunungan ni Solomon, at nang makita niya ang ganda ng palasyo na kanyang ipinatayo, lubos siyang namangha. Ganoon din nang makita niya ang pagkain sa mesa ng hari, ang pamamahala ng kanyang mga opisyal, ang paglilingkod ng kanyang mga alipin at mga tagasilbi ng kanyang alak na may magagandang uniporme, at ang mga handog na sinusunog na kanyang inihandog sa templo ng Panginoon.

Sinabi niya sa hari, “Totoo nga ang nabalitaan ko sa aking bansa tungkol sa inyong mga gawa at karunungan. Hindi ako naniwala hanggang sa pumunta ako rito at nakita ko mismo. Ang totoo, wala sa kalahati ng nabalitaan ko tungkol sa inyo ang nakita ko. Ang karunungan ninyo ay higit pa kaysa sa nabalitaan ko. Napakapalad ng mga tauhan ninyo! Napakapalad ng inyong mga opisyal na naglilingkod sa inyo dahil palagi nilang naririnig ang inyong karunungan. Purihin ang Panginoon na inyong Dios na nalugod sa inyo at naglagay sa inyo sa trono upang maghari para sa kanya. Dahil sa pag-ibig ng inyong Dios sa Israel at sa kagustuhan niyang manatili ang bansang ito magpakailanman, ginawa niya kayong hari nito, para mamahala na may katarungan at katuwiran.”

Binigyan niya ang hari ng limang toneladang ginto, maraming sangkap at mamahaling mga bato. Wala nang makakapantay sa dami ng sangkap na ibinigay ng reyna ng Sheba kay Haring Solomon.

10 May dala rin kay Haring Solomon ang mga tauhan niya at ang mga tauhan ni Hiram na mga ginto, maraming kahoy na almug, at mamahaling mga bato galing sa Ofir. 11 Ginamit ng hari ang mga kahoy na almug para gawing hagdanan sa templo ng Panginoon at sa palasyo, at ang ibaʼy ginawang mga alpa at mga lira para sa mga musikero. Wala pang sinuman ang nakakita ng mga ganoong bagay sa Juda.

12 Ibinigay ni Haring Solomon sa reyna ng Sheba ang kahit anong hingin nito. Mas sobra pa ang ibinigay ni Solomon sa kanya kaysa sa dinala niya. Pagkatapos, umuwi na ang reyna kasama ng mga tauhan niya.

Ang Kayamanan ni Solomon(B)

13 Taun-taon tumatanggap si Solomon ng mga 23 toneladang ginto, 14 bukod pa rito ang mga buwis na dala ng mga negosyante. Nagbibigay din sa kanya ng mga ginto at pilak ang lahat ng hari ng Arabia at ang mga gobernador ng Israel.

15 Nagpagawa si Haring Solomon ng 200 malalaking pananggalang na ang bawat isa ay nababalutan ng mga pitong[a] kilong ginto. 16 Nagpagawa rin siya ng 300 maliliit na pananggalang na ang bawat isa ay nababalutan ng mga tatlo at kalahating kilong ginto. Pinalagay niya itong lahat sa bahagi ng palasyo na tinatawag na Kagubatan ng Lebanon.

17 Nagpagawa rin ang hari ng isang malaking trono na gawa sa mga pangil ng elepante, at binalutan ito ng purong ginto. 18 May anim na baitang ang trono, at may tungtungan ito ng paa na ginto. Sa bawat gilid nito ay may estatwang leon na nakatayo. 19 At mayroon ding estatwa ng leon sa bawat gilid ng baitang. Ang estatwang leon sa anim na baitang ay 12 lahat. Walang trono na katulad nito kahit saan mang kaharian. 20 Ang lahat ng kopa ni Haring Solomon ay purong ginto, at ang lahat ng gamit sa bahagi ng palasyo na tinatawag na Kagubatan ng Lebanon ay puro ginto rin. Hindi ito ginawa sa pilak dahil maliit lang ang halaga nito nang panahon ni Solomon. 21 May mga barko rin si Solomon na pang-negosyo,[b] na ang tripulante ay ang mga tauhan ni Hiram. Ang mga barkong itoʼy umuuwi isang beses sa bawat tatlong taon, na may dalang mga ginto, pilak, pangil ng elepante, at malalakiʼt maliliit na uri ng mga unggoy at pabo real.

