1 Cronica 26
Ang Biblia (1978)
Ang pagkakabahagi ng mga tanod-pinto.
26 Sa pagka bahagi ng mga tagatanod-pinto: sa mga Coraita: si (A)Meselemia na anak ni Core, sa mga anak ni (B)Asaph.
2 At si (C)Meselemia ay nagkaanak; si Zacharias ang panganay, si Jediael ang ikalawa, si Zebadias ang ikatlo, si Jatnael ang ikaapat;
3 Si Elam ang ikalima, si Johanam ang ikaanim, si Elioenai ang ikapito.
4 At si Obed-edom ay nagkaanak; si Semeias ang panganay, si Jozabad ang ikalawa, si Joab ang ikatlo, at si Sachar ang ikaapat, at si Nathanael ang ikalima;
5 Si Anmiel ang ikaanim, si Issachar ang ikapito, si Peullethai ang ikawalo; sapagka't pinagpala (D)siya ng Dios.
6 Kay Semeias namang kaniyang anak ay nagkaanak ng mga lalake na nagsipagpuno sa sangbahayan ng kanilang magulang: sapagka't sila'y mga makapangyarihang lalaking matatapang.
7 Ang mga anak ni Semeias: si Othni, at si Raphael at si Obed, si Elzabad, na ang mga kapatid ay matatapang na lalake, si Eliu, at si Samachias.
8 Lahat ng mga ito'y sa mga anak ni Obed-edom: sila at ang kanilang mga anak at ang kanilang mga kapatid, mga bihasang lalake sa kalakasan ukol sa paglilingkod; anim na pu't dalawa kay Obed-edom.
9 At si Meselemia ay nagkaroon ng mga anak at mga kapatid na matatapang na lalake, labing walo.
10 Si Hosa naman sa mga anak ni Merari ay nagkaroon ng mga anak; si Simri ang pinuno (sapagka't bagaman hindi siya panganay, gayon ma'y ginawa siyang pinuno ng kaniyang ama;)
11 Si Hilcias ang ikalawa, si Tebelias ang ikatlo, si Zacharias ang ikaapat; lahat ng mga anak at mga kapatid ni Hosa ay labing tatlo.
12 Sa mga ito ang mga bahagi ng mga tagatanod-pinto, sa makatuwid baga'y ng mga pinuno na may mga katungkulang gaya ng kanilang mga kapatid na magsipangasiwa sa bahay ng Panginoon.
13 At sila'y (E)nangagsapalaran, gayon ang (F)maliit na gaya ng malaki, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang na ukol sa bawa't pintuang-daan.
14 At ang kapalaran sa dakong silanganan ay nahulog kay (G)Selemia. Sa ganang kay Zacharias nga na kaniyang anak na matalinong kasangguni, sila'y nagsapalaran; at ang kaniyang kapalaran ay nahulog sa dakong hilagaan.
15 Kay Obed-edom ay dakong timugan; at sa kaniyang mga anak ay ang kamalig.
16 Kay Suppim at kay Hosa ay dakong kalunuran, sa tabi ng pintuang-daan ng Sallechet, sa daanang paahon, na pulutong at pulutong.
17 Sa dakong silanganan ay anim na Levita, sa dakong hilagaan ay apat araw-araw, sa dakong timugan ay apat araw-araw, at sa kamalig ay dalawa't dalawa.
18 Sa Parbar sa dakong kalunuran, apat sa daanan, at dalawa sa Parbar.
19 Ito ang mga bahagi ng mga tagatanod-pinto; sa mga anak ng mga Coraita, at sa mga anak ni Merari.
Ang tagapamahala ng kayamanan sa templo.
20 At sa mga Levita, si Achias ay nasa mga kayamanan ng bahay ng Dios, at nasa mga kayamanan ng mga itinalagang bagay.
21 Ang mga anak ni Ladan: ang mga anak ng mga Gersonita na nauukol kay Ladan; ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang na ukol kay Ladan na Gersonita; si (H)Jehieli.
22 Ang mga anak ni Jehieli: si Zethan at si Joel na kaniyang kapatid, sa mga ingatang-yaman ng bahay ng Panginoon.
23 Sa mga Amramita, sa mga Isharita, sa mga Hebronita, sa mga Uzzielita:
24 At si Sebuel na anak ni Gerson, na anak ni Moises, ay puno sa mga ingatang-yaman.
25 At ang kaniyang mga kapatid kay Eliezer ay nanggaling si Rehabia na kaniyang anak, at si Isaias na kaniyang anak, at si Joram na kaniyang anak, at si Zichri na kaniyang anak, at si Selomith na kaniyang anak.
26 Ang Selomith na ito at ang kaniyang mga kapatid ay nangasa lahat ng ingatang-yaman ng nangatalagang mga bagay na (I)itinalaga ni David na hari, at ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, ng mga pinunong kawal ng lilibuhin at ng dadaanin, at ng mga pinunong kawal ng hukbo.
27 Ang samsam na pinanalunan sa pakikipagbaka, ay kanilang itinalaga upang ayusin ang bahay ng Panginoon.
28 At lahat na itinalaga ni (J)Samuel na tagakita, at ni Saul na anak ni Cis, at ni (K)Abner na anak ni Ner, at ni Joab na anak ni Sarvia; ang (L)anomang bagay na itinalaga ninoman ay nasa ilalim ng pamamahala ni Selomith, at ng kaniyang mga kapatid.
