Add parallel Print Page Options

Mga Inihandang Gagamitin sa Pagtatayo ng Templo

29 Sinabi(A) ni Haring David sa buong kapulungan, “Si Solomon na aking anak na siya lamang pinili ng Diyos ay bata pa at walang sapat na karanasan, at ang gawain ay malaki; sapagkat ang templo ay hindi sa tao, kundi para sa Panginoong Diyos.

Kaya't ako'y naghanda sa abot ng aking makakaya para sa bahay ng aking Diyos, ng ginto para sa mga bagay na ginto, pilak para sa mga bagay na pilak, tanso para sa mga bagay na tanso, bakal para sa mga bagay na bakal, kahoy para sa mga bagay na kahoy; bukod sa napakaraming batong onix, mga batong pangkalupkop, mga batong panggayak, batong may sari-saring kulay, at ng lahat ng uri ng mahahalagang bato, at mga batong marmol.

Bukod dito, bilang karagdagan sa lahat ng aking ibinigay para sa bahay ng aking Diyos, may pag-aari akong ginto at pilak, at dahil sa aking pagmamalasakit sa bahay ng aking Diyos, ibinibigay ko ito sa banal na bahay:

tatlong libong talentong ginto mula sa Ofir, at pitong libong talentong dalisay na pilak upang ibalot sa mga dingding ng gusali;

ginto na ukol sa mga bagay na ginto, at pilak na ukol sa mga bagay na pilak, at sa lahat ng sari-saring gawain na gagawin ng mga kamay ng mga manggagawa. Sino ngayon ang maghahandog nang kusa upang italaga ang sarili sa Panginoon sa araw na ito?”

Ang Handog ng mga Tao

Nang magkagayo'y nagbigay ng mga kusang-loob na handog ang mga puno ng mga sambahayan ng mga ninuno, gayundin ang mga pinuno ng mga lipi ng Israel, at ang mga punong-kawal ng mga libu-libo at daan-daan, pati ang mga tagapamahala sa gawain ng hari.

Nagbigay sila para sa paglilingkod sa bahay ng Diyos ng ginto, na limang libong talento, at sampung libong dariko ng ginto at sampung libong talentong pilak at labingwalong libong talentong tanso, at isandaang libong talentong bakal.

Sinumang may mamahaling bato ay ibinigay ang mga ito sa kabang-yaman ng bahay ng Panginoon, sa ilalim ng pag-iingat ni Jehiel na Gershonita.

Pagkatapos ay nagalak ang bayan, sapagkat ang mga ito'y kusang-loob na naghandog, sapagkat sila'y may dalisay na puso na kusang naghandog sa Panginoon at si Haring David ay labis na nagalak.

Ang Pagpapasalamat ni David

10 Kaya't pinuri ni David ang Panginoon sa harap ng buong kapulungan at sinabi ni David, “Purihin ka, O Panginoon, ang Diyos ni Israel na aming ama, magpakailan kailanman.

11 Iyo,(B) O Panginoon, ang kadakilaan, kapangyarihan, kaluwalhatian, pagtatagumpay, at karangalan. Sapagkat sa iyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa; iyo ang kaharian, O Panginoon, at ikaw ay mataas na pinuno sa lahat.

12 Ang mga kayamanan at gayundin ang karangalan ay nagmumula sa iyo, at ikaw ang namumuno sa lahat. Nasa iyong kamay ang kapangyarihan, kalakasan, pagpapadakila, at pagpapalakas sa lahat.

13 At ngayon, aming Diyos, kami ay nagpapasalamat sa iyo, at aming pinupuri ang iyong maluwalhating pangalan.

14 “Ngunit sino ba ako, at ano ang aking bayan, na kusang makapaghahandog sa ganitong paraan? Sapagkat ang lahat ng bagay ay nagmumula sa iyo, at ang sa iyo ang aming ibinigay sa iyo.

15 Sapagkat kami ay mga dayuhan at manlalakbay sa harap mo, gaya ng lahat ng aming mga ninuno; ang aming mga araw sa lupa ay gaya ng anino, at hindi magtatagal.

16 O Panginoon naming Diyos, lahat ng kasaganaang ito na aming inihanda upang ipagtayo ka ng bahay na ukol sa iyong banal na pangalan ay nagmumula sa iyong kamay, at lahat ay sa iyo lamang.

17 Alam ko rin, aking Diyos, na iyong sinisiyasat ang puso, at nalulugod ka sa katuwiran. Sa katuwiran ng aking puso ay aking kusang-loob na inihandog ang lahat ng bagay na ito, at ngayo'y nakita ko ang iyong bayan na naririto, kusang-loob at may kagalakang naghahandog sa iyo.

