1 Hari 5
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Paghahanda sa Pagpapatayo ng Templo(A)
5 Matagal nang magkaibigan si Haring Hiram ng Tyre at si Haring David. Kaya nang mabalitaan ni Hiram na pinalitan ni Solomon ang ama niyang si David bilang hari, nagpadala siya ng mga opisyal kay Solomon. 2 Pagkatapos, nagpadala si Solomon ng mensahe kay Hiram:
3 “Nalalaman mong hindi nakapagpatayo ang aking amang si David ng templo para sa Panginoon na kanyang Dios dahil palagi siyang nakikipaglaban sa mga kalabang bansa sa palibot. Hindi siya makakapagpatayo nito hanggang hindi pa ipinapatalo sa kanya ng Panginoon ang lahat ng kanyang kalaban. 4 Pero ngayon ay binigyan ako ng Panginoon na aking Dios ng kapayapaan sa paligid, wala na akong mga kalaban at wala na ring panganib. 5 Kaya naisip ko na magpatayo na ng templo para sa karangalan ng Panginoon na aking Dios, ayon sa sinabi ng Panginoon sa aking amang si David. Ito ang kanyang sinabi, ‘Ang iyong anak, na ipapalit ko sa iyo bilang hari ang siyang magpapatayo ng templo para sa karangalan ng aking pangalan.’
6 “Kaya iutos mo sa iyong mga tauhan na pumutol ng mga puno ng sedro sa Lebanon para sa akin. Patutulungin ko sa kanila ang mga tauhan ko at uupahan ko ang mga tauhan mo ayon sa gusto mo. At alam mo rin na wala talaga kaming tao na mahusay pumutol ng mga puno tulad ng mga tauhan mong Sidoneo.”
7 Tuwang-tuwa si Hiram nang matanggap niya ang mensahe ni Solomon. Sinabi niya, “Purihin natin ang Panginoon sa araw na ito, dahil binigyan niya si David ng matalinong anak para pamahalaan ang makapangyarihang bansang ito!” 8 Kaya nagpadala si Hiram ng mensahe kay Solomon na nagsasabi:
“Natanggap ko ang ipinadala mong mensahe, at ibibigay ko sa iyo ang mga kailangan mong kahoy na sedro at sipres.[a] 9 Hahakutin ito ng mga tauhan ko mula sa Lebanon hanggang sa dagat at gagawin nila itong parang balsa, at palulutangin papunta sa lugar na pipiliin mo. At doon ito kakalagin ng mga tauhan ko at kayo na ang bahalang kumuha nito. Bilang kabayaran, bigyan mo ako ng pagkain para sa mga tauhan ko sa palasyo.”
10 Pinadalhan nga ni Hiram si Solomon ng lahat ng kahoy na sedro at sipres na kailangan niya. 11 At pinadalhan naman ni Solomon si Hiram ng 60,000 sakong trigo at 110,000 galong langis ng olibo bawat taon. 12 Binigyan ng Panginoon si Solomon ng karunungan ayon sa kanyang ipinangako. Maganda ang relasyon nina Solomon at Hiram, at gumawa sila ng kasunduan na hindi sila maglalaban.
13 Pagkatapos, sapilitang pinagtrabaho ni Haring Solomon ang 30,000 tao mula sa buong Israel. 14 Pinagpangkat sila ayon sa bilang na 10,000 bawat isang pangkat at ipinapadala sa Lebanon bawat buwan. Kaya ang bawat grupo ay isang buwan sa Lebanon at dalawang buwan sa kanilang lugar. Si Adoniram ang tagapamahala ng mga trabahador na ito. 15 May 70,000 tao si Solomon na tagahakot ng mga materyales at 80,000 tao na tagatabas ng bato sa kabundukan. 16 Mayroon din siyang 3,300 kapatas na namamahala sa trabaho at mga trabahador. 17 At sa utos niya, nagtabas sila ng malalakiʼt magagandang uri ng bato para sa pundasyon ng templo. 18 Kaya inihanda ng mga tauhan nina Solomon at Hiram, kasama ng mga taga-Gebal,[b] ang mga bato at mga kahoy para sa pagpapatayo ng templo.
1 Kungaboken 5
Swedish New Living Bible (Nya Levande Bibeln)
Förberedelser för tempelbygget
5 Kung Hiram från Tyrus hade alltid varit en stor beundrare av David. När han fick höra att Davids son Salomo hade blivit Israels nye kung, sände han ambassadörer att gratulera Salomo och framföra välgångsönskningar.
2-3 I sitt svar sa Salomo:På grund av krig och hot från alla sidor kunde min far inte bygga ett tempel åt Herren förrän alla fiender kuvats.
4 Men nu har Herren min Gud gett Israel fred och lugn vid alla gränser, och jag har inga fiender inne i landet.
5 Därför planerar jag nu att bygga ett tempel åt Herren, min Gud, precis som han sa till min far att jag skulle göra: 'Din son ska bli din efterträdare på tronen och bygga ett tempel åt mig.'
6 Nu ber jag dig att hjälpa mig med detta projekt. Skicka dina skickligaste yrkesmän till Libanon för att hugga ner cedrar åt mig. Jag ska skicka dit män som kan arbeta tillsammans med dem. Jag ska betala vilken lön du än begär, för som du vet finns det ingen i Israel som är lika skicklig att hugga timmer som sidonierna.
7 Hiram kände sig mycket nöjd med Salomos meddelande. Pris ske Gud, som gett David en sådan vis son till kung över Israels folk, sa han.
8 Han svarade Salomo: Jag har tagit emot ditt meddelande, och jag ska göra allt som du har bett mig beträffande timret. Jag kan förse dig med både cedrar och cypresser.
9 Mina män ska föra virket från Libanon ner till havet för att sedan flotta det utmed kusten och leverera det dit du vill ha det. Vad beträffar ersättningen så kan du betala med livsmedel till mitt hushåll.
10 Hiram skaffade alltså Salomo allt det virke av ceder och cypress som han önskade,
11 och som betalning sände Salomo till hans hushåll 2.000 ton vete och 400.000 liter ren olivolja. Leveransen av detta pågick under flera år.
12 Herren uppfyllde sitt löfte och gav Salomo vishet. Och Hiram och Salomo undertecknade ett fredsavtal med varandra.
13 Salomo inkallade 30.000 arbetare från hela Israel till arbetet i Libanon.
14 Salomo lät dem arbeta i skift om 10.000 man, en månad i Libanon och två månader hemma. Adoniram övervakade arbetet.
15 Salomo hade ytterligare 70.000 arbetare, som var med som bärare och hantlangare, och 80.000 stenhuggare.
16 Ett antal av 3.300 förmän övervakade och ledde arbetet.
17 Till templets grund bröt man stora stenblock av yppersta kvalité.
18 Salomos och Hirams skickliga hantverkare och män från Gebal högg timret och avpassade virket och stenblocken för tempelbygget.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Copyright © 1974, 1977, 1987, 1995, 2003, 2004 by Biblica