1 Corinto 15
Ang Dating Biblia (1905)
15 Ngayo'y ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, ang evangelio na sa inyo'y aking ipinangaral, na inyo namang tinanggap, na siya naman ninyong pinananatilihan,
2 Sa pamamagitan naman nito'y ligtas kayo kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang ipinangaral ko sa inyo, maliban na kung kayo'y nagsipanampalataya nang walang kabuluhan.
3 Sapagka't ibinigay ko sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap: na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan,
4 At siya'y inilibing; at siya'y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan;
5 At siya'y napakita kay Cefas, at saka sa labingdalawa;
6 Pagkatapos ay napakita sa mahigit na limang daang kapatid na paminsan, na ang karamihan sa mga ito'y nangabubuhay hanggang ngayon, datapuwa't ang mga iba'y nangatulog na;
7 Saka napakita kay Santiago; at saka sa lahat ng mga apostol;
8 At sa kahulihulihan, tulad sa isang ipinanganak sa di kapanahunan, ay napakita naman siya sa akin.
9 Ako nga ang pinakamaliit sa mga apostol, at hindi ako karapatdapat na tawaging apostol, sapagka't pinagusig ko ang iglesia ng Dios.
10 Datapuwa't sa pamamagitan ng biyaya ng Dios, ako nga'y ako; at ang kaniyang biyaya na ibinigay sa akin ay hindi nawawalan ng kabuluhan; bagkus ako'y malabis na nagpagal kay sa kanilang lahat: bagaman hindi ako, kundi ang biyaya ng Dios na sumasa akin.
11 Maging ako nga o sila, ay gayon ang aming ipinangangaral, at gayon ang inyong sinampalatayanan.
12 Kung si Cristo nga'y ipinangangaral na siya'y muling binuhay sa mga patay, bakit ang ilan sa inyo ay nagsisipagsabi na walang pagkabuhay na maguli ng mga patay?
13 Datapuwa't kung walang pagkabuhay na maguli ng mga patay, ay hindi rin nga muling binuhay si Cristo:
14 At kung si Cristo'y hindi muling binuhay, ay walang kabuluhan nga ang aming pangangaral, wala rin namang kabuluhan ang inyong pananampalataya.
15 Oo, at kami ay nasusumpungang mga saksing bulaan tungkol sa Dios; sapagka't aming sinasaksihan tungkol sa Dios, na kaniyang muling binuhay si Cristo; na hindi siyang muling nabuhay, kung tunay nga ang mga patay ay hindi muling binubuhay.
16 Sapagka't kung hindi muling binubuhay ang mga patay, ay hindi rin nga muling binuhay si Cristo:
17 At kung si Cristo ay hindi muling binuhay, ang inyong pananampalataya ay walang kabuluhan kayo'y nasa inyong mga kasalanan pa.
18 Kung gayon nga, ang mga nangatutulog din naman kay Cristo ay pawang nangapahamak.
19 Kung sa buhay lamang na ito tayo nagsisiasa kay Cristo, ay tayo sa lahat ng mga tao ang lalong kahabaghabag.
20 Datapuwa't si Cristo nga'y muling binuhay sa mga patay na siya ay naging pangunahing bunga ng nangatutulog.
21 Sapagka't yamang sa pamamagitan ng tao'y dumating ang kamatayan, sa pamamagitan din naman ng tao'y dumating ang pagkabuhay na maguli sa mga patay.
22 Sapagka't kung paanong kay Adam ang lahat ay nangamamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.
23 Datapuwa't ang bawa't isa'y sa kaniyang sariling katayuan; si Cristo ang pangunahing bunga; pagkatapos ay ang mga kay Cristo, sa kaniyang pagparito.
24 Kung magkagayo'y darating ang wakas, pagka ibibigay na niya ang kaharian sa Dios, sa makatuwid baga'y sa Ama; pagka lilipulin na niya ang lahat ng paghahari, at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan.
