Add parallel Print Page Options

Ang Buhay na Kalugud-lugod sa Diyos

Katapus-tapusan, mga kapatid, hinihiling namin sa inyo at nakikiusap kami sa Panginoong Jesus, yamang natutunan ninyo sa amin kung paano kayo dapat lumakad at magbigay-lugod sa Diyos, na tulad ng inyong ginagawa, ay gayon ang dapat ninyong gawin at higit pa.

Sapagkat batid ninyo kung anong mga tagubilin ang ibinigay namin sa inyo sa pamamagitan ng Panginoong Jesus.

Sapagkat ito ang kalooban ng Diyos, ang inyong pagpapakabanal: na kayo'y umiiwas sa pakikiapid;

na ang bawat isa sa inyo'y matutong maging mapagpigil sa kanyang sariling katawan[a] sa pagpapakabanal at karangalan,

hindi sa pita ng kahalayan, na gaya ng mga Hentil na hindi nakakakilala sa Diyos;

na sinuma'y huwag magkasala o manlamang sa kanyang kapatid sa bagay na ito, sapagkat ang Panginoon ay tagapaghiganti sa lahat ng mga bagay na ito, gaya ng aming sinabi noong una at ibinabala sa inyo.

Sapagkat hindi tayo tinawag ng Diyos para sa karumihan kundi sa kabanalan.

Kaya't ang tumanggi dito ay hindi tao ang tinatanggihan, kundi ang Diyos na nagbibigay sa amin ng kanyang Espiritu Santo.

Ngunit tungkol sa pag-iibigan ng magkakapatid ay hindi ninyo kailangan na kayo'y sulatan ng sinuman, sapagkat kayo man ay tinuruan ng Diyos na mag-ibigan sa isa't isa.

10 At katotohanang ginagawa ninyo ang gayon sa lahat ng kapatid na nasa buong Macedonia. Ngunit aming hinihiling sa inyo, mga kapatid, na higit pa sa rito ang inyong gawin.

11 Nasain ninyong mamuhay nang tahimik, gawin ang inyong sariling gawain, at kayo'y magpagal ng inyong sariling mga kamay, gaya ng aming ipinagbilin sa inyo;

12 upang kayo'y igalang ng mga nasa labas, at huwag maging palaasa sa sinuman.

Ang Pagdating ng Panginoon

13 Mga kapatid, nais naming malaman ninyo ang tungkol sa mga natutulog upang kayo'y huwag malungkot, na gaya ng iba na walang pag-asa.

14 Sapagkat kung tayo'y sumasampalatayang si Jesus ay namatay at muling binuhay ay gayundin naman, sa pamamagitan ni Jesus, ang mga natutulog ay dadalhin ng Diyos na kasama niya.

15 Sapagkat(A) ito'y sinasabi namin sa inyo sa pamamagitan ng salita ng Panginoon, na tayong nabubuhay, na natitira hanggang sa pagdating ng Panginoon, ay hindi mauuna sa anumang paraan sa mga natutulog.

16 Sapagkat ang Panginoon mismo ang bababa mula sa langit na may sigaw, may tinig ng arkanghel, at may trumpeta ng Diyos, at ang mga namatay kay Cristo ay babangon muna.

17 Pagkatapos, tayong nabubuhay na natitira ay aagawing kasama nila sa mga ulap, upang salubungin ang Panginoon sa papawirin; at sa gayon ay makakapiling natin ang Panginoon magpakailanman.

18 Kaya't mag-aliwan kayo sa isa't isa ng mga salitang ito.

Footnotes

  1. 1 Tesalonica 4:4 Sa Griyego ay kasangkapan .

Katapustapusan nga, mga kapatid, kayo'y aming pinamamanhikan at inaaralan sa Panginoong Jesus, na, ayon sa tinanggap ninyo sa amin, na kung paanong kayo'y dapat magsilakad at mangagbigay lugod sa Dios, na gaya ng inyong paglakad, upang kayo'y magsipanagana ng higit at higit.

Sapagka't talastas ninyo kung anong mga tagubilin ang ibinigay namin sa inyo sa pamamagitan ng Panginoong Jesus.

