Add parallel Print Page Options

Ang Panalangin ni Hanna

At nanalangin si Hanna,

“Nagagalak ako sa Panginoon!
Dahil sa kanyang ginawa, hindi na ako mahihiya.
Tinatawanan ko ngayon ang aking mga kaaway.
Nagagalak ako sa pagliligtas niya sa akin.
Walang ibang banal maliban sa Panginoon.
Wala siyang katulad.
Walang Bato na kanlungan tulad ng ating Dios.
Walang sinumang makapagyayabang dahil alam ng Panginoong Dios ang lahat ng bagay,
at hinahatulan niya ang mga gawa ng tao.
Nililipol niya ang mga makapangyarihan,
ngunit pinalalakas niya ang mahihina.
Ang mayayaman noon, ngayon ay nagtatrabaho para lang may makain.
Ngunit ang mahihirap noon ay sagana na ngayon.
Ang dating baog ay marami nang anak.[a]
Ngunit ang may maraming anak ay nawalan ng mga ito.
May kapangyarihan ang Panginoon na patayin o buhayin ang tao.
May kapangyarihan siyang ilagay sila sa lugar ng mga patay o kunin sila roon.
Ang Panginoon ang nagpapadukha at nagpapayaman.
Itinataas niya ang iba at ang iba naman ay kanyang ibinababa.
Ibinabangon niya ang mga mahihirap sa kanilang kahirapan.
Pinapaupo niya sila kasama ng mga maharlika at pinararangalan.
Sa kanya ang pundasyon na kinatatayuan ng mundo.
Iniingatan niya ang tapat niyang mamamayan.
Ngunit lilipulin niya ang masasama.
Walang sinumang magtatagumpay sa pamamagitan ng sarili niyang kalakasan.
10 Dudurugin niya ang kanyang mga kaaway.
Padadagundungin niya ang langit laban sa kanila.
Ang Panginoon ang hahatol sa buong mundo.[b]
Dahil sa kanya, magiging makapangyarihan at laging magtatagumpay ang haring kanyang hinirang.”

11 Pagkatapos, umuwi si Elkana at ang sambahayan niya sa Rama. Pero iniwan nila si Samuel para maglingkod sa Panginoon sa ilalim ng pangangalaga ni Eli na pari.

Ang Kasalanan ng Dalawang anak ni Eli

12 Masasamang tao ang dalawang anak ni Eli. Hindi sila sumusunod sa Dios 13 dahil hindi nila sinusunod ang mga tuntunin tungkol sa bahaging matatanggap ng mga pari galing sa handog ng mga tao. Ito ang kanilang ginagawa kapag may naghahandog: Habang pinapakuluan ang mga karneng ihahandog, pinapapunta nila roon ang alipin nila na may dalang malaking tinidor na may tatlong tulis. 14 Pagkatapos, tinutusok ng alipin ang mga karne sa loob ng kaldero o palayok. Ang matusok ng tinidor ay ang bahaging mapupunta sa mga pari. Ganito ang kanilang ginagawa tuwing maghahandog ang mga Israelita sa Shilo. 15 At bago pa masunog ang taba ng karne, pumupunta na ang alipin at sinasabi sa naghahandog, “Bigyan mo ang pari ng karneng maiihaw. Hindi siya tumatanggap ng pinakuluan. Hilaw ang gusto niya.” 16 Kapag sinabi ng naghahandog na hintayin munang maihandog ang taba ng karne bago siya kumuha ng gusto niya, sasagot ang alipin, “Hindi maaari! Kailangang ngayon mo ibigay dahil kung hindi, aagawin ko iyan sa iyo.” 17 Malaking kasalanan sa paningin ng Panginoon ang ginagawa ng mga anak ni Eli dahil hindi nila iginagalang ang handog para sa Panginoon.

18 Samantala, patuloy na naglilingkod sa Panginoon ang batang si Samuel. Suot-suot niya ang espesyal na damit[c] na gawa sa telang linen. 19 Taun-taon, iginagawa ni Hanna ng balabal si Samuel, at dinadala niya ito kay Samuel sa tuwing maghahandog sila ng asawa niya ng taunang handog. 20 Doon, binabasbasan ni Eli si Elkana at ang kanyang asawa. Sinasabi niya kay Elkana, “Sanaʼy bigyan ka ng Panginoon ng mga anak sa babaeng ito kapalit ng kanyang hiningi at inihandog sa Panginoon.” Pagkatapos, umuwi na sila.

21 Kinahabagan ng Panginoon si Hanna. Nagkaanak pa siya ng tatlong lalaki at dalawang babae, habang si Samuel ay patuloy na lumalaking naglilingkod sa Panginoon.

Si Eli at ang mga Anak Niya

22 Matandang-matanda na si Eli. Nabalitaan niya ang lahat ng kasamaang ginagawa ng kanyang mga anak sa mga Israelita. Nalaman na rin niya ang pagsiping ng mga ito sa mga babaeng naglilingkod sa may pintuan ng Toldang Tipanan. 23 Kaya sinabihan niya ang mga ito, “Nabalitaan ko sa mga tao ang lahat ng kasamaang ginagawa ninyo. Bakit ninyo ginagawa ang mga bagay na ito? 24 Mga anak, tigilan na ninyo ito, dahil hindi maganda ang nababalitaan ko tungkol sa inyo mula sa mga mamamayan ng Panginoon.”