25 Sapagka't kinakailangang siya'y maghari hanggang mailagay niya sa ilalim ng kaniyang mga talampakan ang lahat niyang mga kaaway.
26 Ang kahulihulihang kaaway na lilipulin ay ang kamatayan.
27 Sapagka't kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang paa. Datapuwa't kung sinasabi, ang lahat ng mga bagay ay pinasuko, ay maliwanag na itinangi yaong nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya.
28 At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kaniya, kung magkagayo'y ang Anak rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat.
29 Sa ibang paraan, anong gagawin ng mga binabautismuhan dahil sa mga patay? Kung ang mga patay ay tunay na hindi muling binubuhay, bakit nga sila'y binabautismuhan dahil sa kanila?
30 Bakit baga naman tayo'y nanganganib bawa't oras?
31 Ipinahahayag ko alangalang sa ikaluluwalhati ninyo, mga kapatid, na taglay ko kay Cristo Jesus na Panginoon natin na araw-araw ay nasa panganib ng kamatayan ako.
32 Kung ako'y nakipagbaka sa Efeso laban sa mga ganid, ayon sa kaugalian ng tao, ano ang pakikinabangin ko? Kung ang mga patay ay hindi muling binubuhay, magsikain at magsiinom tayo yamang bukas tayo'y mangamamatay.
33 Huwag kayong padaya: Ang masasamang kasama ay sumisira ng magagandang ugali.
34 Gumising kayo ng ayon sa katuwiran, at huwag mangagkasala; sapagka't may mga ibang walang pagkakilala sa Dios: sinasabi ko ito upang kayo'y kilusin sa kahihiyan.
35 Datapuwa't sasabihin ng iba, Paanong muling bubuhayin ang mga patay? at anong anyo ng katawan ang iparirito nila?
36 Ikaw na mangmang, ang inyong inihahasik ay hindi binubuhay maliban na kung mamatay:
37 At ang iyong inihahasik ay hindi mo inihahasik ang katawang lilitaw, kundi ang butil lamang, na marahil ay trigo, o ibang bagay;
38 Datapuwa't ang Dios ay nagbibigay ng katawan dito ayon sa kaniyang minagaling, at sa bawa't binhi ay ang sariling katawan.
39 Hindi ang lahat ng laman ay magkasing-isang laman: kundi may laman sa mga tao, at ibang laman sa mga hayop, at ibang laman sa mga ibon, at ibang laman sa mga isda.
40 Mayroon namang mga katawang ukol sa langit, at mga katawang ukol sa lupa: datapuwa't iba ang kaluwalhatian ng ukol sa langit, at iba ang ukol sa lupa.
41 Iba ang kaluwalhatian ng araw, at iba ang kaluwalhatian ng buwan, at iba ang kaluwalhatian ng mga bituin; sapagka't ang isang bituin ay naiiba sa ibang bituin sa kaluwalhatian.
42 Gayon din naman ang pagkabuhay na maguli ng mga patay. Itinatanim na may kasiraan; binubuhay na maguli na walang kasiraan;
43 Itinatanim na may pagkasiphayo; binubuhay na maguli na may kaluwalhatian: itinatanim na may kahinaan; binubuhay na maguli na may kapangyarihan:
44 Itinatanim na may katawang ukol sa lupa; binubuhay na maguli na katawang ukol sa espiritu. Kung may katawang ukol sa lupa ay may katawang ukol sa espiritu naman.
45 Gayon din naman nasusulat, Ang unang taong si Adam ay naging kaluluwang buhay. Ang huling Adam ay naging espiritung nagbibigay buhay.
46 Bagaman ang ukol sa espiritu ay hindi siyang una, kundi ang ukol sa lupa: pagkatapos ang ukol sa espiritu.
47 Ang unang tao ay taga lupa na ukol sa lupa: ang ikalawang tao ay taga langit.
48 Kung ano ang ukol sa lupa, ay gayon din naman silang mga taga lupa: at kung ano ang ukol sa langit ay gayon din naman silang taga langit.