22 Walang sinumang hari sa mundo na makakapantay sa karunungan at kayamanan ni Haring Solomon. 23 Ang lahat ng hari sa mundo ay naghahangad na makita si Solomon para makapakinig ng karunungan na ibinigay ng Dios sa kanya. 24 Taun-taon, ang bawat dumadalaw sa kanya ay may dalang mga regalo – mga bagay na gawa sa pilak at ginto, mga damit, mga sandata, mga sangkap, mga kabayo at mga mola.[c]

25 May 4,000 kwadra si Solomon para sa kanyang mga kabayo at mga karwahe. Siyaʼy may 12,000 kabayo[d] na inilagay niya sa lungsod na lagayan ng kanyang mga karwahe, at ang ibaʼy doon sa Jerusalem. 26 Sinakop niya ang lahat ng hari mula sa Ilog ng Eufrates hanggang sa lupain ng mga Filisteo at sa hangganan ng Egipto. 27 Noong panahon na siya ang hari, ang pilak sa Jerusalem ay gaya lang ng ordinaryong mga bato, at ang kahoy na sedro ay kasindami ng mga ordinaryong kahoy na sikomoro sa mga kaburulan sa kanluran.[e] 28 Ang mga kabayo ni Solomon ay nagmula sa Egipto at sa iba pang mga bansa.

Ang Pagkamatay ni Solomon(C)

29 Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Solomon, mula sa simula hanggang sa katapusan ay nakasulat sa Aklat ni Propeta Natan, sa Mga Mensahe ni Ahia na Taga-Shilo, at sa mga Pangitain ni Iddo na Propeta, na nagsasabi rin tungkol sa paghahari ni Jeroboam na anak ni Nebat. 30 Sa Jerusalem nakatira si Solomon habang naghahari siya sa buong Israel sa loob ng 40 taon. 31 Nang mamatay siya, inilibing siya sa lungsod ng ama niyang si David. At ang anak niyang si Rehoboam ang pumalit sa kanya bilang hari.

Footnotes

  1. 9:15 pito: o, tatloʼt kalahati.
  2. 9:21 pang-negosyo: sa Hebreo, papuntang Tarshish.
  3. 9:24 mola: sa Ingles, “mule.” Hayop na parang kabayo.
  4. 9:25 kabayo: o, mangangabayo.
  5. 9:27 kaburulan sa kanluran: sa literal, Shefela.

The Queen of Sheba Visits Jerusalem(A)

When the queen of Sheba heard about Solomon’s reputation, she traveled to Jerusalem and tested him[a] with difficult questions. She brought along a large retinue, camels laden with spices, and lots of gold and precious stones. Upon her arrival, she spoke with Solomon about everything that was on her mind.[b] Solomon answered all of her questions. Because nothing was hidden from Solomon, he hid nothing from her. When the queen of Sheba had seen Solomon’s wisdom for herself, the palace that he had built, the food set at his table, his servants who waited on him, his ministers in attendance and how they were dressed, his personal staff[c] and how they were dressed, and even his personal stairway by which he went up to the Lord’s Temple, she was breathless!

“Everything I heard about your wisdom and what you have to say is true!” she gasped, “but I didn’t believe it at first! But then I came here and I’ve seen it for myself! It’s amazing! I wasn’t told half of what’s really great about your wisdom. You’re far better in person than what the reports have said about you! How blessed are your staff! And how blessed are your employees,[d] who serve you continually and get to listen to your wisdom! Blessed be the Lord your God, who is delighted with you! He set you in place on his throne to be king for the Lord your God. He made you king over them so you could carry out justice and implement righteousness, because your God loves Israel and intends to establish them[e] forever.”

Then she gave the king 120 talents[f] of gold, a vast quantity of spices, and precious stones. There were no spices comparable to those that the queen of Sheba gave to King Solomon. 10 Hiram’s servants and Solomon’s servants, who brought gold from Ophir,[g] also presented algum wood[h] and other precious stones. 11 The king used the algum wood[i] to have steps made for the Lord’s Temple and for the royal palace, as well as lyres and harps for the choir,[j] and nothing like that wood[k] had been seen before in the territory of Judah. 12 In return, King Solomon gave the queen of Sheba everything she wanted and requested in addition to what she had brought for the king. Afterward, she returned to her own land, accompanied by her servants.