18 O Panginoon, ang Diyos ni Abraham, ni Isaac, at ni Israel na aming mga ninuno, ingatan mo nawa magpakailanman ang mga gayong layunin at mga pag-iisip ng puso ng iyong bayan, at ituon mo ang kanilang puso sa iyo.

19 Bigyan mo si Solomon na aking anak ng sakdal na puso, upang ingatan niya ang iyong mga utos, mga patotoo, mga batas, upang gawin ang lahat ng bagay na ito, at upang itayo niya ang templo, na siyang aking pinaghandaan.”

Nagsunog ng Handog

20 Sinabi ni David sa buong kapulungan, “Ngayo'y purihin ninyo ang Panginoon ninyong Diyos.” Ang buong kapulungan ay nagpuri sa Panginoon, sa Diyos ng kanilang mga ninuno; iniyukod ang kanilang mga ulo, sumamba sa Panginoon, at nagbigay-galang sa hari.

21 Sila'y nag-alay ng mga handog sa Panginoon, at kinabukasan ay naghandog sa Panginoon ng mga handog na sinusunog na isang libong baka, isang libong tupang lalaki, at isang libong kordero, pati mga inuming handog na para sa mga iyon, at ng saganang alay ukol sa buong Israel.

Si Solomon ay Ginawang Hari

22 Sila'y kumain at uminom sa harap ng Panginoon nang araw na iyon na may malaking kasayahan. Sa ikalawang pagkakataon ay kanilang ginawang hari si Solomon na anak ni David, at binuhusan siya ng langis bilang pinuno para sa Panginoon at si Zadok bilang pari.

23 Pagkatapos(C) ay umupo si Solomon sa trono ng Panginoon bilang hari na kapalit ni David na kanyang ama; at siya'y nagtagumpay, at ang buong Israel ay sumunod sa kanya.

24 Ang lahat ng pinuno at ang mga mandirigma, at ang lahat ng mga anak ni Haring David ay nangako ng kanilang katapatan kay Haring Solomon.

25 Pinadakilang mabuti ng Panginoon si Solomon sa paningin ng buong Israel, at binigyan ng karangalan bilang hari na hindi tinanggap ng sinumang nauna sa kanya sa Israel.

Ang Pamamahala at Kamatayan ni David

26 Sa gayon naghari si David na anak ni Jesse sa buong Israel.

27 Ang(D) panahon ng kanyang paghahari sa Israel ay apatnapung taon; pitong taon siyang naghari sa Hebron, at tatlumpu't tatlong taon naman sa Jerusalem.

28 Pagkatapos siya'y namatay sa sapat na katandaan, puspos ng mga araw, mga kayamanan, at karangalan; at si Solomon na kanyang anak ay nagharing kapalit niya.

29 At ang mga gawa ni Haring David, mula sa una hanggang huli ay nakasulat sa Kasaysayan[a] ni Samuel na tagakita at sa Kasaysayan ni Natan na propeta, at sa Kasaysayan ni Gad na tagakita;

30 pati ang salaysay ng kanyang buong paghahari, ang kanyang kapangyarihan at ang mga pangyayaring dumating sa kanya at sa Israel, at sa lahat ng mga kaharian sa daigdig.

Footnotes

  1. 1 Cronica 29:29 o Cronica .

Offerings for the Temple

29 Then King David said to the entire assembly, “My son Solomon, whom alone God has chosen, (A)is still young and inexperienced and the work is great; for (B)the [a]temple is not for man, but for Yahweh God. Now (C)with all my power I have prepared for the house of my God the gold for the things of gold, and the silver for the things of silver, and the bronze for the things of bronze, the iron for the things of iron, and wood for the things of wood, onyx stones and inlaid stones, stones of antimony and stones of various colors, and all kinds of precious stones and alabaster in abundance. Moreover, in my pleasure in the house of my God, the treasure I have of gold and silver, I give to the house of my God, over and above all that I have already prepared for the holy [b]house, namely, [c](D)3,000 talents of gold, of (E)the gold of Ophir, and [d]7,000 talents of refined silver, to overlay the walls of the [e]buildings; of gold for the things of gold and of silver for the things of silver, that is, for all the work done by the hand of craftsmen. Who then would offer willingly [f]to ordain himself this day to Yahweh?”

Then (F)the commanders of the fathers’ households, and the commanders of the tribes of Israel, and the commanders of thousands and of hundreds, with (G)the commanders of the king’s work, offered willingly; and for the service for the house of God they gave 5,000 talents and 10,000 [g](H)darics of gold, and 10,000 talents of silver, and 18,000 talents of brass, and 100,000 talents of iron. [h]And whoever possessed precious stones gave them to the treasury of the house of Yahweh, [i]in the care of (I)Jehiel the Gershonite. Then the people were glad because they had offered so willingly, for they made their freewill offering to Yahweh (J)with a whole heart, and King David also was exceedingly glad.

