2 Cronica 29:5
Ang Biblia (1978)
5 At sinabi sa kanila, Dinggin ninyo ako, ninyong mga Levita; ngayo'y mangagpakabanal kayo, at italaga ninyo ang bahay ng Panginoon, ang Dios ng inyong mga magulang, at ilabas ninyo ang dumi mula sa dakong banal.
Read full chapter
2 Cronica 29:15
Ang Biblia (1978)
15 At pinisan nila ang kanilang mga kapatid, at (A)nangagpakabanal, at nagsipasok ayon sa utos ng hari sa pamamagitan ng mga salita ng Panginoon, upang (B)linisin ang bahay ng Panginoon.
Read full chapter
2 Cronica 29:34
Ang Biblia (1978)
34 Nguni't ang mga saserdote ay naging kakaunti, na anopa't hindi nila malapnusan ang lahat na handog na susunugin (A)kaya't tinulungan sila ng kanilang mga kapatid na mga Levita, hanggang sa natapos ang gawain, at hanggang sa nangagpakabanal ang mga saserdote; sapagka't (B)ang mga Levita ay matuwid ang puso na mangagpakabanal na higit kay sa mga saserdote.
Read full chapter
2 Cronica 30:3
Ang Biblia (1978)
3 (A)Sapagka't hindi nila maipangilin sa panahong yaon, (B)sapagka't ang mga saserdote ay hindi nangagpakabanal sa sukat na bilang, ni nagsipisan man ang bayan sa Jerusalem.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978