Add parallel Print Page Options

Alam(A) naming kapag nasira na ang toldang tinatahanan natin ngayon, ang ating katawang-lupa, kami'y may tahanan sa langit na hindi kailanman masisira, isang tahanang ginawa ng Diyos, at hindi ng tao. Dumaraing kami habang kami'y nasa toldang ito, at labis na nananabik sa aming tahanang makalangit, upang kung mabihisan[a] na kami nito ay hindi kami matagpuang hubad. Habang nakatira pa kami sa toldang ito, kami'y naghihinagpis at dumaraing, hindi dahil nais na naming iwaksi ang katawang panlupa, kundi dahil nais na naming mabihisan ng katawang panlangit. Sa gayon, ang buhay na may katapusan ay mapapalitan ng buhay na walang hanggan. Ang Diyos mismo ang naghanda sa amin para sa ganitong pagbabago, at ibinigay niya sa amin ang Espiritu bilang katibayan na ito'y matutupad.

Kaya't laging malakas ang aming loob. Alam naming habang kami'y narito pa sa katawang-lupa, hindi kami makakapasok sa tahanang inihanda ng Panginoon. Sapagkat namumuhay kami batay sa pananampalataya at hindi sa mga bagay na nakikita. Malakas ang aming loob at mas gusto pa nga naming iwan ang katawang ito na aming tinatahanan ngayon, upang manirahan na sa piling ng Panginoon. Kaya naman, ang pinakananais namin ay maging kalugud-lugod sa kanya, maging nasa katawang-lupa o maging nasa piling na niya. 10 Sapagkat(B) lahat tayo'y haharap sa hukuman ni Cristo at tatanggap ng nararapat ayon sa ating mga gawang mabuti o masama, nang tayo'y nabubuhay pa sa katawang ito.

Pakikipagkaibigan sa Diyos sa Pamamagitan ni Cristo

11 Kaya nga, dahil may takot kami sa Panginoon, sinisikap naming hikayatin ang mga tao na manumbalik sa kanya. Alam ng Diyos ang tunay naming pagkatao; at inaasahan kong kilalang-kilala rin ninyo ako. 12 Hindi dahil sa nais naming ipagmalaking muli sa inyo ang aming sarili, kundi nais naming bigyan kayo ng dahilan upang kami'y maipagmalaki ninyo, nang sa gayon ay masagot ninyo ang mga taong walang ipinagmamalaki kundi ang mga bagay na panlabas at hindi ang tunay na pagkatao. 13 Kung kami'y parang nasisiraan ng isip, iyon ay alang-alang sa Diyos. At kung matino naman kami, iyan ay para sa kapakanan ninyo. 14 Ang pag-ibig ni Cristo ang naghahari sa amin, sapagkat natitiyak naming may isang namatay para sa lahat, kung kaya't ang lahat ay maibibilang nang patay. 15 Namatay siya para sa lahat upang ang mga nabubuhay ngayon ay huwag nang mabuhay para sa sarili, kundi para kay Cristo na namatay at muling nabuhay para sa kanila.

16 Kaya ngayon, ang pagtingin namin sa bawat tao ay hindi na batay sa sukatan ng tao. Noong una'y ganoon ang aming pagkakilala kay Cristo, ngunit ngayo'y hindi na. 17 Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago. 18 Ang Diyos ang gumawa ng lahat ng ito. Sa pamamagitan ni Cristo, ibinilang niya kaming mga kaibigan at hindi na kaaway, at pinagkatiwalaan niya kami upang maglingkod nang sa gayon ang mga tao ay maging kaibigan rin niya. 19 Ang ibig sabihin, sa pamamagitan ni Cristo, ang mga tao'y ibinilang ng Diyos na kaibigan, at hindi na niya tinatandaan ang kanilang mga kasalanan. At kami naman ay inatasan niyang ipamalita ito.