29 Sa mga Isharita, si Chenania at ang kaniyang mga anak ay mga tagapamahala at hukom sa mga (M)gawain sa labas ng Israel.
30 Sa mga Hebronita, si (N)Hasabias, at ang kaniyang mga kapatid na mga lalaking matapang, na isang libo't pitong daan, ay nangamamahala sa Israel sa dako roon ng Jordan sa dakong kalunuran, na ukol sa lahat ng gawain sa Panginoon, at sa paglilingkod sa hari.
31 Sa mga Hebronita ay si (O)Jerias ang pinuno, sa makatuwid baga'y sa mga Hebronita, ayon sa kanilang mga lahi ayon sa mga sangbahayan ng mga magulang. Nang ikaapat na pung taon ng paghahari ni David, sila'y hinanapan, at may nasumpungan, sa kanilang mga makapangyarihang lalaking matapang sa (P)Jazer ng Galaad.
32 At ang kaniyang mga kapatid na mga lalaking matapang, ay dalawang libo at pitong daan, na mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang na siyang ginawa ni David na mga tagapamahala sa mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ng mga Manasita, (Q)sa lahat ng usap na ukol sa Dios, at sa mga bagay ng hari.
1 Chronicles 26
Christian Standard Bible
The Levitical Gatekeepers
26 The following were the divisions of the gatekeepers:
From the Korahites: Meshelemiah son of Kore, one of the sons of Asaph.
2 Meshelemiah had sons:
Zechariah the firstborn, Jediael the second,
Zebadiah the third, Jathniel the fourth,
3 Elam the fifth, Jehohanan the sixth,
and Eliehoenai the seventh.
4 Obed-edom also had sons:
Shemaiah the firstborn, Jehozabad the second,
Joah the third, Sachar the fourth,
Nethanel the fifth, 5 Ammiel the sixth,
Issachar the seventh, and Peullethai the eighth,
for God blessed him.
6 Also, to his son Shemaiah were born sons who ruled their ancestral families[a] because they were strong, capable men.
7 Shemaiah’s sons: Othni, Rephael, Obed, and Elzabad; his relatives Elihu and Semachiah were also capable men. 8 All of these were among the sons of Obed-edom with their sons and relatives; they were capable men with strength for the work—sixty-two from Obed-edom.
9 Meshelemiah also had sons and relatives who were capable men—eighteen.
10 Hosah,(A) from the Merarites, also had sons: Shimri the first (although he was not the firstborn, his father had appointed him as the first), 11 Hilkiah the second, Tebaliah the third, and Zechariah the fourth. The sons and relatives of Hosah were thirteen in all.
12 These divisions of the gatekeepers, under their leading men, had duties for ministering in the Lord’s temple, just as their relatives did. 13 They cast lots for each temple gate according to their ancestral families, young and old alike.(B)
14 The lot for the east gate fell to Shelemiah.[b] They also cast lots for his son Zechariah, an insightful counselor, and his lot came out for the north gate. 15 Obed-edom’s was the south gate, and his sons’ lot was for the storehouses; 16 it was the west gate and the gate of Shallecheth on the ascending highway for Shuppim and Hosah.
There were guards stationed at every watch. 17 There were six Levites each day[c] on the east, four each day on the north, four each day on the south, and two pair at the storehouses. 18 As for the court on the west, there were four at the highway and two at the court. 19 Those were the divisions of the gatekeepers from the descendants of the Korahites and Merarites.
The Levitical Treasurers and Other Officials
20 From the Levites, Ahijah was in charge of the treasuries of God’s temple and the treasuries of what had been dedicated.(C) 21 From the sons of Ladan, who were the descendants of the Gershonites through Ladan and were the family heads belonging to Ladan the Gershonite: Jehieli. 22 The sons of Jehieli, Zetham and his brother Joel, were in charge of the treasuries of the Lord’s temple.
23 From the Amramites, the Izharites, the Hebronites, and the Uzzielites: 24 Shebuel, a descendant of Moses’s son Gershom, was the officer in charge of the treasuries. 25 His relatives through Eliezer: his son Rehabiah, his son Jeshaiah, his son Joram, his son Zichri, and his son Shelomith.[d] 26 This Shelomith and his relatives were in charge of all the treasuries of what had been dedicated by King David,(D) by the family heads who were the commanders of thousands and of hundreds, and by the army commanders. 27 They dedicated part of the plunder from their battles for the repair of the Lord’s temple. 28 All that the seer Samuel, Saul son of Kish, Abner son of Ner, and Joab son of Zeruiah had dedicated, along with everything else that had been dedicated, were in the care of Shelomith and his relatives.
29 From the Izrahites: Chenaniah and his sons had duties outside the temple[e](E) as officers and judges(F) over Israel. 30 From the Hebronites: Hashabiah(G) and his relatives, 1,700 capable men, had assigned duties in Israel west of the Jordan for all the work of the Lord and for the service of the king. 31 From the Hebronites: Jerijah(H) was the head of the Hebronites, according to the family records of his ancestors. A search was made in the fortieth year of David’s reign and strong, capable men were found among them at Jazer(I) in Gilead. 32 There were among Jerijah’s relatives 2,700 capable men who were family heads. King David appointed them over the Reubenites, the Gadites, and half the tribe of Manasseh as overseers in every matter relating to God and the king.(J)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
The Christian Standard Bible. Copyright © 2017 by Holman Bible Publishers. Used by permission. Christian Standard Bible®, and CSB® are federally registered trademarks of Holman Bible Publishers, all rights reserved.
