1 Cronica 12
Ang Biblia (1978)
Ang mga kaibigan ni David sa Siclag.
12 Ang mga ito nga ang nagsiparoon kay David (A)sa Siclag, samantalang siya'y nagkukubli pa dahil kay Saul na anak ni Cis: at sila'y nasa mga makapangyarihang lalake, na kaniyang mga katulong sa pakikipagdigma.
2 Sila'y nasasakbatan ng mga busog, at kanilang ginagamit kapuwa ang kanang kamay at kaliwa sa pagpapahilagpos ng mga bato, at sa pagpapahilagpos ng mga pana mula sa busog; sila'y sa mga kapatid ni Saul sa Benjamin.
3 Ang pinuno ay si Ahiezer, saka si Joas, na mga anak ni Semaa na Gabaathita; at si Jeziel, at si Pheleth, na mga anak ni Azmaveth; at si Beraca, at si Jehu na Anathothita;
4 At si Ismaias na Gabaonita, na makapangyarihang lalake sa tatlongpu, at pinuno ng tatlongpu; at si Jeremias, at si Jahaziel, at si Joanan, at si Jozabad na Gederathita;
5 Si Eluzai, at si Jeremoth, at si Bealias, at si Semarias, at si Sephatias na Haruphita;
6 Si Elcana, at si Isias, at si Azareel, at si Joezer, at si Jasobam, na mga Corita:
7 At si Joela, at si Zebadias, na mga anak ni Jeroham na taga Gedor.
Ang mga Gadita na nagsisunod kay David.
8 At sa mga Gadita ay nagsihiwalay na nagsilakip kay David sa katibayan sa ilang, ang mga makapangyarihang lalaking may tapang, na mga lalaking bihasa sa pakikidigma, na makahahawak ng kalasag at sibat; na ang mga mukha nila ay gaya ng mga mukha ng mga leon, at sila'y maliliksing gaya ng mga usa sa mga bundok;
9 Si Eser ang pinuno, si Obadias ang ikalawa, si Eliab ang ikatlo;
10 Si Mismana ang ikaapat, si Jeremias ang ikalima;
11 Si Attai ang ikaanim, si Eliel ang ikapito;
12 Si Johanan ang ikawalo, si Elzabad ang ikasiyam;
13 Si Jeremias ang ikasangpu, si Machbani ang ikalabingisa.
14 Ang mga ito sa mga anak ni Gad ay mga pinunong kawal ng hukbo; ang pinakamaliit ay katimbang ng isang daan, at ang pinakamalaki ay ng isang libo.
15 Ang mga ito ang nagsitawid sa Jordan sa unang buwan, nang apawan ang lahat niyang mga pangpang; at kanilang pinatakas ang lahat na sa mga libis, ang sa dakong silanganan, at gayon din ang sa dakong kalunuran.
16 At nagsiparoon ang ilan sa mga anak ni Benjamin at ni Juda sa katibayan kay David.
17 At si David ay lumabas na sinalubong sila, at sumagot at nagsabi sa kanila, Kung kayo'y nagsisiparitong payapa sa akin upang tulungan ako, ang aking puso ay malalakip sa inyo: nguni't kung upang pagliluhan ako sa aking mga kaaway, dangang walang kasamaan sa aking mga kamay, masdan ng Dios ng ating mga magulang, at sawayin.
18 Nang magkagayo'y ang Espiritu ay dumating kay (B)Amasai, na siyang pinuno ng tatlongpu, at sinabi niya, Iyo kami, David, at para sa iyo, ikaw anak ni Isai: kapayapaan, kapayapaan ang sumaiyo, at kapayapaan ang sumaiyong mga katulong; sapagka't tinutulungan ka ng iyong Dios. Nang magkagayo'y tinanggap ni David sila, at ginawa silang mga pinunong kawal ng pulutong.
19 Sa Manases naman ay nagsihilig ang ilan kay David, (C)nang siya'y pumaroong kasama ng mga Filisteo laban kay Saul upang bumaka: nguni't hindi nila tinulungan sila: sapagka't pinapagpaalam siya ng mga panginoon ng mga Filisteo sa payo na sinasabi, Siya'y mahihilig sa kaniyang panginoong kay Saul sa pamumuhunan ng ating mga ulo.
20 Sa pagparoon niya sa Siclag, ay nagsihilig sa kaniya mula sa Manases, si Adnas, at si Jozabad, at si Jediaiel, at si Michael, at si Jozabad at si Eliu, at si Sillethai, na mga pinunong kawal ng mga lilibuhin na nasa Manases.