49 At kung paanong tinaglay natin ang larawang ukol sa lupa, ay tataglayin din naman natin ang larawang ukol sa langit.
50 Sinasabi ko nga ito, mga kapatid, na ang laman at ang dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Dios; ni ang kasiraan ay magmamana ng walang kasiraan.
51 Narito, sinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga: hindi tayong lahat ay mangatutulog, nguni't tayong lahat ay babaguhin,
52 Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka't tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo'y babaguhin.
53 Sapagka't kinakailangan na itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan.
54 Datapuwa't pagka itong may kasiraan ay mabihisan ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay mabihisan ng walang kamatayan, kung magkakagayon ay mangyayari ang wikang nasusulat, Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan.
55 Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong pagtatagumpay? Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong tibo?
56 Ang tibo ng kamatayan ay ang kasalanan; at ang kapangyarihan ng kasalanan ay ang kautusan:
57 Datapuwa't salamat sa Dios, na nagbibigay sa atin ng pagtatagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo.
58 Kaya nga, mga kapatid kong minamahal, kayo'y magsitatag, huwag makilos, na laging sumasagana sa gawa ng Panginoon, yamang nalalaman ninyo na hindi walang kabuluhan ang inyong gawa sa Panginoon.
1 Cô-rinh-tô 15
New Vietnamese Bible
Sự Phục Sinh
15 Thưa anh chị em, nay tôi muốn nhắc nhở anh chị em Phúc Âm mà tôi đã truyền giảng, và anh chị em đã nhận cũng như đứng vững trong Phúc Âm ấy. 2 Nhờ Phúc Âm ấy anh chị em được cứu rỗi nếu anh chị em giữ vững đạo mà tôi đã truyền cho, nếu không anh chị em dù đã tin cũng vô ích.
3 Vì trước hết, tôi truyền lại cho anh chị em điều chính tôi đã nhận lãnh, ấy là Chúa Cứu Thế đã chết vì tội lỗi chúng ta như lời Kinh Thánh. 4 Ngài được chôn và đến ngày thứ ba Ngài sống lại đúng như lời Kinh Thánh. 5 Ngài đã hiện ra cho Phê-rơ, rồi cũng hiện ra cho nhóm mười hai sứ đồ. 6 Sau đó Ngài hiện ra cùng một lúc cho hơn năm trăm anh chị em mà phần lớn vẫn còn sống cho đến ngày nay, nhưng vài người đã chết. 7 Ngài cũng hiện ra cho Gia-cơ và tất cả các sứ đồ. 8 Sau cùng, Ngài cũng hiện ra với tôi, như một hài nhi sanh non.
9 Vì tôi vốn thấp kém nhất trong vòng các sứ đồ; không xứng đáng được gọi là sứ đồ vì tôi đã bắt bớ Hội Thánh của Đức Chúa Trời. 10 Nhưng nhờ ân sủng Đức Chúa Trời tôi được như ngày nay và ơn Ngài ban cho tôi không phải vô ích đâu, trái lại tôi đã làm việc khó nhọc hơn tất cả những người khác. Thật ra không phải chính tôi mà là ân sủng Đức Chúa Trời đã hành động trong tôi. 11 Thế thì, dù tôi hay các sứ đồ, đây là điều chúng tôi đã giảng dạy và điều anh chị em đã tin.
