Add parallel Print Page Options

At nanalangin si Solomon, “Sinabi nʼyo po Panginoon na maninirahan kayo sa makapal na ulap. Nagpatayo po ako ng kahanga-hangang na templo para sa inyo, na matatahanan nʼyo magpakailanman.”

Ang Mensahe ni Solomon sa mga Mamamayan ng Israel(A)

At humarap si Haring Solomon sa buong kapulungan ng Israel na nakatayo roon at silaʼy binasbasan. Sinabi niya, “Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel. Tinupad niya ang kanyang pangako sa aking ama na si David. Sapagkat sinabi niya, ‘Mula nang araw na inilabas ko ang mga mamamayan kong Israelita sa Egipto, hindi ako pumili ng lungsod sa kahit anong lahi ng Israel para pagtayuan ng templo sa pagpaparangal sa akin, at hindi rin ako pumili ng haring mamamahala sa mga mamamayan kong Israelita. Ngunit ngayon, pinili ko ang Jerusalem para doon pararangalan ang aking pangalan, at pinili ko si David para mamahala sa mga mamamayan kong Israelita.’

“Nasa puso ng aking amang si David na magtayo ng templo sa pagpaparangal sa Panginoon, ang Dios ng Israel. Pero sinabi sa kanya ng Panginoon, ‘Mabuti na naghahangad kang magpatayo ng templo para sa karangalan ng aking pangalan. Ngunit hindi ikaw ang magtatayo nito kundi ang sarili mong anak. Siya ang magtatayo ng templo para sa karangalan ng aking pangalan.’

10 “Tinupad ng Panginoon ang kanyang pangako. Ako ang pumalit sa aking amang si David bilang hari ng Israel, ayon sa pangako ng Panginoon. At ipinatayo ko ang templo para parangalan ang Panginoon, ang Dios ng Israel. 11 Nagpagawa ako ng lugar doon sa templo para sa Kahon kung saan nakalagay ang Kasunduan ng Panginoon na kanyang ginawa sa mamamayan ng Israel.”

Ang Panalangin ni Solomon para sa Mamamayang Israel(B)

12 Sa harap ng buong kapulungan ng Israel, lumapit si Solomon sa altar ng Panginoon at itinaas niya ang kanyang mga kamay. 13 Pagkatapos, tumayo siya sa tansong entablado na kanyang ipinagawa. Itoʼy may haba at luwang na pitoʼt kalahating talampakan, at may taas na apat at kalahating talampakan. At lumuhod si Solomon sa harap ng mga mamamayan ng Israel na nakataas ang kanyang mga kamay. 14 Nanalangin siya,

“O Panginoon, Dios ng Israel, wala pong Dios na katulad nʼyo sa langit o sa lupa. Tinutupad nʼyo ang inyong kasunduan, at ipinapakita ang inyong pag-ibig sa inyong mga lingkod na sumusunod sa inyo ng buong puso. 15 Tinupad nʼyo ang inyong ipinangako sa aking amang si David na inyong lingkod. Kayo po ang nangako at kayo rin ang tumupad sa araw na ito. 16 At ngayon, Panginoon, Dios ng Israel, tuparin nʼyo po ang inyong ipinangako sa inyong lingkod na si David na aking ama nang sinabi nʼyo po sa kanya, ‘Laging sa angkan mo magmumula ang maghahari sa Israel kung matapat na susunod sa akin ang mga angkan mo, tulad ng iyong ginawa.’ 17 Kaya ngayon, O Dios ng Israel, tuparin nʼyo po ang ipinangako ninyo sa lingkod ninyong si David na aking ama.

18 “Ngunit makakatira nga po ba kayo, O Dios, sa mundo kasama ng mga tao? Hindi nga kayo magkakasya kahit sa pinakamataas na langit, ano pa kaya kung sa templo na ipinatayo ko? 19 Ngunit pakinggan ninyo ako na inyong lingkod sa aking pananalangin at pagsusumamo, O Panginoon na aking Dios. Pakinggan nʼyo ang panawagan at pananalangin ko sa inyong presensya. 20 Ingatan nʼyo po sana ang templong ito araw at gabi, ang lugar na sinabi nʼyong kayoʼy pararangalan. Pakinggan nʼyo po sana ako na inyong lingkod sa aking pananalangin sa harap ng altar na ito. 21 Pakinggan nʼyo po ang mga kahilingan ko at ng mga mamamayan nʼyo kapag silaʼy nanalangin na nakaharap sa lugar na ito. Pakinggan nʼyo kami riyan sa inyong luklukan sa langit. At kung marinig nʼyo kami, patawarin nʼyo po kami.