Sapagka't ito ang kalooban ng Dios, sa makatuwid baga'y ang inyong pagpapakabanal, na kayo'y magsiilag sa pakikiapid;

Na ang bawa't isa sa inyo'y makaalam na maging mapagpigil sa kaniyang sariling katawan sa pagpapakabanal at kapurihan,

Hindi sa pita ng kahalayan, na gaya ng mga Gentil na hindi nangakakakilala sa Dios;

Na sinoma'y huwag lumapastangan at magdaya sa kaniyang kapatid sa bagay na ito: sapagka't ang Panginoon ay mapaghiganti sa lahat ng mga bagay na ito, na gaya naman ng aming ipinatalastas nang una na sa inyo at pinatotohanan.

Sapagka't tayo'y tinawag ng Dios hindi sa ikarurumi, kundi sa pagpapakabanal.

Kaya't ang nagtatakuwil, hindi ang tao ang itinatakuwil, kundi ang Dios, na nagbibigay sa inyo ng kaniyang Espiritu Santo.

Datapuwa't tungkol sa pagiibigang kapatid ay hindi ninyo kailangan na kayo'y sulatan ng sinoman: sapagka't kayo rin ay tinuruan ng Dios na mangagibigan kayo sa isa't isa;

10 Sapagka't katotohanang ginagawa ninyo ang gayon sa lahat ng kapatid na nangasa buong Macedonia. Nguni't aming iniaaral sa inyo, mga kapatid, na kayo'y lalo't lalong magsipanagana.

11 At pagaralan ninyong maging matahimik, at gawin ang inyong sariling gawain, at kayo'y mangagpagal ng inyong sariling mga kamay, na gaya ng aming ipinagbilin sa inyo;

12 Upang kayo'y magsilakad ng nararapat sa nangasa labas, at huwag kayong maging mapagkailangan.

13 Nguni't hindi namin ibig na kayo'y di makaalam, mga kapatid, tungkol sa nangatutulog; upang kayo'y huwag mangalumbay, na gaya ng mga iba, na walang pagasa.

14 Sapagka't kung tayo'y nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli, ay gayon din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama niya.

15 Sapagka't ito'y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog.

16 Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli;

17 Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man.

18 Kaya't mangagaliwan kayo sa isa't isa ng mga salitang ito.

Khuyên Sống Thánh Sạch, Yêu Thương, và Chịu Khó Làm Ăn

Cuối cùng thưa anh chị em, chúng tôi nài xin và khuyên anh chị em trong Đức Chúa Jesus rằng anh chị em đã học[a] nơi chúng tôi cách sống thể nào cho đẹp lòng Ðức Chúa Trời, và anh chị em đã sống theo như thế bấy lâu nay, thì xin hãy gia tăng nhiều hơn nữa. Vì anh chị em đã biết rõ, bởi thẩm quyền của Ðức Chúa Jesus ban cho, chúng tôi đã truyền cho anh chị em những mạng lịnh nào. Vì đây là ý muốn của Ðức Chúa Trời: anh chị em phải nên thánh, tức anh chị em phải tránh gian dâm. Mỗi người trong anh chị em phải biết cách giữ thân thể mình sao cho thánh khiết và tôn trọng; không chiều theo những thèm muốn của dục vọng như các dân ngoại không biết Ðức Chúa Trời vẫn thường làm. Về việc nầy, không người nào trong anh chị em được vượt qua giới hạn của mình và làm việc gì xâm phạm đến anh chị em mình, vì Chúa sẽ báo trả mọi việc ấy, như chúng tôi đã nói trước với anh chị em và đã nghiêm túc cảnh cáo anh chị em. Vì Ðức Chúa Trời không kêu gọi chúng ta đến sự ô uế, nhưng đến sự thánh khiết. Vì thế ai khước từ mạng lịnh nầy thì không phải khước từ mạng lịnh của loài người nhưng khước từ mạng lịnh của Ðức Chúa Trời, Ðấng ban Ðức Thánh Linh của Ngài cho chúng ta.

Còn về tình yêu giữa anh chị em với nhau, anh chị em không cần ai viết gì cho mình, vì chính anh chị em đã được Ðức Chúa Trời dạy rằng chúng ta phải yêu nhau; 10 và quả thật anh chị em đang làm như thế đối với tất cả anh chị em trong toàn vùng Ma-xê-đô-ni-a. Nhưng thưa anh chị em, chúng tôi khuyên anh chị em hãy gia tăng hơn nữa.