Sự Phục Sinh Của Kẻ Chết
12 Và nếu anh chị em được truyền giảng rằng Đức Chúa Trời đã khiến Chúa Cứu Thế sống lại từ kẻ chết thì sao trong anh chị em có người nói rằng những người chết không sống lại? 13 Nếu những người chết không sống lại thì Chúa Cứu Thế cũng đã không sống lại được. 14 Nếu Chúa Cứu Thế đã không sống lại, thì sứ điệp Phúc Âm mà chúng tôi truyền giảng thành vô ích và đức tin anh chị em cũng vô ích. 15 Hơn nữa, chúng tôi bị coi như những nhân chứng gian dối về Đức Chúa Trời vì chúng tôi đã làm chứng về Đức Chúa Trời rằng: Đức Chúa Trời đã khiến Chúa Cứu Thế sống lại. Nhưng Ngài đã không khiến Chúa Cứu Thế sống lại nếu thật ra người chết không sống lại. 16 Vì nếu người chết không được sống lại thì Chúa Cứu Thế không sống lại được. 17 Nếu Chúa Cứu Thế không sống lại thì đức tin anh chị em là vô ích, anh chị em vẫn còn ở trong tội lỗi mình. 18 Và như thế những tín hữu đã qua đời trong Chúa Cứu Thế đều bị hư mất. 19 Nếu hy vọng của chúng ta trong Chúa Cứu Thế chỉ về đời này mà thôi thì chúng ta là những kẻ đáng thương hại hơn hết trong tất cả mọi người.
20 Nhưng giờ đây Chúa Cứu Thế đã sống lại từ kẻ chết, là trái đầu mùa của những người đã chết. 21 Vì bởi tại một người mà có sự chết thì cũng bởi một người mà có sự sống lại từ kẻ chết. 22 Vì như trong A-đam tất cả đều phải chết thì trong Chúa Cứu Thế tất cả đều sẽ được sống lại. 23 Nhưng mỗi người theo thứ tự riêng; Chúa Cứu Thế là trái đầu mùa, rồi đến những người thuộc về Chúa Cứu Thế khi Ngài quang lâm. 24 Kế đến là tận thế, sau khi tiêu diệt tất cả các giới cai trị, mọi uy quyền và thế lực, Ngài sẽ giao Nước Đức Chúa Trời cho Đức Chúa Trời là Đức Chúa Cha. 25 Vì Ngài phải cai trị cho đến khi đặt mọi kẻ thù dưới chân mình, 26 kẻ thù cuối cùng sẽ bị hủy diệt là sự chết. 27 Vì Kinh Thánh chép: “Đức Chúa Trời đã đặt mọi sự dưới chân Ngài.” Khi nói rằng mọi sự quy phục thì rõ ràng là phải trừ ra Đấng đã bắt mọi sự quy phục Ngài. 28 Khi mọi sự đã quy phục Ngài, bấy giờ chính Đức Con cũng sẽ quy phục Đấng đã bắt mọi sự quy phục mình để Đức Chúa Trời là mọi sự cho mọi người.
29 Mặt khác, những người chịu phép báp-tem vì người chết thì sao? Nếu quả thật người chết không sống lại thì tại sao người ta chịu phép báp-tem vì họ? 30 Còn chính chúng tôi đây, tại sao cũng chịu nguy hiểm từng giây phút? 31 Thưa anh chị em, tôi chết từng ngày một. Thật vậy, điều này cũng chắc chắn như điều tôi vẫn hãnh diện về anh chị em trong Chúa Cứu Thế Giê-su, Chúa chúng ta. 32 Nếu nói theo người phàm, tôi chiến đấu với thú dữ tại Ê-phê-sô có ích lợi gì? Nếu người chết không sống lại, thì:
“Chúng ta hãy ăn, uống,
Vì ngày mai chúng ta sẽ chết.”
33 Chớ để bị lừa dối.
“Bạn bè xấu làm hư tính nết tốt.”
34 Hãy bình tâm sáng trí trở lại và đừng phạm tội nữa. Vì cớ một số người không hiểu biết Đức Chúa Trời, tôi nói thế để anh chị em hổ thẹn.
