Add parallel Print Page Options

15 Ngayo'y ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, (A)ang evangelio (B)na sa inyo'y aking ipinangaral, na inyo namang tinanggap, (C)na siya naman ninyong pinananatilihan,

Sa pamamagitan naman nito'y ligtas kayo (D)kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang ipinangaral ko sa inyo, (E)maliban na kung kayo'y nagsipanampalataya nang walang kabuluhan.

Sapagka't ibinigay ko (F)sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap: na si Cristo ay namatay (G)dahil sa ating mga kasalanan, (H)ayon sa mga kasulatan,

At siya'y inilibing; at siya'y muling binuhay nang ikatlong araw (I)ayon sa mga kasulatan;

At siya'y (J)napakita kay (K)Cefas, (L)at saka sa labingdalawa;

Pagkatapos ay napakita sa mahigit na limang daang kapatid na paminsan, na ang karamihan sa mga ito'y nangabubuhay hangga ngayon, datapuwa't ang mga iba'y (M)nangatulog na;

Saka napakita kay Santiago; at saka (N)sa lahat ng mga apostol;

At sa kahulihulihan, tulad sa isang ipinanganak sa di kapanahunan, ay napakita naman siya (O)sa akin.

(P)Ako nga ang pinakamaliit sa mga apostol, at hindi ako karapatdapat na tawaging apostol, sapagka't (Q)pinagusig ko ang iglesia ng Dios.

10 Datapuwa't sa pamamagitan ng biyaya ng (R)Dios, ako nga'y ako; at ang kaniyang biyaya na ibinigay sa akin ay hindi nawawalan ng kabuluhan; bagkus (S)ako'y malabis na nagpagal kay sa kanilang lahat: (T)bagaman hindi ako, kundi ang biyaya ng Dios na sumasa akin.

11 Maging ako nga o sila, ay gayon ang aming ipinangangaral, at gayon ang inyong sinampalatayanan.

12 Kung si Cristo nga'y ipinangangaral na siya'y muling binuhay sa mga patay, (U)bakit ang ilan sa inyo ay nagsisipagsabi na walang pagkabuhay na maguli ng mga patay?

13 Datapuwa't kung walang pagkabuhay na maguli ng mga patay, ay hindi rin nga muling binuhay si Cristo:

14 At kung si Cristo'y hindi muling binuhay, ay walang kabuluhan nga ang aming pangangaral, wala rin namang kabuluhan ang inyong pananampalataya.

15 Oo, at kami ay nasusumpungang mga saksing bulaan tungkol sa Dios; sapagka't (V)aming sinasaksihan tungkol sa Dios, na kaniyang muling binuhay si Cristo; na hindi siyang muling nabuhay, kung tunay nga ang mga patay ay hindi muling binubuhay.

16 Sapagka't kung hindi muling binubuhay ang mga patay, ay hindi rin nga muling binuhay si Cristo:

17 At kung si Cristo ay hindi muling binuhay, ang inyong pananampalataya ay walang kabuluhan kayo'y (W)nasa inyong mga kasalanan pa.

18 Kung gayon nga, ang mga (X)nangatutulog din naman kay Cristo ay pawang nangapahamak.

19 Kung sa buhay lamang na ito tayo nagsisiasa kay Cristo, ay tayo sa lahat ng mga tao ang lalong kahabaghabag.

20 Datapuwa't si (Y)Cristo nga'y muling binuhay sa mga patay na siya ay naging (Z)pangunahing bunga ng nangatutulog.

21 Sapagka't (AA)yamang sa pamamagitan ng tao'y dumating ang kamatayan, sa pamamagitan din naman ng tao'y dumating ang pagkabuhay na maguli sa mga patay.

22 Sapagka't kung paanong kay Adam ang lahat ay nangamamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.

23 Datapuwa't ang bawa't isa'y sa kaniyang sariling katayuan; si Cristo ang pangunahing bunga; (AB)pagkatapos ay ang mga kay Cristo, sa kaniyang pagparito.

24 Kung magkagayo'y darating ang wakas, pagka ibibigay na niya (AC)ang kaharian sa Dios, sa makatuwid baga'y sa Ama; pagka lilipulin na niya ang lahat ng paghahari, at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan.

25 Sapagka't kinakailangang siya'y maghari hanggang mailagay niya sa ilalim ng kaniyang mga talampakan (AD)ang lahat niyang mga kaaway.

26 Ang kahulihulihang kaaway na lilipulin ay (AE)ang kamatayan.

27 Sapagka't kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang paa. Datapuwa't kung sinasabi, (AF)ang lahat ng mga bagay ay pinasuko, ay maliwanag na itinangi yaong nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya.