22 “Kung ang isang tao ay pinagbintangang nagkasala sa kanyang kapwa, at pinapunta siya sa inyong altar sa templo na ito para sumumpa na inosente siya, 23 dinggin nʼyo po ito riyan sa langit at hatulan ang inyong mga lingkod – ang nagbintang at ang pinagbintangan. Parusahan nʼyo po ang nagkasala ayon sa kanyang ginawa at palayain ang walang sala para mahayag na inosente siya.

24 “Kung ang mga mamamayan nʼyong Israelita ay matalo ng mga kalaban nila dahil nagkasala sila sa inyo at kung manumbalik sila at magpuri sa inyo at manalangin sa templong ito, 25 dinggin nʼyo po sila riyan sa langit. Patawarin nʼyo sila sa kanilang kasalanan at dalhin ninyo sila pabalik sa lupaing ibinigay ninyo sa kanila at sa mga ninuno nila.

26 “Kung hindi nʼyo pauulanin, dahil nagkasala ang inyong mga mamamayan sa inyo, at kung manalangin po silang nakaharap sa templong ito at magpuri sa inyo, at magsisi sa kanilang mga kasalanan dahil pinarusahan nʼyo sila, 27 dinggin nʼyo po sila riyan sa langit. Patawarin nʼyo po sila na inyong mga lingkod, ang inyong mga mamamayang Israelita. Turuan nʼyo po sila ng matuwid na pamumuhay, at padalhan ng ulan ang lupain na inyong ibinigay sa kanila bilang pag-aari.

28 “Kung may dumating pong taggutom sa lupain ng inyong mga mamamayan, o salot, o malanta ang mga tanim, o peste sa mga tanim gaya ng mga balang at mga uod, o palibutan ng mga kalaban ang alinman sa kanilang mga lungsod, o sumapit man sa kanila ang kahit anong karamdaman, 29 at kung mayroon po sa kanila na mananalangin o hihiling sa inyo, dinggin nʼyo po sila. Kung kinikilala po nilang dahil sa kanilang mga kasalanan dumating ang mga pagtitiis at sakuna sa kanila, at manalangin po sila ng nakataas ang kanilang mga kamay, na nakaharap sa templong ito, 30 dinggin nʼyo po sila riyan sa inyong luklukan sa langit. Patawarin nʼyo po sila at gawin sa bawat isa ang nararapat sa kanilang mga ginawa, dahil alam nʼyo po ang bawat puso nila. Tunay na tanging kayo lamang po ang nakakaalam ng puso ng lahat ng tao. 31 Gawin nʼyo po ito para gumalang sila sa inyo at sumunod sa inyong pamamaraan habang nakatira sila sa lupaing ibinigay nʼyo sa aming mga ninuno.

32 “Kung ang mga dayuhan na nakatira sa malayong lugar ay makarinig ng inyong kadakilaan at kapangyarihan, at pumunta sila rito para sumamba sa inyo at manalangin na nakaharap sa templong ito, 33 dinggin nʼyo po sila riyan sa inyong luklukan sa langit. At gawin ang kahit anong hinihiling nila, para ang lahat po ng tao sa mundo ay makakilala sa inyo at gumalang po sa inyo gaya ng inyong mga mamamayang Israelita. At para malaman po nilang pinaparangalan kayo sa templo na aking ipinatayo.

34 “Kung ang inyo pong mamamayan ay makikipaglaban ayon sa inyong utos, at kung mananalangin po sila sa inyo na nakaharap sa lungsod na ito na pinili nʼyo at sa templo na aking ipinatayo para sa karangalan ng inyong pangalan, 35 dinggin nʼyo po ang kanilang mga dalangin at mga kahilingan diyan sa langit, at bigyan sila ng tagumpay.