11 Hãy khao khát cuộc sống thầm lặng, việc ai nấy lo, và dùng chính đôi tay mình làm ăn sinh sống, như chúng tôi đã truyền cho anh chị em, 12 để nếp sống của anh chị em được người ngoài kính trọng, và anh chị em không thiếu thốn gì.

Sự Sống Lại và Chúa Tái Lâm

13 Thưa anh chị em, chúng tôi không muốn anh chị em không biết gì về những người đã ngủ, để anh chị em không buồn thảm như những người khác, là những người không có hy vọng. 14 Vì nếu chúng ta tin rằng Ðức Chúa Jesus đã chết và đã sống lại, thì qua Ðức Chúa Jesus, Ðức Chúa Trời cũng sẽ đem những người đã ngủ đến với Ngài. 15 Vì đây là lời Chúa mà chúng tôi nói cho anh chị em: chúng ta, những người đang sống, những người còn lại cho đến khi Chúa đến, sẽ không lên trước những người đã ngủ. 16 Vì sẽ có một tiếng ra lịnh lớn, với tiếng của vị thiên sứ trưởng, và với tiếng kèn của Ðức Chúa Trời trỗi lên, thì chính Chúa sẽ từ trời giáng lâm, và những người đã chết trong Ðấng Christ sẽ sống lại trước. 17 Kế đó chúng ta, những người đang sống, những người còn lại, sẽ được cất lên cùng những người ấy vào trong mây để gặp Chúa trên không trung, và như thế chúng ta sẽ ở với Chúa luôn luôn.

18 Thế thì anh chị em hãy dùng những lời ấy mà an ủi nhau.

Footnotes

  1. I Thê-sa-lô-ni-ca 4:1 nt: nhận

Living to Please God

As for other matters, brothers and sisters,(A) we instructed you how to live(B) in order to please God,(C) as in fact you are living. Now we ask you and urge you in the Lord Jesus to do this more and more. For you know what instructions we gave you by the authority of the Lord Jesus.

It is God’s will(D) that you should be sanctified: that you should avoid sexual immorality;(E) that each of you should learn to control your own body[a](F) in a way that is holy and honorable, not in passionate lust(G) like the pagans,(H) who do not know God;(I) and that in this matter no one should wrong or take advantage of a brother or sister.[b](J) The Lord will punish(K) all those who commit such sins,(L) as we told you and warned you before. For God did not call us to be impure, but to live a holy life.(M) Therefore, anyone who rejects this instruction does not reject a human being but God, the very God who gives you his Holy Spirit.(N)

Now about your love for one another(O) we do not need to write to you,(P) for you yourselves have been taught by God(Q) to love each other.(R) 10 And in fact, you do love all of God’s family throughout Macedonia.(S) Yet we urge you, brothers and sisters, to do so more and more,(T) 11 and to make it your ambition to lead a quiet life: You should mind your own business and work with your hands,(U) just as we told you, 12 so that your daily life may win the respect of outsiders(V) and so that you will not be dependent on anybody.

Believers Who Have Died

13 Brothers and sisters, we do not want you to be uninformed(W) about those who sleep in death,(X) so that you do not grieve like the rest of mankind, who have no hope.(Y) 14 For we believe that Jesus died and rose again,(Z) and so we believe that God will bring with Jesus those who have fallen asleep in him.(AA) 15 According to the Lord’s word, we tell you that we who are still alive, who are left until the coming of the Lord,(AB) will certainly not precede those who have fallen asleep.(AC) 16 For the Lord himself will come down from heaven,(AD) with a loud command, with the voice of the archangel(AE) and with the trumpet call of God,(AF) and the dead in Christ will rise first.(AG) 17 After that, we who are still alive and are left(AH) will be caught up together with them in the clouds(AI) to meet the Lord in the air. And so we will be with the Lord(AJ) forever. 18 Therefore encourage one another(AK) with these words.

Footnotes

  1. 1 Thessalonians 4:4 Or learn to live with your own wife; or learn to acquire a wife
  2. 1 Thessalonians 4:6 The Greek word for brother or sister (adelphos) refers here to a believer, whether man or woman, as part of God’s family.