25 Sinabi pa ni Eli, “Kung magkasala ang isang tao sa kanyang kapwa, maaaring mamamagitan ang Dios[d] sa kanila; pero sino ang mamamagitan kung magkasala ang tao sa Panginoon?” Pero hindi nakinig ang mga anak niya dahil nakapagpasya na ang Panginoon na patayin sila.

26 Samantala, patuloy na lumalaki si Samuel, at kinalulugdan siya ng Panginoon at ng mga tao.

Ang Propesiya tungkol sa Sambahayan ni Eli

27 Lumapit ang isang lingkod ng Dios kay Eli at sinabi sa kanya, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: Ipinahayag ko ang aking sarili sa ninuno nʼyong si Aaron at sa pamilya niya noong alipin pa sila ng Faraon sa Egipto. 28 Sa lahat ng lahi ng Israel, ang pamilya niya ang pinili ko na maging aking pari na maglilingkod sa aking altar, sa pagsusunog ng insenso, sa pagsusuot ng espesyal na damit ng pari sa aking presensya. Binigyan ko rin sila ng bahagi sa mga handog sa pamamagitan ng apoy na iniaalay ng mga Israelita. 29 Bakit pinag-iinteresan[e] pa ninyo ang mga handog na para sa akin? Bakit mas iginagalang mo pa, Eli, ang mga anak mo kaysa sa akin? Hinahayaan mong patabain nila ang kanilang mga sarili ng mga pinakamagandang bahagi ng handog ng mga mamamayan kong Israelita. 30 Ako na inyong Panginoon, ang Dios ng Israel ay nangako noon na kayo lang at ang lahi ng inyong mga ninuno ang makapaglilingkod sa akin magpakailanman bilang pari. Ngunit hindi na ngayon, dahil pararangalan ko ang nagpaparangal sa akin, ngunit hahamakin ko ang humahamak sa akin. 31-32 Tandaan ninyo ito: Darating ang panahon na lilipulin ko ang lahat ng kabataan sa inyo at sa iba pang lahi ng inyong mga ninuno. Magdurusa kayo at hindi ninyo mararanasan ang kasaganaang ibibigay ko sa Israel. Magiging maikli ang inyong buhay. 33 Hindi ko aalisin ang iba sa inyo sa paglilingkod sa akin bilang pari, pero dadanas sila ng matinding pagdurusa, at hindi sila mabubuhay nang matagal. 34 At bilang tanda sa iyo na mangyayari ang mga bagay na ito, mamamatay nang sabay ang dalawa mong anak na sina Hofni at Finehas sa isang araw lang. 35 Pipili ako ng pari na matapat sa akin at susunod sa aking kalooban. Bibigyan ko siya ng mga angkan na maglilingkod sa aking piniling hari magpakailanman. 36 Lahat ng matitira sa mga angkan mo ay mamamalimos ng pera o pagkain sa mga angkan ng paring ito. Magmamakaawa sila na gawing alipin man lang ng mga pari para makakain lang sila.”

Footnotes

  1. 2:5 marami nang anak: sa literal, magkakaroon ng pitong anak.
  2. 2:10 buong mundo: sa literal, dulo ng mundo.
  3. 2:18 espesyal na damit: sa Hebreo, “efod.”
  4. 2:25 Dios: o, mga hukom.
  5. 2:29 pinag-iinteresan: o, nilalapastangan.

Hannah’s Prayer(A)

And Hannah (B)prayed and said:

(C)“My heart rejoices in the Lord;
(D)My [a]horn is exalted in the Lord.
[b]I smile at my enemies,
Because I (E)rejoice in Your salvation.

“No(F) one is holy like the Lord,
For there is (G)none besides You,
Nor is there any (H)rock like our God.

“Talk no more so very proudly;
(I)Let no arrogance come from your mouth,
For the Lord is the God of (J)knowledge;
And by Him actions are weighed.

“The(K) bows of the mighty men are broken,
And those who stumbled are girded with strength.
Those who were full have hired themselves out for bread,
And the hungry have ceased to hunger.
Even (L)the barren has borne seven,
And (M)she who has many children has become feeble.

“The(N) Lord kills and makes alive;
He brings down to the grave and brings up.
The Lord (O)makes poor and makes rich;
(P)He brings low and lifts up.
(Q)He raises the poor from the dust
And lifts the beggar from the ash heap,
(R)To set them among princes
And make them inherit the throne of glory.

(S)“For the pillars of the earth are the Lord’s,
And He has set the world upon them.
(T)He will guard the feet of His saints,
But the (U)wicked shall be silent in darkness.

“For by strength no man shall prevail.
10 The adversaries of the Lord shall be (V)broken in pieces;
(W)From heaven He will thunder against them.
(X)The Lord will judge the ends of the earth.