Solomon’s Wealth(B)

13 Solomon received in any given year about 666 talents[l] of gold, 14 not including revenue from traders and merchants. In addition, all the kings of Arabia and the governors of the nation brought gold and silver to Solomon. 15 King Solomon made 200 large shields of beaten gold, overlaying each shield with the gold from 600 gold pieces,[m] 16 and 300 shields from beaten gold, overlaying each shield with the gold from 300 gold pieces.[n] The king put them in his palace in the Lebanon forest. 17 The king also made a great ivory throne and overlaid it with pure gold. 18 Six steps led up to the throne. A golden footstool was attached to the throne, which had armrests on each side of the seat and two lions standing on either side of each armrest. 19 Twelve lions were placed on both sides of the six steps leading to the throne,[o] and nothing comparable was made for any other[p] kingdom. 20 All of King Solomon’s drinking vessels were made of[q] gold, and all the vessels in his palace in the Lebanon forest were made of[r] pure gold. Silver was never considered to be valuable during the lifetime of Solomon, 21 because the king had ships that sailed to Tarshish accompanied by Hiram’s servants. Once every three years ships from Tarshish returned, bringing gold, silver, ivory, apes, and peacocks.

22 As a result, King Solomon became greater than all the kings of the earth in regards to wealth and wisdom. 23 All the kings of the earth continued to seek audiences with Solomon so they could hear the wise things that God had put in his heart. 24 Everyone kept on bringing gifts on an annual basis, including items made of silver and gold, garments, myrrh, spices, horses, and mules. 25 Solomon had 4,000 stalls for horses and chariots, along with 12,000 cavalry soldiers. He stationed them in various chariot cities and with the king in Jerusalem. 26 King Solomon[s] ruled over all the kings from the Euphrates[t] River west[u] to the land of the Philistines and as far south as the boundary with Egypt.

27 The king made silver as common as[v] stones in Jerusalem, and made cedar trees as abundant as sycamore trees in the Shephelah.[w] 28 They also kept bringing horses to Solomon from Egypt and from all of the surrounding[x] countries.

The Death of Solomon(C)

29 Now the rest of Solomon’s accomplishments, from first to last, are written in the records of Nathan the prophet, in the prophecy of Ahijah the Shilonite, and in the visions of Iddo the seer pertaining to Nebat’s son Jeroboam, are they not? 30 Solomon reigned for 40 years in Jerusalem over all of Israel. 31 Then Solomon died, as had[y] his ancestors, and his son Rehoboam reigned in his place.

Footnotes

  1. 2 Chronicles 9:1 Lit. Solomon
  2. 2 Chronicles 9:1 Lit. heart
  3. 2 Chronicles 9:4 Lit. his cupbearers
  4. 2 Chronicles 9:7 Lit. servants
  5. 2 Chronicles 9:8 Lit. him; i.e. the nation personified as an individual
  6. 2 Chronicles 9:9 I.e. about 9,000 pounds; a talent weighed about 75 pounds
  7. 2 Chronicles 9:10 Or from a source of fine gold; cf. 1Chr 29:4
  8. 2 Chronicles 9:10 Or presented Juniper trees
  9. 2 Chronicles 9:11 Or the Juniper trees
  10. 2 Chronicles 9:11 Lit. singers
  11. 2 Chronicles 9:11 The Heb. lacks wood
  12. 2 Chronicles 9:13 I.e. about 49,950 pounds; a talent weighed about 75 pounds
  13. 2 Chronicles 9:15 MT does not identify the individual unit of measure
  14. 2 Chronicles 9:16 MT does not identify the individual unit of measure
  15. 2 Chronicles 9:19 The Heb. lacks leading to the throne
  16. 2 Chronicles 9:19 The Heb. lacks other
  17. 2 Chronicles 9:20 The Heb. lacks made of
  18. 2 Chronicles 9:20 The Heb. lacks made of
  19. 2 Chronicles 9:26 Lit. He
  20. 2 Chronicles 9:26 The Heb. lacks Euphrates
  21. 2 Chronicles 9:26 The Heb. lacks west
  22. 2 Chronicles 9:27 The Heb. lacks as common as
  23. 2 Chronicles 9:27 I.e. the verdant central lowlands of Israel; cf. Josh 10:40
  24. 2 Chronicles 9:28 The Heb. lacks surrounding
  25. 2 Chronicles 9:31 Lit. Solomon slept with; and so throughout the book

The Queen of Sheba Visits Solomon(A)

When the queen of Sheba(B) heard of Solomon’s fame, she came to Jerusalem to test him with hard questions. Arriving with a very great caravan—with camels carrying spices, large quantities of gold, and precious stones—she came to Solomon and talked with him about all she had on her mind. Solomon answered all her questions; nothing was too hard for him to explain to her. When the queen of Sheba saw the wisdom of Solomon,(C) as well as the palace he had built, the food on his table, the seating of his officials, the attending servants in their robes, the cupbearers in their robes and the burnt offerings he made at[a] the temple of the Lord, she was overwhelmed.

