1 Corinto 11
Ang Dating Biblia (1905)
11 Maging taga tulad kayo sa akin, na gaya ko naman kay Cristo.
2 Kayo'y aking pinupuri nga, na sa lahat ng mga bagay ay naaalaala ninyo ako, at iniingatan ninyong matibay ang mga turo, na gaya ng ibinigay ko sa inyo.
3 Datapuwa't ibig ko na inyong maalaman, na ang pangulo ng bawa't lalake ay si Cristo, at ang pangulo ng babae ay ang lalake, at ang pangulo ni Cristo ay ang Dios.
4 Ang bawa't lalaking nanalangin, o nanghuhula na may takip ang ulo, ay niwawalan ng puri ang kaniyang ulo.
5 Datapuwa't ang bawa't babaing nananalangin o nanghuhula na walang lambong ang kaniyang ulo, niwawalan ng puri ang kaniyang ulo; sapagka't gaya rin ng kung kaniyang inahitan.
6 Sapagka't kung ang babae ay walang lambong, ay pagupit naman; nguni't kung kahiyahiya sa babae ang pagupit o paahit, ay maglambong siya.
7 Sapagka't katotohanang ang lalake ay hindi dapat maglambong sa kaniyang ulo, palibhasa'y larawan siya at kaluwalhatian ng Dios: nguni't ang babae ay siyang kaluwalhatian ng lalake.
8 Sapagka't ang lalake ay hindi sa babae; kundi ang babae ay sa lalake:
9 Sapagka't hindi nilalang ang lalake dahil sa babae; kundi ang babae dahil sa lalake;
10 Dahil dito'y nararapat na ang babae ay magkaroon sa kaniyang ulo ng tanda ng kapamahalaan, dahil sa mga anghel.
11 Gayon man, ang babae ay di maaaring walang lalake at ang lalake ay di maaaring walang babae, sa Panginoon.
12 Sapagka't kung paanong ang babae ay sa lalake, gayon din naman ang lalake ay sa pamamagitan ng babae; datapuwa't ang lahat ng mga bagay ay sa Dios.
13 Hatulan ninyo sa inyo-inyong sarili: nararapat baga na manalangin ang babae sa Dios nang walang lambong?
14 Hindi baga ang katalagahan din ang nagtuturo sa inyo, na kung may mahabang buhok ang lalake, ay mahalay sa kaniya?
15 Datapuwa't kung ang babae ang may mahabang buhok, ay isang kapurihan niya; sapagka't ang buhok sa kaniya'y ibinigay na pangtakip.
16 Datapuwa't kung tila mapagtunggali ang sinoman, walang gayong ugali kami, ni ang iglesia man ng Dios.
17 Datapuwa't sa pagtatagubilin sa inyo nito, ay hindi ko kayo pinupuri, sapagka't kayo'y nangagkakatipon hindi sa lalong mabuti kundi sa lalong masama.
18 Sapagka't unauna'y nababalitaan ko na kung nangagkakatipon kayo sa iglesia, ay mayroon sa inyong mga pagkakabahabahagi; at may kaunting paniniwala ako.
19 Sapagka't tunay na sa inyo'y mayroong mga hidwang pananampalataya, upang yaong mga napatunayan na ay mangahayag sa inyo.
20 Kung kayo nga ay nangagkakatipon, ay hindi kayo maaaring magsikain ng hapunan ng Panginoon;
21 Sapagka't sa inyong pagkain, ang bawa't isa'y kumukuha ng kanikaniyang sariling hapunan na nagpapauna sa iba; at ang isa ay gutom, at ang iba'y lasing.
22 Ano, wala baga kayong mga bahay na inyong makakanan at maiinuman? o niwawalang halaga ninyo ang iglesia ng Dios, at hinihiya ninyo ang mga wala ng anoman? Ano ang aking sasabihin sa inyo? Kayo baga'y aking pupurihin? Sa bagay na ito ay hindi ko kayo pinupuri.
23 Sapagka't tinanggap ko sa Panginoon ang ibinibigay ko naman sa inyo; na ang Panginoong Jesus nang gabing siya'y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay;
24 At nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito'y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin.
25 At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y siyang bagong tipan sa aking dugo: gawin ninyo ito sa tuwing kayo'y magsisiinom, sa pagaalaala sa akin.