28 At kung ang lahat ng mga bagay ay (AG)mapasuko na sa kaniya, kung magkagayo'y ang Anak (AH)rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat.

29 Sa ibang paraan, anong gagawin ng mga binabautismuhan dahil sa mga patay? Kung ang mga patay ay tunay na hindi muling binubuhay, bakit nga sila'y binabautismuhan dahil sa kanila?

30 Bakit baga naman tayo'y nanganganib bawa't oras?

31 (AI)Ipinahahayag ko alangalang sa ikaluluwalhati ninyo, mga kapatid, na taglay ko kay Cristo Jesus na Panginoon natin na (AJ)araw-araw ay nasa panganib ng kamatayan ako.

32 Kung ako'y (AK)nakipagbaka sa (AL)Efeso laban sa mga ganid, (AM)ayon sa kaugalian ng tao, ano ang pakikinabangin ko? Kung ang mga patay ay hindi muling binubuhay, (AN)magsikain at magsiinom tayo yamang bukas tayo'y mangamamatay.

33 Huwag kayong padaya: (AO)Ang masasamang kasama ay sumisira ng magagandang ugali.

34 Gumising kayo ng ayon sa katuwiran, (AP)at huwag mangagkasala; (AQ)sapagka't may mga ibang walang pagkakilala sa Dios: sinasabi ko ito upang kayo'y kilusin (AR)sa kahihiyan.

35 Datapuwa't sasabihin ng iba, Paanong muling bubuhayin ang mga patay? at anong anyo ng katawan ang iparirito nila?

36 Ikaw na mangmang, (AS)ang inyong inihahasik ay hindi binubuhay maliban na kung mamatay:

37 At ang iyong inihahasik ay hindi mo inihahasik ang katawang lilitaw, kundi ang butil lamang, na marahil ay trigo, o ibang bagay;

38 Datapuwa't ang Dios ay nagbibigay ng katawan dito ayon sa kaniyang minagaling, at sa bawa't binhi ay ang sariling katawan.

39 Hindi ang lahat ng laman ay magkasing-isang laman: kundi may laman sa mga tao, at ibang laman sa mga hayop, at ibang laman sa mga ibon, at ibang laman sa mga isda.

40 Mayroon namang mga katawang ukol sa langit, at mga katawang ukol sa lupa: datapuwa't iba ang kaluwalhatian ng ukol sa langit, at iba ang ukol sa lupa.

41 Iba ang kaluwalhatian ng araw, at iba ang kaluwalhatian ng buwan, at iba ang kaluwalhatian ng mga bituin; sapagka't ang isang bituin ay naiiba sa ibang bituin sa kaluwalhatian.

42 Gayon din naman ang pagkabuhay na maguli ng mga patay. Itinatanim na (AT)may kasiraan; binubuhay na maguli na (AU)walang kasiraan;

43 Itinatanim na (AV)may pagkasiphayo; binubuhay na maguli na may kaluwalhatian: itinatanim na may kahinaan; binubuhay na maguli na may kapangyarihan:

44 Itinatanim na may katawang ukol sa lupa; binubuhay na maguli na katawang ukol sa espiritu. Kung may (AW)katawang ukol sa lupa ay may katawang ukol sa espiritu naman.

45 Gayon din naman nasusulat, Ang unang taong si (AX)Adam ay naging kaluluwang buhay. (AY)Ang huling Adam ay naging (AZ)espiritung nagbibigay buhay.

46 Bagaman ang ukol sa espiritu ay hindi siyang una, kundi ang ukol sa lupa: pagkatapos ang ukol sa espiritu.

47 Ang unang tao (BA)ay taga lupa na ukol sa lupa: ang ikalawang tao ay taga langit.

48 Kung ano ang ukol sa lupa, ay gayon din naman silang mga taga lupa: (BB)at kung ano ang ukol sa langit ay gayon din naman silang taga langit.

49 At kung paanong tinaglay natin ang larawang ukol sa lupa, ay (BC)tataglayin din naman natin ang larawang ukol sa langit.

50 Sinasabi ko nga ito, mga kapatid, na (BD)ang laman at ang dugo ay (BE)hindi makapagmamana ng kaharian ng Dios; ni (BF)ang kasiraan ay magmamana ng walang kasiraan.

51 Narito, sinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga: hindi (BG)tayong lahat ay mangatutulog, (BH)nguni't tayong lahat ay babaguhin,

52 Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, (BI)sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka't tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo'y babaguhin.

53 Sapagka't kinakailangan na itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan, at (BJ)itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan.

