Add parallel Print Page Options

Nagkita sina Saul at Samuel

May isang lalaki sa Benjamin na ang pangala'y Kish, na anak ni Abiel, na anak ni Zeor, na anak ni Becora, na anak ni Afia, isang Benjaminita, isang taong mayaman.

Siya'y may isang anak na lalaki na ang pangala'y Saul, isang makisig na kabataan. Sa mga anak ni Israel ay walang higit na makisig na lalaki kaysa kanya. Mula sa kanyang mga balikat paitaas ay higit siyang matangkad kaysa sinuman sa taong-bayan.

Noon ang mga asno ni Kish na ama ni Saul ay nawawala. At sinabi ni Kish kay Saul na kanyang anak, “Isama mo ngayon ang isa sa mga tauhan. Tumindig ka at hanapin mo ang mga asno.”

Siya'y dumaan sa lupaing maburol ng Efraim at sa lupain ng Salisa, ngunit hindi nila natagpuan. Dumaan sila sa lupain ng Saalim, ngunit wala roon; at sila'y dumaan sa lupain ng mga Benjaminita, ngunit hindi nila nakita roon.

Nang sila'y dumating sa lupain ng Zuf, sinabi ni Saul sa kanyang kasamang tauhan, “Tayo na, bumalik na tayo, baka ipagwalang-bahala ng aking ama ang mga asno at tayo ang alalahanin.”

Ngunit sinabi niya sa kanya, “May isang tao ng Diyos sa lunsod na ito, siya'y isang lalaking iginagalang. Lahat ng kanyang sinasabi ay nagkakatotoo. Pumunta tayo roon, marahil ay masasabi niya sa atin ang tungkol sa paglalakbay na ating isinagawa.”

Nang magkagayo'y sinabi ni Saul sa kanyang lingkod, “Ngunit kung tayo'y pupunta roon, ano ang ating dadalhin sa lalaki? Naubos na ang tinapay sa ating mga buslo at wala na tayong madadalang kaloob sa tao ng Diyos. Anong mayroon tayo?”

Muling sumagot ang lingkod kay Saul, at nagsabi, “Mayroon akong ikaapat na bahagi ng isang siklong pilak; ibibigay ko ito sa tao ng Diyos upang sabihin sa atin ang ating paglalakbay.”

(Noong una sa Israel, kapag ang isang tao ay sumasangguni sa Diyos, ay ganito ang sinasabi, “Halika, tayo'y pumaroon sa tagakita;” sapagkat ang tinatawag ngayon na propeta ay tinatawag noong una na tagakita.)

10 Nang magkagayo'y sinabi ni Saul sa kanyang lingkod, “Mabuti ang sinasabi mo. Halika, tayo'y pumaroon.” Kaya't pumaroon sila sa bayang kinaroroonan ng tao ng Diyos.

11 Samantalang patungo sila sa bayan ay nakasalubong sila ng mga dalagang lumalabas upang umigib ng tubig, at sinabi nila sa kanila, “Narito ba ang tagakita?”

12 At sila'y sumagot sa kanila, “Siya'y nariyan, nasa unahan mo lamang. Magmadali kayo ngayon, sapagkat kararating pa lamang niya sa bayan sapagkat ang bayan ay may handog ngayon sa mataas na dako.

13 Pagpasok ninyo sa bayan, agad ninyo siyang matatagpuan bago siya umahon sa mataas na dako upang kumain. Sapagkat ang taong-bayan ay hindi kakain hanggang sa siya'y dumating, sapagkat kailangang basbasan niya ang handog. Pagkatapos ay kumakain ang mga inanyayahan. Kaya nga lumakad na kayo sapagkat sa oras na ito'y inyong madadatnan siya.”