36 “Kung magkasala sila sa inyo – dahil wala kahit isa man na hindi nagkakasala – at sa inyong galit ay ipinatalo nʼyo sila sa kanilang mga kalaban at binihag at dinala sila sa malayo o sa malapit na lugar, 37 at kung sa huliʼy magbago ang kanilang mga puso roon, at magsisi at magmakaawa po sa inyo na nagsasabi, ‘Nagkasala kami, at napakasama ng aming mga ginawa,’ 38 dinggin nʼyo po ang kanilang dalangin. Kung babalik po sila sa inyo ng buong pusoʼt isipan, doon sa lugar na pinagbihagan sa kanila, at manalangin po sila na nakaharap sa lupaing ito na ibinigay nʼyo sa kanilang mga ninuno, sa lungsod na ito na pinili po ninyo, at sa templong aking ipinatayo para sa karangalan ng inyong pangalan, 39 dinggin nʼyo po ang kanilang mga dalangin at mga kahilingan diyan sa inyong luklukan sa langit, at bigyan sila ng tagumpay. Patawarin nʼyo po sila sa kanilang mga kasalanan laban sa inyo.

40 “O aking Dios, sagutin nʼyo po sana ang mga dalangin na ginawa sa lugar na ito.

41 “Ngayon, Panginoong Dios, pumunta na po kayo sa templo nʼyo kasama ng Kahon ng Kasunduan na simbolo ng inyong kapangyarihan. Sanaʼy lagi pong magtagumpay ang inyong mga pari at magsaya ang mga mamamayan ninyo sa inyong kabutihan. 42 O Panginoong Dios, huwag nʼyo pong itakwil ang pinili nʼyong hari. Alalahanin nʼyo po ang inyong ipinangako kay David na inyong lingkod na iibigin siyang lubos.”

Solomon Blesses the People

(A)Then Solomon said, “The Lord has said that he would dwell in thick darkness. But I have built you (B)an exalted house, a place for you to dwell in forever.” Then the king turned around and blessed all the assembly of Israel, while all the assembly of Israel stood. And he said, “Blessed be the Lord, the God of Israel, who with his hand has fulfilled what he promised with his mouth to David my father, saying, ‘Since the day that I brought my people out of the land of Egypt, I chose no city out of all the tribes of Israel in which to build a house, that my name might be there, and I chose no man as prince over my people Israel; (C)but I have chosen Jerusalem that my name may be there, (D)and I have chosen David to be over my people Israel.’ (E)Now it was in the heart of David my father to build a house for the name of the Lord, the God of Israel. But the Lord said to David my father, ‘Whereas (F)it was in your heart to build a house for my name, you did well that it was in your heart. Nevertheless, it is not you who shall build the house, but your son who shall be born to you shall build the house for my name.’ 10 Now the Lord has fulfilled his promise that he made. For I have risen in the place of David my father and sit on the throne of Israel, as the Lord promised, and I have built the house for the name of the Lord, the God of Israel. 11 And there I have set the ark, (G)in which is the covenant of the Lord that he made with the people of Israel.”

Solomon's Prayer of Dedication

12 Then Solomon stood before the altar of the Lord in the presence of all the assembly of Israel and spread out his hands. 13 (H)Solomon had made a bronze platform five cubits[a] long, five cubits wide, and three cubits high, and had set it in the court, and he stood on it. (I)Then he knelt on his knees in the presence of all the assembly of Israel, and spread out his hands toward heaven, 14 and said, “O Lord, God of Israel, (J)there is no God like you, in heaven or on earth, (K)keeping covenant and showing steadfast love to your servants who walk before you with all their heart, 15 (L)who have kept with your servant David my father what you declared to him. You spoke with your mouth, and with your hand have fulfilled it this day. 16 Now therefore, O Lord, God of Israel, keep for your servant David my father what you have promised him, saying, (M)‘You shall not lack a man to sit before me on the throne of Israel, (N)if only your sons pay close attention to their way, to walk in my law as you have walked before me.’ 17 Now therefore, O Lord, God of Israel, let your word be confirmed, which you have spoken to your servant David.

