Add parallel Print Page Options

Ang Paghahari ni Jotam sa Juda(A)

27 Si Jotam ay 25 taong gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng 16 na taon. Ang ina niya ay si Jerusha na anak ni Zadok. Matuwid ang ginawa ni Jotam sa paningin ng Panginoon, gaya ng ama niyang si Uzia. At mas matuwid pa siya dahil hindi niya ginaya ang kasalanang ginawa ng kanyang ama sa pamamagitan ng labag na pagpasok sa templo ng Panginoon. Sa kabila ng mga kabutihang ginawa ni Jotam, patuloy pa rin ang mga tao sa masasama nilang gawain. Si Jotam ang nagpatayo ng Hilagang Pintuan ng templo ng Panginoon, at nagpaayos ng pader sa bulubundukin ng Ofel. Siya rin ang nagpatayo ng mga bayan sa bulubundukin ng Judea, at nagpatayo ng mga pader at mga tore sa mga kagubatan.

Nakipaglaban si Jotam sa mga Ammonita at sa kanilang hari, at tinalo niya sila. Sa taon ding iyon, nagbigay sa kanila ang mga Ammonita ng 3,500 kilo ng pilak, 30,000 sako ng trigo, at 30,000 sako ng sebada. Ginawa nila ito hanggang sa ikatlong taon.

Naging mas makapangyarihan pa si Jotam dahil matapat siyang sumunod sa Panginoon na kanyang Dios. Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Jotam, pati ang lahat ng kanyang pakikipaglaban at mga ginawa ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel at Juda. Si Jotam ay 25 taong gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng 16 na taon. Nang mamatay si Jotam, inilibing siya sa Lungsod ni David. At ang anak niyang si Ahaz ang pumalit sa kanya bilang hari.

27 Joatham was five and twenty years old when he began to reign, and he reigned sixteen years in Jerusalem: the name of his mother was Jerusa the daughter of Sadoc.

And he did that which was right before the Lord, according to all that Ozias his father had done, only that he entered not into the temple of the Lord, and the people still transgressed.

He built the high gate of the house of the Lord, and on the wall of Ophel he built much.

Moreover he built cities in the mountains of Juda, and castles and towers in the forests.

Ho fought against the king of the children of Ammon, and overcame them, and the children of Ammon gave him at that time a hundred talents of silver, and ten thousand measures of wheat, and as many measures of barley: so much did the children of Ammon give him in the second and third year.

And Joatham was strengthened, because he had his way directed before the Lord his God.

Now the rest of the acts of Joatham, and all his wars, and his works, are written in the book of the kings of Israel and Juda.

He was five and twenty years old when he began to reign, and he reigned sixteen years in Jerusalem.

And Joatham slept with his fathers, and they buried him in the city of David: and Achaz his son reigned in his stead.