David Blesses Yahweh

10 So David blessed Yahweh in the sight of all the assembly; and David said, “Blessed are You, O Yahweh, the God of Israel our father, from everlasting to everlasting. 11 (K)Yours, O Yahweh, is the greatness and the [j]power and the glory and the [k]victory and the majesty, indeed everything that is in the heavens and the earth; Yours is the kingdom, O Yahweh, and You exalt Yourself as head over all. 12 (L)Both riches and honor come from You, and You rule over all, and (M)in Your hand is power and might; and it lies in Your hand to make great and to strengthen everyone. 13 So now, our God, we are thanking You and praising Your glorious name.

14 “But who am I and who are my people that we should [l]be able to offer as willingly as this? For all things come from You, and from Your hand we have given You. 15 For (N)we are sojourners before You, and foreign residents, like all our fathers were; (O)our days on the earth are like a shadow, and there is no hope. 16 O Yahweh our God, all this abundance that we have prepared to build You a house for Your holy name, it is from Your hand, and all is Yours. 17 And I know, O my God, that (P)You try the heart and (Q)delight in uprightness. I, in the uprightness of my heart, have willingly offered all these things. So now with gladness I have seen Your people, who are present here, make their offerings willingly to You. 18 O Yahweh, the God of Abraham, Isaac, and Israel, our fathers, keep this forever in the [m]intentions of the heart of Your people, and prepare their heart to You; 19 and (R)give to my son Solomon a whole heart to keep Your commandments, Your testimonies and Your statutes, and to do them all, and (S)to build the [n]temple, for which I have made preparation.”

20 Then David said to all the assembly, “Now bless Yahweh your God.” And (T)all the assembly blessed Yahweh, the God of their fathers, and (U)bowed low and prostrated themselves to Yahweh and to the king.

Sacrifices to Yahweh

21 And on the next day (V)they [o]made sacrifices to Yahweh and offered burnt offerings to Yahweh, 1,000 bulls, 1,000 rams, and 1,000 lambs, with their drink offerings and sacrifices in abundance for all Israel. 22 So they ate and drank that day before Yahweh with great gladness.

David’s Officials and Sons Pledge Allegiance

And they made Solomon the son of David king (W)a second time, and they (X)anointed him as ruler for Yahweh and Zadok as priest. 23 Then (Y)Solomon sat on the throne of Yahweh as king instead of David his father; and he succeeded, and all Israel obeyed him. 24 And all the officials, the mighty men, and also all the sons of King David [p]pledged allegiance to King Solomon. 25 (Z)And Yahweh highly exalted Solomon in the sight of all Israel, and (AA)granted to him royal majesty which had not been on any king before him in Israel.

26 Now (AB)David the son of Jesse reigned over all Israel. 27 (AC)And the [q]time which he reigned over Israel was forty years; in Hebron he reigned seven years and [r]in Jerusalem thirty-three years.

Death of David

28 Then he died in (AD)a good old age, (AE)full of days, riches and glory; and his son Solomon became king in his place. 29 Now the acts of King David, from first to last, behold, they are written in the chronicles of (AF)Samuel the seer, in the chronicles of (AG)Nathan the prophet and in the chronicles of (AH)Gad the seer, 30 with all his reign, his might, and the circumstances which came on him, on Israel, and on all the kingdoms of the lands.

Footnotes

  1. 1 Chronicles 29:1 Lit palace
  2. 1 Chronicles 29:3 Or temple
  3. 1 Chronicles 29:4 Approx. 112.5 tons or 102 metric tons
  4. 1 Chronicles 29:4 Approx. 262.5 tons or 238 metric tons
  5. 1 Chronicles 29:4 Lit houses
  6. 1 Chronicles 29:5 Lit to fill his hand
  7. 1 Chronicles 29:7 A Persian gold coin weighing approx. 0.3 oz. or 8 gm
  8. 1 Chronicles 29:8 Lit Those with whom were found
  9. 1 Chronicles 29:8 Lit under the hand of
  10. 1 Chronicles 29:11 Or might, cf. 29:12, 30
  11. 1 Chronicles 29:11 Or eternity
  12. 1 Chronicles 29:14 Lit retain strength
  13. 1 Chronicles 29:18 Lit intent of the thoughts of the heart
  14. 1 Chronicles 29:19 Lit palace
  15. 1 Chronicles 29:21 Lit sacrificed
  16. 1 Chronicles 29:24 Lit put a hand under King Solomon
  17. 1 Chronicles 29:27 Lit days
  18. 1 Chronicles 29:27 Lit he reigned in