1 Cronica 14
Magandang Balita Biblia
Ang mga Ginawa ni David sa Jerusalem(A)
14 Si Hiram na Hari ng Tiro ay nagpadala ng mga sugo kay David. Binigyan niya si David ng mga kahoy na sedar at nagsugo rin siya ng mga kantero at karpintero upang gumawa ng palasyo para kay David. 2 Dito nabatid ni David na pinagtibay na ni Yahweh ang pagiging hari niya sa Israel, at ang kanyang kaharian ay pinasagana alang-alang sa bayang Israel.
3 Dinagdagan pa ni David ang kanyang mga asawa sa Jerusalem at nagkaanak siya ng marami. 4 Ito ang mga anak niya na isinilang sa Jerusalem: sina Samua, Sobab, Natan, Solomon; 5 Ibhar, Elisua, Elpelet; 6 Noga, Nefeg, Jafia; 7 Elisama, Beeliada, at Elifelet.
Ang Tagumpay Laban sa mga Filisteo(B)
8 Nang mabalitaan ng mga Filisteo na si David ay itinanghal nang hari sa buong Israel, lumusob sila upang hanapin si David. Nalaman ito ni David kaya't hinarap niya ang mga Filisteo. 9 Unang sinalakay ng mga Filisteo ang libis ng Refaim. 10 Itinanong ni David sa Diyos, “Lalabanan ko po ba ang mga Filisteo? Magtatagumpay po ba ako laban sa kanila?”
“Humayo ka,” sagot ni Yahweh, “pagtatagumpayin kita laban sa iyong mga kaaway.”
11 Kaya't sinalakay niya ang mga Filisteo sa Baal-perazim, at natalo niya ang mga ito. Sinabi ni David, “Kinasangkapan ako ng Diyos upang lupigin ang mga kaaway na parang dinaanan ng rumaragasang baha.” Ito ang dahilan kung bakit tinawag ang lugar na iyon na Baal-perazim.[a] 12 Naiwan doon ng mga kaaway ang kanilang mga diyus-diyosan at iniutos ni David na sunugin ang mga ito.
13 Sumalakay muli sa libis ang mga Filisteo. 14 Dahil dito, muling nagtanong sa Diyos si David. Sinabi sa kanya, “Huwag mo silang sasagupain nang harapan. Lumibot ka, at doon ka sumalakay sa may likuran, sa tapat ng mga puno ng balsam. 15 Kapag narinig mo ang mga yabag sa itaas ng mga puno, sumalakay ka na, sapagkat pinangungunahan ka ng Diyos upang wasakin ang hukbo ng mga Filisteo.” 16 Ganoon nga ang ginawa ni David at naitaboy niya ang mga Filisteo mula sa Gibeon hanggang Gezer. 17 Naging tanyag si David sa buong lupain, at ginawa ni Yahweh na matakot kay David ang lahat ng mga bansa.
Footnotes
- 1 Cronica 14:11 BAAL-PERAZIM: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng pangalang ito'y “Ang Panginoon ay parang rumaragasang baha”.
1 Chronicles 14
New International Version
David’s House and Family(A)
14 Now Hiram king of Tyre sent messengers to David, along with cedar logs,(B) stonemasons and carpenters to build a palace for him. 2 And David knew that the Lord had established him as king over Israel and that his kingdom had been highly exalted(C) for the sake of his people Israel.
3 In Jerusalem David took more wives and became the father of more sons(D) and daughters. 4 These are the names of the children born to him there:(E) Shammua, Shobab, Nathan, Solomon, 5 Ibhar, Elishua, Elpelet, 6 Nogah, Nepheg, Japhia, 7 Elishama, Beeliada[a] and Eliphelet.
David Defeats the Philistines(F)
8 When the Philistines heard that David had been anointed king over all Israel,(G) they went up in full force to search for him, but David heard about it and went out to meet them. 9 Now the Philistines had come and raided the Valley(H) of Rephaim; 10 so David inquired of God: “Shall I go and attack the Philistines? Will you deliver them into my hands?”
The Lord answered him, “Go, I will deliver them into your hands.”
11 So David and his men went up to Baal Perazim,(I) and there he defeated them. He said, “As waters break out, God has broken out against my enemies by my hand.” So that place was called Baal Perazim.[b] 12 The Philistines had abandoned their gods there, and David gave orders to burn(J) them in the fire.(K)
13 Once more the Philistines raided the valley;(L) 14 so David inquired of God again, and God answered him, “Do not go directly after them, but circle around them and attack them in front of the poplar trees. 15 As soon as you hear the sound of marching in the tops of the poplar trees, move out to battle, because that will mean God has gone out in front of you to strike the Philistine army.” 16 So David did as God commanded him, and they struck down the Philistine army, all the way from Gibeon(M) to Gezer.(N)
17 So David’s fame(O) spread throughout every land, and the Lord made all the nations fear(P) him.
Footnotes
- 1 Chronicles 14:7 A variant of Eliada
- 1 Chronicles 14:11 Baal Perazim means the lord who breaks out.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.