21 At kanilang tinulungan si David laban sa pulutong (D)ng mga magnanakaw: sapagka't silang lahat ay mga makapangyarihang lalake na may tapang, at mga pinunong kawal sa hukbo.
22 Sapagka't araw-araw ay may naparoon kay David upang tumulong sa kaniya, hanggang sa naging malaking hukbo, na gaya ng hukbo ng Dios.
Ang ibang mga kaibigan ni David.
23 At ito ang bilang ng mga ulo nila na mga may sandata na handa sa pakikidigma, na (E)nagsiparoon kay David sa Hebron, upang ibalik ang kaharian ni Saul sa kaniya, ayon sa salita ng Panginoon.
24 Ang mga anak ni Juda na nagsisihawak ng kalasag at sibat ay anim na libo at walong daan, na may mga sandata sa pakikipagdigma.
25 Sa mga anak ni Simeon, na mga makapangyarihang lalake na may tapang na handa sa pakikipagdigma, pitong libo at isang daan.
26 Sa mga anak ni Levi ay apat na libo at anim na raan.
27 At si Joiada ang tagapamatnugot ng sangbahayan ni Aaron, at kasama niya'y tatlong libo at pitong daan;
28 At si Sadoc, na isang binatang makapangyarihan na may tapang, at sa sangbahayan ng kaniyang magulang ay dalawang pu at dalawang pinunong kawal.
29 At sa mga anak ni Benjamin, na mga kapatid ni Saul, tatlong libo: sapagka't ang kalakhang bahagi sa kanila ay nagsisipagingat ng kanilang pakikipagkasundo sa sangbahayan ni Saul.
30 At sa mga anak ni Ephraim, dalawang pung libo at walong daan, na mga makapangyarihang lalaking may tapang, mga bantog na lalake sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.
31 At sa kalahating lipi ng Manases ay labing walong libo, na mga nasaysay sa pamamagitan ng pangalan, upang magsiparoon at gawing hari si David.
32 At sa mga anak ni Issachar, na mga lalaking maalam ng mga panahon, upang matalastas kung ano ang marapat gawin ng Israel; ang mga pinuno sa kanila ay dalawang daan; at ang lahat nilang kapatid ay nasa kanilang utos.
33 Sa Zabulon, yaong mga makalalabas sa hukbo, na makahahanay sa pagbabaka na may sarisaring kasangkapang pangdigma, ay limangpung libo; at makapagaayos sa hanay sa pagbabaka, at hindi nagaalinlangan ang loob.
34 At sa Nephtali ay isang libong pinunong kawal, at may kasama silang mga may kalasag at sibat na tatlong pu't pitong libo.
35 At sa mga Danita na makahahanay sa pagbabaka ay dalawangpu't walong libo at anim na raan.
36 At sa Aser, yaong mga makalalabas sa hukbo, na makahahanay sa pagbabaka, apat na pung libo.
37 At sa kabilang dako ng Jordan, sa mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases, na may sarisaring kasangkapang pangdigma sa pakikipagbaka, isang daan at dalawangpung libo.
Ang mga tumulong kay David upang maging hari.
38 Lahat ng mga ito na mga lalaking mangdidigma na makahahanay sa pagbabaka, ay nagsiparoong may sakdal na puso sa Hebron, upang gawing hari si David sa buong Israel: at ang lahat na nangalabi sa Israel ay nagkaisang loob din naman upang gawing hari si David.
39 At sila'y dumoong kasama ni David na tatlong araw, na kumain at uminom: sapagka't ipinaghanda sila ng kanilang mga kapatid.
40 Bukod dito'y silang malapit sa kaniya, sa makatuwid baga'y hanggang sa Issachar, at Zabulon at Nephtali, ay nagsipagdala ng tinapay na nasa ibabaw ng mga asno, at ng mga kamelyo, at ng mga mula, at ng mga baka, mga pagkaing harina, at mga binilong igos, at mga buwig ng pasas, at alak, at langis, at mga baka, at mga tupa na sagana: sapagka't may kagalakan sa Israel.
1 Chronicles 12
Modern English Version
The Mighty Men Join David
12 Now these are the men who came to David at Ziklag, while he yet kept himself away from Saul the son of Kish. They were among the brave men, helpers in the war. 2 They were armed with bows, and could use both the right hand and the left in hurling stones and shooting arrows out of a bow. They were Saul’s brothers of Benjamin.