54 Datapuwa't pagka itong may kasiraan ay mabihisan ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay mabihisan ng walang kamatayan, kung magkakagayon ay mangyayari ang wikang nasusulat, (BK)Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan.

55 Saan naroon, (BL)Oh kamatayan, ang iyong pagtatagumpay? Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong tibo?

56 Ang tibo ng kamatayan ay ang kasalanan; at (BM)ang kapangyarihan ng kasalanan ay ang kautusan:

57 Datapuwa't salamat sa Dios, (BN)na nagbibigay sa atin ng pagtatagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo.

58 Kaya nga, mga kapatid kong minamahal, kayo'y magsitatag, huwag makilos, na laging sumasagana sa (BO)gawa ng Panginoon, yamang nalalaman ninyo (BP)na hindi walang kabuluhan ang inyong gawa sa Panginoon.

Las buenas noticias sobre Cristo

15 Hermanos, ahora quiero que recuerden la buena noticia de salvación que les anuncié. Han aceptado ese mensaje y están firmes en él. Es el mensaje que los salva si siguen creyendo en lo que les anuncié. Si no, habrán creído en vano.

Les he comunicado el mensaje que recibí, del cual les he dicho lo más importante: que Cristo murió por nuestros pecados, tal como dicen las Escrituras. Que fue enterrado y al tercer día resucitó, como dicen las Escrituras. Y que se apareció a Pedro, y luego a los doce. Después se apareció a más de 500 hermanos al mismo tiempo. Muchos de ellos todavía están vivos, otros ya han muerto. Luego, Cristo se apareció a Santiago y de nuevo a los apóstoles. Por último, se me apareció a mí. Conmigo fue diferente, como a un bebé nacido a destiempo. Porque soy el menos importante de los apóstoles, y ni siquiera merezco ser llamado apóstol porque perseguí a la iglesia de Dios. 10 Pero lo soy porque Dios fue bondadoso conmigo, y esa bondad no ha sido desperdiciada. He trabajado más duro que el resto de los apóstoles. Aunque en realidad no he sido yo el que ha trabajado, sino la bondad de Dios que está conmigo. 11 Entonces, no importa si el que anuncia soy yo o los otros apóstoles. Todos anunciamos ese mismo mensaje que ustedes han creído.

Seremos resucitados

12 Ya que todos nosotros les anunciamos que Cristo fue resucitado de la muerte, ¿cómo es posible, entonces, que algunos de ustedes digan que no hay resurrección? 13 Si no hay resurrección, entonces Cristo tampoco ha sido resucitado. 14 Si Cristo no ha sido resucitado, entonces nuestro mensaje no tiene caso ni su fe tampoco. 15 Si los muertos no resucitan, entonces somos culpables de mentir acerca de Dios, porque les dijimos a todos que él resucitó a Cristo, sin ser cierto. 16 Si los muertos no resucitan, entonces Cristo tampoco ha resucitado. 17 Si Cristo no ha resucitado, su fe no vale nada y todavía son culpables de su pecado. 18 Los que murieron creyendo en Cristo también están perdidos. 19 Si nuestra esperanza en Cristo es sólo para esta vida, entonces somos los seres humanos más dignos de lástima.

20 Pero en realidad Cristo ha resucitado y fue el primero de todos los que serán resucitados de la muerte. 21 Así como la muerte llegó a la humanidad por medio de un hombre, también por medio de un hombre llega la resurrección. 22 Así como Adán trajo la muerte a todos, Cristo nos traerá vida a todos nosotros. 23 Pero todos deben ser resucitados en cierto orden. Primero fue Cristo y luego, cuando Cristo regrese, serán resucitados también los que pertenecen a él. 24 Después vendrá el fin, cuando Cristo acabará con todos los gobernantes, las autoridades y los poderes y entregará el reino a Dios Padre. 25 Pues Cristo debe reinar hasta que todos los enemigos estén bajo su poder.[a] 26 El último enemigo en ser destruido será la muerte, 27 (A)porque dice la Escritura: «Dios puso todo bajo su poder».[b] Cuando dice que todo está bajo el poder de Cristo, es claro que esto no incluye a Dios, porque Dios fue quien puso todo bajo su poder. 28 Cuando todo esté dominado por él, entonces el Hijo mismo se pondrá bajo el poder de Dios, quien puso todo bajo el poder de Cristo, para que Dios tenga el control absoluto de todo.