She said to the king, “The report I heard in my own country about your achievements and your wisdom is true. But I did not believe what they said until I came(D) and saw with my own eyes. Indeed, not even half the greatness of your wisdom was told me; you have far exceeded the report I heard. How happy your people must be! How happy your officials, who continually stand before you and hear your wisdom! Praise be to the Lord your God, who has delighted in you and placed you on his throne(E) as king to rule for the Lord your God. Because of the love of your God for Israel and his desire to uphold them forever, he has made you king(F) over them, to maintain justice and righteousness.”

Then she gave the king 120 talents[b] of gold,(G) large quantities of spices, and precious stones. There had never been such spices as those the queen of Sheba gave to King Solomon.

10 (The servants of Hiram and the servants of Solomon brought gold from Ophir;(H) they also brought algumwood[c] and precious stones. 11 The king used the algumwood to make steps for the temple of the Lord and for the royal palace, and to make harps and lyres for the musicians. Nothing like them had ever been seen in Judah.)

12 King Solomon gave the queen of Sheba all she desired and asked for; he gave her more than she had brought to him. Then she left and returned with her retinue to her own country.

Solomon’s Splendor(I)

13 The weight of the gold that Solomon received yearly was 666 talents,[d] 14 not including the revenues brought in by merchants and traders. Also all the kings of Arabia(J) and the governors of the territories brought gold and silver to Solomon.

15 King Solomon made two hundred large shields of hammered gold; six hundred shekels[e] of hammered gold went into each shield. 16 He also made three hundred small shields(K) of hammered gold, with three hundred shekels[f] of gold in each shield. The king put them in the Palace of the Forest of Lebanon.(L)

17 Then the king made a great throne covered with ivory(M) and overlaid with pure gold. 18 The throne had six steps, and a footstool of gold was attached to it. On both sides of the seat were armrests, with a lion standing beside each of them. 19 Twelve lions stood on the six steps, one at either end of each step. Nothing like it had ever been made for any other kingdom. 20 All King Solomon’s goblets were gold, and all the household articles in the Palace of the Forest of Lebanon were pure gold. Nothing was made of silver, because silver was considered of little value in Solomon’s day. 21 The king had a fleet of trading ships[g] manned by Hiram’s[h] servants. Once every three years it returned, carrying gold, silver and ivory, and apes and baboons.

22 King Solomon was greater in riches and wisdom than all the other kings of the earth.(N) 23 All the kings(O) of the earth sought audience with Solomon to hear the wisdom God had put in his heart. 24 Year after year, everyone who came brought a gift(P)—articles of silver and gold, and robes, weapons and spices, and horses and mules.

25 Solomon had four thousand stalls for horses and chariots,(Q) and twelve thousand horses,[i] which he kept in the chariot cities and also with him in Jerusalem. 26 He ruled(R) over all the kings from the Euphrates River(S) to the land of the Philistines, as far as the border of Egypt.(T) 27 The king made silver as common in Jerusalem as stones, and cedar as plentiful as sycamore-fig trees in the foothills. 28 Solomon’s horses were imported from Egypt and from all other countries.

Solomon’s Death(U)

29 As for the other events of Solomon’s reign, from beginning to end, are they not written in the records of Nathan(V) the prophet, in the prophecy of Ahijah(W) the Shilonite and in the visions of Iddo the seer concerning Jeroboam(X) son of Nebat? 30 Solomon reigned in Jerusalem over all Israel forty years. 31 Then he rested with his ancestors and was buried in the city of David(Y) his father. And Rehoboam his son succeeded him as king.

Footnotes

  1. 2 Chronicles 9:4 Or and the ascent by which he went up to
  2. 2 Chronicles 9:9 That is, about 4 1/2 tons or about 4 metric tons
  3. 2 Chronicles 9:10 Probably a variant of almugwood
  4. 2 Chronicles 9:13 That is, about 25 tons or about 23 metric tons
  5. 2 Chronicles 9:15 That is, about 15 pounds or about 6.9 kilograms
  6. 2 Chronicles 9:16 That is, about 7 1/2 pounds or about 3.5 kilograms
  7. 2 Chronicles 9:21 Hebrew of ships that could go to Tarshish
  8. 2 Chronicles 9:21 Hebrew Huram, a variant of Hiram
  9. 2 Chronicles 9:25 Or charioteers