1 Corinto 16
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Tulong sa mga Kapatid sa Judea
16 Tungkol(A) naman sa ambagan para sa mga kapatid, gawin ninyo ang tulad sa ipinagbilin ko sa mga iglesya sa Galacia. 2 Tuwing unang araw ng sanlinggo, ang bawat isa ay maglaan ng bahagi ng kanyang kinikita at ipunin iyon upang hindi na kailangang mag-ambagan pa pagpunta ko riyan. 3 Pagdating ko riyan, bibigyan ko ng sulat ang mga taong pipiliin ninyo upang magdala ng inyong tulong sa Jerusalem. 4 At kung kailangang pumunta rin ako, sasama ako sa kanila.
Mga Balak ni Pablo
5 Pupunta(B) ako riyan pagkagaling ko sa Macedonia, sapagkat binabalak kong dumaan doon. 6 Mananatili muna ako riyan at maaaring diyan na ako magpalipas ng taglamig upang ako'y matulungan ninyo sa pagpapatuloy ng aking paglalakbay, saanman ako pupunta. 7 Ayaw kong ako'y dadaan lamang diyan; nais kong magtagal nang kaunti kung loloobin ng Panginoon.
8 Titigil(C)(D) ako sa Efeso hanggang sa araw ng Pentecostes 9 dahil may magandang pagkakataong nabuksan doon para sa gawain, kahit na maraming kumakalaban.
10 Pagdating(E) diyan ni Timoteo, ipadama ninyo ang inyong pagtanggap sa kanya upang mapanatag ang kanyang kalooban, sapagkat siya'y tulad kong naglilingkod sa Panginoon. 11 Huwag ninyo siyang maliitin, sa halip ay tulungan ninyo upang makabalik siya sa akin nang mapayapa, sapagkat hinihintay ko siya kasama ng mga kapatid.
12 Tungkol naman sa ating kapatid na si Apolos, kinausap ko siyang mabuti upang dalawin kayo kasama ng ibang mga kapatid. Ngunit hindi pa siya makakapunta ngayon. Saka na siya dadalaw sa inyo kapag nagkaroon ng pagkakataon.
Pangwakas na Pananalita
13 Maging handa kayo at magpakatatag sa inyong pananampalataya. Maging matapang kayo at magpakatibay, 14 at ang lahat ng ginagawa ninyo'y gawin ninyo nang may pagmamahal.
15 Mga(F) kapatid, alam ninyong ang sambahayan ni Estefanas ang unang nakakilala sa Panginoon sa Acaya, at itinalaga nila ang kanilang sarili sa paglilingkod para sa mga hinirang ng Diyos. Nakikiusap ako sa inyo na 16 kayo'y pasakop sa mga tulad nila at sa sinumang kasama nilang nagpapakahirap sa paglilingkod.
17 Nagagalak ako sa pagdating nina Estefanas, Fortunato, at Acaico, sapagkat ginagawa nila ang hindi ninyo magawâ para sa akin. 18 Sila ang nagpasigla sa akin, gayundin sa inyo. Pahalagahan ninyo ang gayong mga tao.
19 Kinukumusta(G) kayo ng mga iglesya sa Asia. Kinukumusta rin kayo nina Aquila at Priscila, at ng mga kapatid na nagtitipon sa kanilang bahay sa pangalan ng Panginoon. 20 Kinukumusta rin kayo ng lahat ng kapatid dito.
Magbatian kayo bilang magkakapatid na nagmamahalan.[a]
21 Ako mismong si Pablo ang sumusulat ng pagbating ito.
22 Sumpain ang sinumang walang pag-ibig sa Panginoon!
Marana tha—Dumating ka nawa, Panginoon namin!
23 Sumainyo nawa ang pagpapala ng Panginoong Jesus.
24 Sumainyong lahat ang aking pagmamahal sa pangalan ni Cristo Jesus.
Footnotes
- 20 bilang magkakapatid...nagmamahalan: Sa Griego ay ng banal na halik .
1 Corinthians 16
New International Version
The Collection for the Lord’s People
16 Now about the collection(A) for the Lord’s people:(B) Do what I told the Galatian(C) churches to do. 2 On the first day of every week,(D) each one of you should set aside a sum of money in keeping with your income, saving it up, so that when I come no collections will have to be made.(E) 3 Then, when I arrive, I will give letters of introduction to the men you approve(F) and send them with your gift to Jerusalem. 4 If it seems advisable for me to go also, they will accompany me.
Personal Requests
5 After I go through Macedonia, I will come to you(G)—for I will be going through Macedonia.(H) 6 Perhaps I will stay with you for a while, or even spend the winter, so that you can help me on my journey,(I) wherever I go. 7 For I do not want to see you now and make only a passing visit; I hope to spend some time with you, if the Lord permits.(J) 8 But I will stay on at Ephesus(K) until Pentecost,(L) 9 because a great door for effective work has opened to me,(M) and there are many who oppose me.
10 When Timothy(N) comes, see to it that he has nothing to fear while he is with you, for he is carrying on the work of the Lord,(O) just as I am. 11 No one, then, should treat him with contempt.(P) Send him on his way(Q) in peace(R) so that he may return to me. I am expecting him along with the brothers.
12 Now about our brother Apollos:(S) I strongly urged him to go to you with the brothers. He was quite unwilling to go now, but he will go when he has the opportunity.
13 Be on your guard; stand firm(T) in the faith; be courageous; be strong.(U) 14 Do everything in love.(V)
15 You know that the household of Stephanas(W) were the first converts(X) in Achaia,(Y) and they have devoted themselves to the service(Z) of the Lord’s people.(AA) I urge you, brothers and sisters, 16 to submit(AB) to such people and to everyone who joins in the work and labors at it. 17 I was glad when Stephanas, Fortunatus and Achaicus arrived, because they have supplied what was lacking from you.(AC) 18 For they refreshed(AD) my spirit and yours also. Such men deserve recognition.(AE)
Final Greetings
19 The churches in the province of Asia(AF) send you greetings. Aquila and Priscilla[a](AG) greet you warmly in the Lord, and so does the church that meets at their house.(AH) 20 All the brothers and sisters here send you greetings. Greet one another with a holy kiss.(AI)
21 I, Paul, write this greeting in my own hand.(AJ)
22 If anyone does not love the Lord,(AK) let that person be cursed!(AL) Come, Lord[b]!(AM)
23 The grace of the Lord Jesus be with you.(AN)
24 My love to all of you in Christ Jesus. Amen.[c]
Footnotes
- 1 Corinthians 16:19 Greek Prisca, a variant of Priscilla
- 1 Corinthians 16:22 The Greek for Come, Lord reproduces an Aramaic expression (Marana tha) used by early Christians.
- 1 Corinthians 16:24 Some manuscripts do not have Amen.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.