3 The chief was Ahiezer, then Joash, the sons of Shemaah the Gibeathite; Jeziel and Pelet the sons of Azmaveth; Berakah, and Jehu the Anathothite; 4 and Ishmaiah the Gibeonite, a brave warrior among the thirty, and over the thirty; Jeremiah, Jahaziel, Johanan, and Jozabad the Gederathite; 5 and Eluzai, Jerimoth, Bealiah, Shemariah, and Shephatiah the Haruphite; 6 and Elkanah, Ishiah, Azarel, Joezer, and Jashobeam the Korahites; 7 and Joelah and Zebadiah, the sons of Jeroham of Gedor.
8 From the Gadites mighty men of valor, men of the war battalion, who could handle shield and sword, whose faces were like the faces of lions, and who were as swift as the gazelles on the mountains, separated themselves for David in the stronghold in the wilderness:
9 Ezer the captain,
Obadiah the second, Eliab the third,
10 Mishmannah the fourth, Jeremiah the fifth,
11 Attai the sixth, Eliel the seventh,
12 Johanan the eighth, Elzabad the ninth,
13 Jeremiah the tenth, Makbannai the eleventh.
14 These were from Gad, captains of the battalions. One of the least of them was as a hundred and the greatest as a thousand. 15 These were the ones who crossed over the Jordan during the first month when it had overflowed its banks and caused the valley dwellers to flee to the east and to the west.
16 Some of the sons of Benjamin and Judah came to the stronghold of David. 17 So David went out before them and said to them, “If you have come in peace to help me, then I will have a heart united with yours, but if to betray me to my adversaries, when there is no violence in my hand, may the God of our fathers see, and may He decide between us.”
18 Then the Spirit came upon Amasai the captain of the officers, and he said,
“We are for you, David,
and with you, son of Jesse.
Peace, peace to you,
and peace to the one helping you,
for your God helps you.”
So David welcomed them and appointed them as captains of the troops.
19 Now some from Manasseh joined forces with David when he came with the Philistines for battle against Saul, but they did not help them. For after taking counsel, the lords of the Philistines sent him away, saying, “It will be our heads if he falls back to his lord Saul.” 20 As he went to Ziklag, these men of Manasseh deserted to join him: Adnah, Jozabad, Jediael, Michael, Jozabad, Elihu, and Zillethai, chiefs of thousands in Manasseh. 21 So they helped David against the bands of raiders because all of them were mighty men of valor and commanders in the army. 22 For at that time, day by day, they came to help David until they became a great camp like the camp of God.
David’s Army at Hebron
23 Now these make up the number of the leaders equipped for the battalion who came to David at Hebron in order to turn the kingdom of Saul over to him, as the mouth of the Lord had spoken.
24 The sons of Judah who carried shields and spears: six thousand eight hundred equipped for war.
25 From the sons of Simeon, mighty men of valor, fit for war: seven thousand one hundred.
26 From the sons of the Levites: four thousand six hundred. 27 Jehoiada was the principal leader of the Aaronites, and he brought with him three thousand seven hundred, 28 while Zadok, a brave young warrior, brought twenty-two leaders from the house of his father.
29 From the sons of Benjamin, the brothers of Saul: three thousand (up to that time the greater number of them were keeping their loyalty with the house of Saul).
30 From the sons of Ephraim: twenty thousand eight hundred mighty men of valor, men of reputation in the house of their fathers.
31 From the half-tribe of Manasseh: eighteen thousand who were marked by name to come and crown David king.
32 From the sons of Issachar, those having understanding of times and what Israel should do: two hundred of their captains with all their brothers at their command.
33 Of Zebulun, fifty thousand seasoned troops, equipped for battle with all the weapons of war, to help David with singleness of purpose. From Zebulun, those going out to war, equipped for battle with all the weapons of war, to help David with an undivided heart: fifty thousand.
34 From Naphtali: one thousand leaders and thirty-seven thousand with shields and spears.
35 From the Danites, competent for battle: twenty-eight thousand six hundred.
36 From Asher, those going out to war, arranged for battle: forty thousand.
37 Also from the other side of the Jordan, from the Reubenites, the Gadites, and half of the tribe of Manasseh with all their battle array: one hundred and twenty thousand.
38 All these made up the men of war, arranged in ranks, who came to Hebron with a sincere heart to make David king over all Israel, along with the all the rest of Israel who with one heart came to make David king. 39 Now all these were there with David three days, eating and drinking, for their brothers had made provisions for them, 40 and also the ones who were as near to them as Issachar, Zebulun, and Naphtali were bringing bread on donkeys, on camels, on mules, and on oxen, food of fine flour, fig cakes, raisins, wine, oil, herds, and flocks in abundance, for there was joy in Israel.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
The Holy Bible, Modern English Version. Copyright © 2014 by Military Bible Association. Published and distributed by Charisma House.
