Add parallel Print Page Options

Mula(A) kay Pablo na isang apostol ni Cristo Jesus ayon sa kalooban ng Diyos, kasama ang kapatid nating si Timoteo—

Para sa iglesya ng Diyos sa Corinto at sa mga hinirang ng Diyos, na nasa buong Acaya.

Sumainyo nawa ang pagpapala at ang kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.

Pasasalamat ni Pablo

Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang Ama ng kahabagan at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan. Inaaliw niya kami sa aming mga kapighatian upang sa pamamagitan ng kaaliwang tinanggap natin sa kanya ay maaliw naman namin sa mga nahahapis. Sapagkat kung gaano karami ang aming paghihirap dahil sa aming pakikipag-isa kay Cristo, gayundin naman karami ang aming kaaliwan kay Cristo. Kung naghihirap man kami, ito'y para sa ikaaaliw at ikaliligtas ninyo. Kapag naaaliw kami, kayo ma'y naaaliw rin at lumalakas upang inyong matiis ang mga kapighatiang dinaranas ninyo tulad namin. Kaya't matibay ang aming pag-asa para sa inyo, sapagkat alam naming kung paanong kahati kayo sa aming kahirapan, magiging kahati rin kayo sa aming kaaliwan.

Mga(B) kapatid, nais naming malaman ninyo ang mga kapighatiang dinanas namin sa Asia. Napakabigat ng aming dinanas, anupa't akala namin ay mamamatay na kami. Para kaming hinatulan ng kamatayan. Subalit nangyari iyon upang huwag kaming manalig sa aming sarili, kundi sa Diyos na muling bumubuhay sa mga patay. 10 Iniligtas niya kami sa malagim na kamatayan, at patuloy na ililigtas. Kami'y umaasa rin na patuloy niya kaming ililigtas 11 sa tulong ng inyong mga panalangin. Sa gayon, marami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa pagpapala niya sa amin bilang tugon sa panalangin ng marami.

Nagbago ng Balak si Pablo

12 Ito ang aming ipinagmamalaki at pinapatunayan naman ng aming budhi: tapat[a] at walang pagkukunwari ang aming pakikisama sa lahat, lalo na sa inyo. Subalit nagawa namin ito sa kagandahang-loob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng karunungan ng tao. 13 Ang isinulat namin sa inyo ay iyon lamang kaya ninyong basahin at unawain. Gayon pa man, hindi pa rin ninyo kami lubos na maunawaan. 14 Ngunit umaasa akong mauunawaan din ninyo kami, upang sa araw ng ating Panginoong Jesus ay maipagmalaki ninyo kami kung paanong maipagmamalaki namin kayo.

15 Dahil sa natitiyak ko ito, binalak kong pumunta muna diyan upang dalawang ulit kayong pagpalain. 16 Binalak(C) kong dalawin muna kayo diyan bago pumunta sa Macedonia, at dumaan muli sa pagbabalik ko galing doon upang matulungan ninyo ako sa pagpunta ko sa Judea. 17 Ako ba'y nagdadalawang-isip nang balakin ko ito? Ako ba'y nagpaplanong tulad ng mga taga-sanlibutan, na nagsasabi ng “Oo” at pagkatapos ay hindi naman pala? 18 Kung paanong ang Diyos ay tapat, gayundin ang aming salita sa inyo ay “Oo” kung “Oo” at “Hindi” kung “Hindi”. 19 Ang(D) Anak ng Diyos, na si Jesu-Cristo, na ipinangaral namin nina Silvano at Timoteo, ay hindi “Oo” at “Hindi” dahil lagi siyang “Oo,” 20 sapagkat kay Cristo, ang lahat ng pangako ng Diyos ay palaging “Oo”. Dahil dito, nakakasagot tayo ng “Amen” sa pamamagitan niya para sa ikaluluwalhati ng Diyos. 21 Ang Diyos ang nagpapatibay sa amin at sa inyo sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Cristo, at siya rin ang humirang sa amin. 22 Nilagyan niya kami ng kanyang tatak at pinagkalooban ng kanyang Espiritu bilang patunay na tutuparin niya ang kanyang mga ipinangako.

