2 Corinto 5:2-4
Ang Biblia, 2001
2 Sapagkat dito kami ay dumaraing, na nasasabik mabihisan ng aming makalangit na tahanan,
3 upang kung mabihisan[a] na niyon ay hindi kami matagpuang hubad.
4 Sapagkat habang kami ay nasa toldang ito, kami ay dumaraing na nabibigatan, hindi sa nais naming maging hubad, kundi nais naming kami'y mabihisan pa upang ang may kamatayan ay lunukin ng buhay.
Read full chapterFootnotes
- 2 Corinto 5:3 Sa ibang mga kasulatan ay mahubaran .
2 Corinto 5:2-4
Ang Dating Biblia (1905)
2 Sapagka't tunay na sa ganito kami ay nagsisihibik, na nangagnanasang mabihisan kami ng aming tahanang mula sa langit:
3 Na kung mabihisan nga kami niyaon ay hindi kami mangasusumpungang hubad.
4 Sapagka't tunay na kaming nangasa tabernakulong ito ay nagsisihibik, na nangabibigatan; hindi sa ninanasa naming maging hubad, kundi ninanasa naming kami'y bihisan, upang ang may kamatayan ay lamunin ng buhay.
Read full chapter
2 Corinto 5:2-4
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
2 Dumaraing tayo sa ngayon, dahil pinananabikan nating maisuot na ang katawang panlangit. 3 At kapag nangyari ito, hindi matatagpuang hubad ang ating kaluluwa. 4 Habang nandito pa tayo sa ating katawan, dumadaing tayo dahil sa mga paghihirap. Hindi dahil sa gusto na nating mamatay, kundi dahil sa gusto na nating magkaroon ng bagong katawan, para mapalitan na ang katawang may kamatayan ng katawang walang kamatayan.
Read full chapter
2 Corinto 5:2-4
Ang Biblia (1978)
2 Sapagka't tunay na sa ganito (A)kami ay nagsisihibik, na nangagnanasang mabihisan kami ng aming tahanang mula sa langit:
3 Na kung (B)mabihisan nga kami niyaon ay hindi kami mangasusumpungang hubad.
4 Sapagka't tunay na kaming nangasa tabernakulong ito ay nagsisihibik, na nangabibigatan; hindi sa ninanasa naming maging hubad, kundi ninanasa naming kami'y (C)bihisan, upang ang may kamatayan ay lamunin ng buhay.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