(Y)“He will give (Z)strength to His king,
And (AA)exalt the [c]horn of His anointed.”

11 Then Elkanah went to his house at Ramah. But the child [d]ministered to the Lord before Eli the priest.

The Wicked Sons of Eli

12 Now the sons of Eli were (AB)corrupt;[e] (AC)they did not know the Lord. 13 And the priests’ custom with the people was that when any man offered a sacrifice, the priest’s servant would come with a three-pronged fleshhook in his hand while the meat was boiling. 14 Then he would thrust it into the pan, or kettle, or caldron, or pot; and the priest would take for himself all that the fleshhook brought up. So they did in (AD)Shiloh to all the Israelites who came there. 15 Also, before they (AE)burned the fat, the priest’s servant would come and say to the man who sacrificed, “Give meat for roasting to the priest, for he will not take boiled meat from you, but raw.”

16 And if the man said to him, “They should really burn the fat first; then you may take as much as your heart desires,” he would then answer him, “No, but you must give it now; and if not, I will take it by force.”

17 Therefore the sin of the young men was very great (AF)before the Lord, for men (AG)abhorred[f] the offering of the Lord.

Samuel’s Childhood Ministry

18 (AH)But Samuel ministered before the Lord, even as a child, (AI)wearing a linen ephod. 19 Moreover his mother used to make him a little robe, and bring it to him year by year when she (AJ)came up with her husband to offer the yearly sacrifice. 20 And Eli (AK)would bless Elkanah and his wife, and say, “The Lord give you descendants from this woman for the [g]loan that was (AL)given to the Lord.” Then they would go to their own home.

21 And the Lord (AM)visited[h] Hannah, so that she conceived and bore three sons and two daughters. Meanwhile the child Samuel (AN)grew before the Lord.

Prophecy Against Eli’s Household

22 Now Eli was very old; and he heard everything his sons did to all Israel, [i]and how they lay with (AO)the women who assembled at the door of the tabernacle of meeting. 23 So he said to them, “Why do you do such things? For I hear of your evil dealings from all the people. 24 No, my sons! For it is not a good report that I hear. You make the Lord’s people transgress. 25 If one man sins against another, (AP)God[j] will judge him. But if a man (AQ)sins against the Lord, who will intercede for him?” Nevertheless they did not heed the voice of their father, (AR)because the Lord desired to kill them.

26 And the child Samuel (AS)grew in stature, and (AT)in favor both with the Lord and men.

27 Then a (AU)man of God came to Eli and said to him, “Thus says the Lord: (AV)‘Did I not clearly reveal Myself to the house of your father when they were in Egypt in Pharaoh’s house? 28 Did I not (AW)choose him out of all the tribes of Israel to be My priest, to offer upon My altar, to burn incense, and to wear an ephod before Me? And (AX)did I not give to the house of your father all the offerings of the children of Israel made by fire? 29 Why do you (AY)kick at My sacrifice and My offering which I have commanded in My (AZ)dwelling place, and honor your sons more than (BA)Me, to make yourselves fat with the best of all the offerings of Israel My people?’ 30 Therefore the Lord God of Israel says: (BB)‘I said indeed that your house and the house of your father would walk before Me forever.’ But now the Lord says: (BC)‘Far be it from Me; for those who honor Me I will honor, and (BD)those who despise Me shall be lightly esteemed. 31 Behold, (BE)the days are coming that I will cut off your [k]arm and the arm of your father’s house, so that there will not be an old man in your house. 32 And you will see an enemy in My dwelling place, despite all the good which God does for Israel. And there shall not be (BF)an old man in your house forever. 33 But any of your men whom I do not cut off from My altar shall consume your eyes and grieve your heart. And all the descendants of your house shall die in the flower of their age. 34 Now this shall be (BG)a sign to you that will come upon your two sons, on Hophni and Phinehas: (BH)in one day they shall die, both of them. 35 Then (BI)I will raise up for Myself a faithful priest who shall do according to what is in My heart and in My mind. (BJ)I will build him a sure house, and he shall walk before (BK)My anointed forever. 36 (BL)And it shall come to pass that everyone who is left in your house will come and bow down to him for a piece of silver and a morsel of bread, and say, “Please, [l]put me in one of the priestly positions, that I may eat a piece of bread.” ’ ”

Footnotes

  1. 1 Samuel 2:1 Strength
  2. 1 Samuel 2:1 Lit. My mouth is enlarged
  3. 1 Samuel 2:10 Strength
  4. 1 Samuel 2:11 served
  5. 1 Samuel 2:12 Lit. sons of Belial
  6. 1 Samuel 2:17 despised
  7. 1 Samuel 2:20 gift
  8. 1 Samuel 2:21 attended to
  9. 1 Samuel 2:22 So with MT, Tg., Vg.; DSS, LXX omit rest of verse
  10. 1 Samuel 2:25 Tg. the Judge
  11. 1 Samuel 2:31 strength
  12. 1 Samuel 2:36 assign