23 Saksi ko ang Diyos, alam niya ang laman ng aking puso. Hindi muna ako pumunta riyan sa Corinto sapagkat kayo rin ang inaalala ko. 24 Hindi sa nais naming pangunahan kayo sapagkat alam naming sinisikap ninyong maging matatag sa pananampalataya. Nais lamang naming tumulong upang maging maligaya kayo.

Footnotes

  1. 12 tapat: Sa ibang manuskrito'y banal .

Paul, an apostle(A) of Christ Jesus by the will of God,(B) and Timothy(C) our brother,

To the church of God(D) in Corinth,(E) together with all his holy people throughout Achaia:(F)

Grace and peace to you from God our Father and the Lord Jesus Christ.(G)

Praise to the God of All Comfort

Praise be to the God and Father of our Lord Jesus Christ,(H) the Father of compassion and the God of all comfort, who comforts us(I) in all our troubles, so that we can comfort those in any trouble with the comfort we ourselves receive from God. For just as we share abundantly in the sufferings of Christ,(J) so also our comfort abounds through Christ. If we are distressed, it is for your comfort and salvation;(K) if we are comforted, it is for your comfort, which produces in you patient endurance of the same sufferings we suffer. And our hope for you is firm, because we know that just as you share in our sufferings,(L) so also you share in our comfort.

We do not want you to be uninformed,(M) brothers and sisters,[a] about the troubles we experienced(N) in the province of Asia.(O) We were under great pressure, far beyond our ability to endure, so that we despaired of life itself. Indeed, we felt we had received the sentence of death. But this happened that we might not rely on ourselves but on God,(P) who raises the dead.(Q) 10 He has delivered us from such a deadly peril,(R) and he will deliver us again. On him we have set our hope(S) that he will continue to deliver us, 11 as you help us by your prayers.(T) Then many will give thanks(U) on our behalf for the gracious favor granted us in answer to the prayers of many.

Paul’s Change of Plans

12 Now this is our boast: Our conscience(V) testifies that we have conducted ourselves in the world, and especially in our relations with you, with integrity[b](W) and godly sincerity.(X) We have done so, relying not on worldly wisdom(Y) but on God’s grace. 13 For we do not write you anything you cannot read or understand. And I hope that, 14 as you have understood us in part, you will come to understand fully that you can boast of us just as we will boast of you in the day of the Lord Jesus.(Z)

15 Because I was confident of this, I wanted to visit you(AA) first so that you might benefit twice.(AB) 16 I wanted to visit you on my way(AC) to Macedonia(AD) and to come back to you from Macedonia, and then to have you send me on my way(AE) to Judea.(AF) 17 Was I fickle when I intended to do this? Or do I make my plans in a worldly manner(AG) so that in the same breath I say both “Yes, yes” and “No, no”?

18 But as surely as God is faithful,(AH) our message to you is not “Yes” and “No.” 19 For the Son of God,(AI) Jesus Christ, who was preached among you by us—by me and Silas[c](AJ) and Timothy(AK)—was not “Yes” and “No,” but in him it has always(AL) been “Yes.” 20 For no matter how many promises(AM) God has made, they are “Yes” in Christ. And so through him the “Amen”(AN) is spoken by us to the glory of God.(AO) 21 Now it is God who makes both us and you stand firm(AP) in Christ. He anointed(AQ) us, 22 set his seal(AR) of ownership on us, and put his Spirit in our hearts as a deposit, guaranteeing what is to come.(AS)

23 I call God as my witness(AT)—and I stake my life on it—that it was in order to spare you(AU) that I did not return to Corinth. 24 Not that we lord it over(AV) your faith, but we work with you for your joy, because it is by faith you stand firm.(AW)

Footnotes

  1. 2 Corinthians 1:8 The Greek word for brothers and sisters (adelphoi) refers here to believers, both men and women, as part of God’s family; also in 8:1; 13:11.
  2. 2 Corinthians 1:12 Many manuscripts holiness
  3. 2 Corinthians 1:19 Greek Silvanus, a variant of Silas