29 De otra manera, ¿qué harían los que se bautizan por los muertos? Si los muertos no serán resucitados, ¿para qué se bautizan por ellos? 30 ¿Y por qué nos arriesgamos a todas horas? 31 Hermanos, yo muero todos los días. Esto es tan cierto como el orgullo que siento porque ustedes son creyentes en nuestro Señor Jesucristo. 32 (B)Cuando luché contra las fieras en Éfeso, ¿qué hubiera ganado yo si lo hubiera hecho sólo por razones humanas? Si los muertos no resucitan, entonces «comamos y bebamos, que mañana moriremos».[c]

33 Pero no se dejen engañar: «Las malas compañías dañan las buenas costumbres». 34 ¡Reaccionen! Entren en razón y salgan del pecado, pues yo sé que algunos de ustedes no conocen a Dios y digo esto para que les dé vergüenza.

El cuerpo y la resurrección

35 Tal vez alguien preguntará: ¿Cómo van a ser resucitados los muertos? ¿Qué clase de cuerpo van a tener? 36 ¡Qué pregunta tan tonta! La semilla no germina a menos que muera, ¿verdad? 37 Y lo que siembras es una simple semilla que todavía no tiene la forma que ha de tener después, es decir que no tiene el mismo cuerpo, así se trate de trigo u otro grano. 38 Dios le da a cada semilla la forma que él decide. Cada semilla recibe el cuerpo que le corresponde. 39 No todos los cuerpos son iguales. Los hombres tienen un cuerpo y los animales tienen otro. Las aves tienen un cuerpo y los peces otro. 40 Hay también cuerpos celestes y cuerpos terrestres. Pero los cuerpos celestes tienen un tipo de belleza, mientras que los cuerpos terrestres tienen otro. 41 El sol tiene un tipo de belleza, y la luna otro. Las estrellas tienen otro tipo de belleza, y cada una tiene una belleza diferente.

42 Así será la resurrección de los muertos. El cuerpo que se pone en la tierra se pudre. Pero el cuerpo que es resucitado nunca se pudre. 43 El cuerpo que se entierra no tiene honor, pero el que resucita es glorioso. El cuerpo que se entierra es débil, pero el que resucita es fuerte. 44 Lo que se entierra es el cuerpo físico, pero lo que resucita es el cuerpo espiritual. Pues así como hay cuerpos físicos, también hay cuerpos espirituales. 45 (C)Así está escrito: «El primer hombre, Adán, se convirtió en ser vivo».[d] El último Adán[e] se convirtió en Espíritu que da vida. 46 Entonces, el hombre espiritual no apareció primero, sino el hombre físico, y luego el espiritual. 47 El primer hombre viene del polvo de la tierra. En cambio, el segundo hombre viene del cielo. 48 Los que pertenecen a la tierra son como el hombre que viene del polvo de la tierra, pero los que pertenecen al cielo son como el que viene del cielo. 49 Ahora somos como el hombre que viene del polvo de la tierra, pero luego seremos como el hombre que viene del cielo.

50 Les digo esto, hermanos: nuestro cuerpo de carne y hueso no puede tener parte en el reino de Dios. Pues lo que se pudre no puede ser parte de lo que nunca se pudre. 51 Pero escuchen este secreto: No todos moriremos, pero todos seremos transformados. 52 En un abrir y cerrar de ojos seremos transformados. Esto sucederá al toque final de la trompeta, pues la trompeta va a sonar, y los muertos serán resucitados con un cuerpo que nunca se pudre y todos seremos transformados. 53 Nuestro cuerpo que se va a podrir, se vestirá con lo que nunca se pudre; y este cuerpo que va a morir, se vestirá con lo que nunca muere. 54 (D)Cuando lo que se pudre se vista con lo que nunca se pudre, y cuando lo que muere se vista con lo que nunca muere, entonces lo que dice la Escritura se hará realidad:

«La muerte ha sido devorada por la victoria.[f]
55 (E)Muerte, ¿dónde está tu victoria?
    Muerte, ¿dónde está tu aguijón?»[g]

56 El aguijón de la muerte es el pecado. El poder del pecado es la ley. 57 Pero demos gracias a Dios que nos ha dado la victoria a través de nuestro Señor Jesucristo.

58 Por lo tanto, hermanos, permanezcan firmes y no dejen que nada los haga cambiar. Dedíquense totalmente a trabajar para el Señor, bien saben que su trabajo no es en vano.

Footnotes

  1. 15:25 bajo su poder Textualmente debajo de sus pies.
  2. 15:27 Cita de Sal 8:6.
  3. 15:32 Cita de Is 22:13; 56:12.
  4. 15:45 Cita de Gn 2:7.
  5. 15:45 Adán El nombre Adán significa «hombre». La mención aquí al «último Adán» se refiere a Cristo, «el hombre del cielo».
  6. 15:54 Cita de Is 25:8.
  7. 15:55 Cita de Os 13:14.