18 “But will God indeed dwell with man on the earth? Behold, (O)heaven and the highest heaven cannot contain you, how much less this house that I have built! 19 Yet have regard to the prayer of your servant and to his plea, O Lord my God, listening to the cry and to the prayer that your servant prays before you, 20 (P)that your eyes may be open day and night toward this house, the place where you have promised to set your name, that you may listen to the prayer that your servant offers toward this place. 21 And listen to the pleas of your servant and of your people Israel, when they pray toward this place. And listen from heaven your dwelling place, (Q)and when you hear, forgive.

22 “If a man sins against his neighbor and is made to take an oath and comes and swears his oath before your altar in this house, 23 then hear from heaven and act and judge your servants, repaying the guilty by bringing his conduct on his own head, and vindicating the righteous by rewarding him according to his righteousness.

24 “If your people Israel are defeated before the enemy because they have sinned against you, and they turn again and acknowledge your name and pray and plead with you in this house, 25 (R)then hear from heaven and forgive the sin of your people Israel and bring them again to the land that you gave to them and to their fathers.

26 (S)“When heaven is shut up and there is no rain because they have sinned against you, if they pray toward this place and acknowledge your name and turn from their sin, when you afflict[b] them, 27 (T)then hear in heaven and forgive the sin of your servants, your people Israel, when you teach them the good way[c] in which they should walk, and grant rain upon your land, which you have given to your people as an inheritance.

28 (U)“If there is famine in the land, if there is pestilence or blight or mildew or locust or caterpillar, if their enemies besiege them in the land at their gates, whatever plague, whatever sickness there is, 29 whatever prayer, whatever plea is made by any man or by all your people Israel, each knowing his own affliction and his own sorrow and stretching out his hands toward this house, 30 (V)then hear from heaven your dwelling place and forgive and render to each whose heart you know, according to all his ways, (W)for you, you only, know the hearts of the children of mankind, 31 that they may fear you and walk in your ways all the days that they live in the land that you gave to our fathers.

32 “Likewise, when a foreigner, who is not of your people Israel, comes from a far country for the sake of your great name and your mighty hand and your outstretched arm, when he comes and prays toward this house, 33 hear from heaven your dwelling place and do according to all for which the foreigner calls to you, in order that all the peoples of the earth may know your name and fear you, as do your people Israel, and that they may know that this house (X)that I have built is called by your name.

34 “If your people go out to battle against their enemies, by whatever way you shall send them, and they pray to you toward this city that you have chosen and the house that I have built for your name, 35 then hear from heaven their prayer and their plea, and maintain their cause.

36 “If they sin against you—(Y)for there is no one who does not sin—and you are angry with them and give them to an enemy, so that they are carried away captive to a land far or near, 37 yet if they turn their heart in the land to which they have been carried captive, and repent and plead with you in the land of their captivity, saying, ‘We have sinned and have acted perversely and wickedly,’ 38 if they repent with all their heart and with all their soul in the land of their captivity to which they were carried captive, and pray toward their land, which you gave to their fathers, the city that you have chosen and the house that I have built for your name, 39 then hear from heaven your dwelling place their prayer and their pleas, and maintain their cause and forgive your people who have sinned against you. 40 Now, O my God, (Z)let your eyes be open (AA)and your ears attentive to the prayer of this place.

41 “And now arise, O Lord God, and go to your (AB)resting place,
    you and the ark of your might.
Let your priests, O Lord God, be (AC)clothed with salvation,
    and let your saints (AD)rejoice in your goodness.
42 O Lord God, (AE)do not turn away the face of your anointed one!
    (AF)Remember your steadfast love for David your servant.”

Footnotes

  1. 2 Chronicles 6:13 A cubit was about 18 inches or 45 centimeters
  2. 2 Chronicles 6:26 Septuagint, Vulgate; Hebrew answer
  3. 2 Chronicles 6:27 Septuagint, Syriac, Vulgate (compare 1 Kings 8:36); Hebrew toward the good way
'歷 代 志 下 6 ' not found for the version: Chinese New Testament: Easy-to-Read Version.