20 Kaya nga, kami'y mga sugo ni Cristo; ang Diyos mismo ang nakikiusap sa inyo sa pamamagitan namin. Kami'y nakikiusap sa inyo alang-alang kay Cristo: makipagkasundo kayo sa Diyos. 21 Hindi nagkasala si Cristo, ngunit alang-alang sa atin, siya'y itinuring na makasalanan upang sa pakikipag-isa natin sa kanya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos.

Footnotes

  1. 2 Corinto 5:3 mabihisan: Sa ibang manuskrito'y mahubaran .

The Temporal and Eternal

For we know that if the earthly tent [our physical body] which is our house is torn down [through death], we have a building from God, a house not made with hands, eternal in the heavens. For indeed in this house we groan, longing to be clothed with our [immortal, eternal] celestial dwelling, so that by putting it on we will not be found naked. For while we are in this tent, we groan, being burdened [often weighed down, oppressed], not that we want to be unclothed [separated by death from the body], but to be clothed, so that what is mortal [the body] will be swallowed up by life [after the resurrection]. Now He who has made us and prepared us for this very purpose is God, who gave us the [Holy] Spirit as a pledge [a guarantee, a down payment on the fulfillment of His promise].

So then, being always filled with good courage and confident hope, and knowing that while we are at home in the body we are absent from the Lord— for we walk by faith, not by sight [living our lives in a manner consistent with our confident belief in God’s promises]— we are [as I was saying] of good courage and confident hope, and prefer rather to be absent from the body and to be at home with the Lord. Therefore, whether we are at home [on earth] or away from home [and with Him], it is our [constant] ambition to be pleasing to Him. 10 For we [believers will be called to account and] must all appear before the [a]judgment seat of Christ, so that each one may be repaid for what has been done in the body, whether good or [b]bad [that is, each will be held responsible for his actions, purposes, goals, motives—the use or misuse of his time, opportunities and abilities].

11 Therefore, since we know the fear of the Lord [and understand the importance of obedience and worship], we persuade people [to be reconciled to Him]. But we are plainly known to God [He knows everything about us]; and I hope that we are plainly known also in your consciences [your God-given discernment]. 12 We are not commending ourselves to you again, but are giving you an occasion to be [rightfully] proud of us, so that you will have an answer for those who take pride in [outward] appearances [the virtues they pretend to have] rather than what is [actually] in heart. 13 If we are out of our mind [just unstable fanatics as some critics say], it is for God; if we are in our right mind, it is for your benefit. 14 For the love of Christ controls and compels us, because we have concluded this, that One died for all, therefore all died; 15 and He died for all, so that all those who live would no longer live for themselves, but for Him who died and was raised for their sake.

16 So from now on we regard no one from a human point of view [according to worldly standards and values]. Though we have known Christ from a human point of view, now we no longer know Him in this way. 17 Therefore if anyone is in Christ [that is, grafted in, joined to Him by faith in Him as Savior], he is a new creature [reborn and renewed by the Holy Spirit]; the old things [the previous moral and spiritual condition] have passed away. Behold, new things have come [because spiritual awakening brings a new life]. 18 But all these things are from God, who reconciled us to Himself through Christ [making us acceptable to Him] and gave us the ministry of reconciliation [so that by our example we might bring others to Him], 19 that is, that God was in Christ reconciling the world to Himself, not counting people’s sins against them [but canceling them]. And He has committed to us the message of reconciliation [that is, restoration to favor with God].

20 So we are ambassadors for Christ, as though God were making His appeal through us; we [as Christ’s representatives] plead with you on behalf of Christ to be reconciled to God. 21 He made Christ who knew no sin to [judicially] be sin on our behalf, so that in Him we would become the righteousness of God [that is, we would be made acceptable to Him and placed in a right relationship with Him by His gracious lovingkindness].

Footnotes

  1. 2 Corinthians 5:10 Gr bema (a step). A raised area reached by steps, used as the official seat of a judge.
  2. 2 Corinthians 5:10 Or inferior.