14 Kaya't sila'y pumunta sa bayan. Pagpasok nila sa bayan, nasalubong nila si Samuel na papaakyat sa mataas na dako.

15 Nang araw bago dumating si Saul, ipinahayag ng Panginoon kay Samuel:

16 “Bukas sa ganitong oras ay susuguin ko sa iyo ang isang lalaki mula sa lupain ng Benjamin, at iyong bubuhusan siya ng langis upang maging pinuno sa aking bayang Israel. Ililigtas niya ang aking bayan sa kamay ng mga Filisteo; sapagkat aking nakita ang paghihirap ng aking bayan, dahil ang kanilang daing ay umabot sa akin.”

17 Nang makita ni Samuel si Saul ay sinabi ng Panginoon sa kanya, “Narito ang lalaki na aking sinabi sa iyo! Siya ang magkakaroon ng kapangyarihan sa aking bayan.”

18 Pagkatapos ay lumapit si Saul kay Samuel sa pintuang-bayan, at sinabi, “Hinihiling ko sa iyo na sabihin mo sa akin kung saan naroon ang bahay ng nakakakita ng pangitain.”

19 Sumagot si Samuel kay Saul, “Ako ang tagakita; mauna kang umahon sa akin sa mataas na dako, sapagkat kakain kang kasalo ko ngayon, at sa kinaumagahan ay pauuwiin na kita at sasabihin ko sa iyo ang lahat ng nasa isip mo.

20 Tungkol sa iyong mga asno na tatlong araw nang nawawala ay huwag mong alalahanin sapagkat natagpuan na. At para kanino ba ang lahat ng kanais-nais sa Israel? Hindi ba para sa iyo at sa buong sambahayan ng iyong ama?”

21 Si Saul ay sumagot, “Hindi ba ako'y isang Benjaminita, mula sa pinakamaliit na lipi ng Israel? At hindi ba ang aking angkan ang pinakahamak sa mga angkan ng lipi ng Benjamin? Bakit ka nagsasalita sa akin sa ganitong paraan?”

22 Kaya't ipinagsama ni Samuel si Saul at ang kanyang lingkod at ipinasok niya sila sa kabahayan, at binigyan sila ng lugar sa pangunahing upuan kasama ng mga naanyayahan, na may tatlumpung katao.

23 Sinabi ni Samuel sa tagapagluto, “Dalhin mo rito ang bahagi na ibinigay ko sa iyo, na siyang aking sinabi sa iyo, ‘Ibukod mo ito.’”

24 Kaya't kinuha ng tagapagluto ang hita at ang bahaging itaas at inilagay sa harapan ni Saul. At sinabi ni Samuel, “Tingnan mo, ang itinabi ay inilagay sa harap mo. Kainin mo sapagkat ito ay iningatan para sa iyo hanggang sa takdang panahon sapagkat aking sinabi, na inanyayahan ko ang bayan.” Kaya't kumain si Saul na kasalo ni Samuel nang araw na iyon.

25 Nang sila'y makalusong sa lunsod mula sa mataas na dako, isang higaan ang inilatag para kay Saul sa bubungan ng bahay at siya'y humiga upang matulog.

Binuhusan ng Langis ni Samuel si Saul Bilang Hari

26 At sa pagbubukang-liwayway, tinawag ni Samuel si Saul sa bubungan, “Bangon, upang mapahayo na kita.” Si Saul ay bumangon at kapwa sila lumabas ni Samuel.

27 Habang sila'y lumalabas sa hangganan ng bayan ay sinabi ni Samuel kay Saul, “Sabihin mo sa lingkod na mauna na sa atin, at kapag siya'y nakaraan ay tumigil ka rito, upang maipaalam ko sa iyo ang salita ng Diyos.”

Now there was a man of Benjamin, whose name was Kish the son of Abiel, the son of Zeror, the son of Becorath, the son of Aphiah, the son of a Benjamite, a mighty man of valor. He had a son whose name was Saul, an impressive young man; and there was not among the children of Israel a more handsome person than he. From his shoulders and upward he was taller than any of the people.