Thân Thể Phục Sinh
35 Có người hỏi: Người chết sống lại bằng cách nào? Họ lấy xác nào mà trở lại? 36 Này người khờ dại. Khi anh chị em gieo hạt, hạt ấy không thể sống nếu không chết đi trước đã. 37 Vật anh gieo xuống, chỉ là hạt lúa mì hay một loại hạt nào khác chứ không phải cả cái cây từ hạt giống mọc lên. 38 Nhưng Đức Chúa Trời ban cho hạt ấy một loại thân như ý Ngài muốn. Mỗi hạt giống có một loại thân riêng. 39 Không phải mọi cơ thể đều giống nhau nhưng cơ thể loài người khác, cơ thể loài súc vật khác, cơ thể loài chim khác, cơ thể loài cá khác. 40 Và có những vật thể thiên thượng cũng như vật thể địa giới, nhưng vinh quang của vật thể thiên thượng khác với vinh quang của vật thể địa giới. 41 Vinh quang của mặt trời khác, vinh quang của mặt trăng khác, vinh quang của tinh tú khác; vinh quang của ngôi sao này với vinh quang của ngôi sao kia cũng khác nhau.
42 Sự sống lại của những kẻ chết cũng như thế. Vật gì khi gieo ra thì hư nát, lúc sống lại không hư nát. 43 Vật gì khi gieo ra thì chịu ô nhục, nhưng sống lại trong vinh quang. Vật gì gieo ra trong yếu đuối, nhưng sống lại trong quyền năng. 44 Khi gieo ra là thân thể phàm tục, lúc sống lại là thân thể thiêng liêng. Nếu có một thân thể phàm tục thì cũng có một thân thể thiêng liêng. 45 Vì Kinh Thánh chép: “Người đầu tiên, A-đam, trở nên một linh hồn sống, còn A-đam cuối cùng trở nên một thần linh ban sự sống.” 46 Nhưng không phải thân thể thiêng liêng có trước mà là thân thể phàm tục, rồi đến thân thể thiêng liêng. 47 Người đầu tiên đến từ đất, là bụi đất. Người thứ hai đến từ trời. 48 Người ra từ đất thể nào, thì những người thuộc về đất cũng thể ấy, còn người đến từ trời thể nào thì những người thuộc về trời cũng thể ấy. 49 Cũng thế, như chúng ta đã mang hình ảnh của người thuộc về bụi đất, chúng ta cũng sẽ mang hình ảnh của người thuộc về trời.
50 Thưa anh chị em, tôi muốn nói thế này: Thể xác và máu không thể thừa hưởng Nước Đức Chúa Trời được. Sự hư nát cũng không thể thừa hưởng sự không hư nát.
51 Này, tôi cho anh chị em biết một sự huyền nhiệm: Không phải tất cả chúng ta đều sẽ ngủ, nhưng tất cả đều sẽ được biến hóa. 52 Trong tích tắc, trong nháy mắt, khi tiếng kèn chót thổi. Vì kèn sẽ thổi lên, những người chết sẽ sống lại không hư nát và chúng ta sẽ được biến hóa. 53 Vì sự hư nát này phải mặc lấy sự không hư nát và sự hay chết sẽ mặc lấy sự bất tử. 54 Vì khi thân hư nát này đã mặc lấy sự không hư nát và thân hay chết này trở nên bất tử, lúc ấy Kinh Thánh sẽ được ứng nghiệm: “Sự chết đã bị tiêu diệt[a] trong chiến thắng!”
55 Hỡi sự chết, chiến thắng của mày ở đâu?
Hỡi sự chết, nọc độc của mày ở đâu?
56 Nọc của sự chết là tội lỗi, sức mạnh của tội lỗi là Kinh Luật. 57 Nhưng tạ ơn Đức Chúa Trời đã ban cho chúng ta chiến thắng nhờ Chúa Cứu Thế Giê-su, Chúa chúng ta.
58 Thế thì, anh chị em yêu dấu của tôi, hãy vững lòng, chớ lay chuyển, hãy luôn luôn hết sức phụng sự Chúa, hãy nhớ rằng công lao của anh chị em vì Chúa không phải là vô ích đâu.
Footnotes
- 15:54 Nt: nuốt
New Vietnamese Bible. Used by permission of VBI (www.nvbible.org)