The donkeys of Kish, Saul’s father, were lost. Kish said to Saul his son, “Now take one of the servants with you, and arise, go look for the donkeys.” He passed through the hill country of Ephraim, and passed through the land of Shalishah, but they didn’t find them. Then they passed through the land of Shaalim, and they weren’t there. Then he passed through the land of the Benjamites, but they didn’t find them.

When they had come to the land of Zuph, Saul said to his servant who was with him, “Come! Let’s return, lest my father stop caring about the donkeys and be anxious for us.”

The servant said to him, “Behold now, there is a man of God in this city, and he is a man who is held in honor. All that he says surely happens. Now let’s go there. Perhaps he can tell us which way to go.”

Then Saul said to his servant, “But behold, if we go, what should we bring the man? For the bread is spent in our sacks, and there is not a present to bring to the man of God. What do we have?”

The servant answered Saul again and said, “Behold, I have in my hand the fourth part of a shekel[a] of silver. I will give that to the man of God, to tell us our way.” (In earlier times in Israel, when a man went to inquire of God, he said, “Come! Let’s go to the seer;” for he who is now called a prophet was before called a seer.)

10 Then Saul said to his servant, “Well said. Come! Let’s go.” So they went to the city where the man of God was. 11 As they went up the ascent to the city, they found young maidens going out to draw water, and said to them, “Is the seer here?”

12 They answered them and said, “He is. Behold, he is before you. Hurry now, for he has come today into the city; for the people have a sacrifice today in the high place. 13 As soon as you have come into the city, you will immediately find him before he goes up to the high place to eat; for the people will not eat until he comes, because he blesses the sacrifice. Afterwards those who are invited eat. Now therefore go up; for at this time you will find him.”

14 They went up to the city. As they came within the city, behold, Samuel came out toward them to go up to the high place.

15 Now Yahweh had revealed to Samuel a day before Saul came, saying, 16 “Tomorrow about this time I will send you a man out of the land of Benjamin, and you shall anoint him to be prince over my people Israel. He will save my people out of the hand of the Philistines; for I have looked upon my people, because their cry has come to me.”

17 When Samuel saw Saul, Yahweh said to him, “Behold, the man of whom I spoke to you! He will have authority over my people.”

18 Then Saul approached Samuel in the gateway, and said, “Please tell me where the seer’s house is.”

19 Samuel answered Saul and said, “I am the seer. Go up before me to the high place, for you are to eat with me today. In the morning I will let you go and will tell you all that is in your heart. 20 As for your donkeys who were lost three days ago, don’t set your mind on them, for they have been found. For whom does all Israel desire? Is it not you and all your father’s house?”

21 Saul answered, “Am I not a Benjamite, of the smallest of the tribes of Israel? And my family the least of all the families of the tribe of Benjamin? Why then do you speak to me like this?”

22 Samuel took Saul and his servant and brought them into the guest room, and made them sit in the best place among those who were invited, who were about thirty persons. 23 Samuel said to the cook, “Bring the portion which I gave you, of which I said to you, ‘Set it aside.’” 24 The cook took up the thigh, and that which was on it, and set it before Saul. Samuel said, “Behold, that which has been reserved! Set it before yourself and eat; because it has been kept for you for the appointed time, for I said, ‘I have invited the people.’” So Saul ate with Samuel that day.

25 When they had come down from the high place into the city, he talked with Saul on the housetop. 26 They arose early; and about daybreak, Samuel called to Saul on the housetop, saying, “Get up, that I may send you away.” Saul arose, and they both went outside, he and Samuel, together. 27 As they were going down at the end of the city, Samuel said to Saul, “Tell the servant to go on ahead of us.” He went ahead, then Samuel said, “But stand still first, that I may cause you to hear God’s message.”

Footnotes

  1. 9:8 A shekel is about 10 grams or about 0.35 ounces, so 1/4 shekel would be a small coin of about 2.5 grams.