26 Sapagka't sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito, at inuman ninyo ang saro, ay inihahayag ninyo ang pagkamatay ng Panginoon hanggang sa dumating siya.
27 Kaya't ang sinomang kumain ng tinapay, o uminom sa saro ng Panginoon, na di nararapat, ay magkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon.
28 Datapuwa't siyasatin ng tao ang kaniyang sarili, at saka kumain ng tinapay, at uminom sa saro.
29 Sapagka't ang kumakain at umiinom, ay kumakain at umiinom ng hatol sa kaniyang sarili, kung hindi niya kinikilala ang katawan ng Panginoon.
30 Dahil dito'y marami sa inyo ang mahihina at mga masasaktin, at hindi kakaunti ang nangatutulog.
31 Datapuwa't kung ating kilalanin ang ating sarili, ay hindi tayo hahatulan.
32 Datapuwa't kung tayo'y hinahatulan, ay pinarurusahan tayo ng Panginoon, upang huwag tayong mahatulang kasama ng sanglibutan.
33 Dahil dito, mga kapatid ko, kung kayo'y mangagsasalosalo sa pagkain, ay mangaghintayan kayo.
34 Kung ang sinoman ay magutom, kumain siya sa bahay; upang ang inyong pagsasalosalo ay huwag maging sa paghatol. At ang iba ay aking aayusin pagpariyan ko.
哥林多前书 11
Chinese Contemporary Bible (Simplified)
11 你们要效法我,正如我效法基督一样。
敬拜的礼仪
2 我赞赏你们,因为你们凡事都想到我,并坚守我传给你们的各种教导。
3 我希望你们知道,基督是男人的头,丈夫是妻子的头,上帝是基督的头。 4 男人在祷告和讲道时,若蒙着头,就是羞辱自己的头。 5 但妇女在祷告和讲道时,若不蒙着头,就是羞辱自己的头,因为她就像剃光了头发一样。 6 因此,如果妇女不愿意把头蒙起来,就该把头发剪掉。如果她觉得剪发或剃头是羞耻的,就应该蒙头。 7 然而,男人不该蒙头,因为男人是上帝的形象和荣耀,而女人是男人的荣耀。 8 因为男人并非出自女人,而女人却是出自男人。 9 并且男人不是为女人而造的,女人却是为男人而造的。
10 因此为了天使的缘故,女人在头上应该有服权柄的记号。 11 不过在主里面,女人不可没有男人,男人不可没有女人。 12 因为女人是从男人而来,男人又是女人生的,但万物都是来自上帝。
13 你们自行斟酌吧,女人向上帝祷告时不蒙头合适吗? 14 按着人的天性,难道你们不知道男人留长发是他的羞辱, 15 女人留长发是她的荣耀吗?因为头发是用来给女人盖头的。 16 如果有谁想反驳这些话,我只能说,这是我们和上帝的众教会向来遵守的规矩。
守圣餐的规矩
17 现在我有话要吩咐你们,不是称赞你们,因为你们聚会不但无益,反而有害。 18 首先,我听说你们在聚会的时候拉帮结派,我相信这些话有几分真实。 19 你们中间必然会有分裂的事,好显出谁是经得起考验的。
20 你们聚会的时候,不是在吃主的晚餐。 21 因为你们进餐的时候,各人只顾吃自己的,结果有些人挨饿,有些人醉酒。 22 难道你们不可以在家里吃喝吗?还是你们轻看上帝的教会,存心羞辱那些贫穷的弟兄姊妹呢?我该说什么呢?称赞你们吗?不可能!
23 我把从主领受的传给了你们,就是:主耶稣被出卖的那天晚上,祂拿起一个饼来, 24 向上帝祝谢后掰开,说,“这是我的身体,是为你们掰开的,你们要这样做,为的是纪念我。” 25 晚餐后,祂又照样拿起杯来,说,“这杯是用我的血立的新约。你们每逢喝的时候,要这样做,为的是纪念我。” 26 所以,每当你们吃这饼、喝这杯的时候,就是宣告主的死,一直到主再来。
27 因此,无论是谁,若以不正确的心态吃主的饼、喝主的杯,就是得罪主的身体和主的血。 28 所以,人要先自我省察,才可以吃这饼喝这杯。 29 因为守圣餐的时候,若有人随便吃喝,忘记了这是主的身体,他就是自招审判。 30 正因如此,你们当中有许多人身体软弱,疾病缠身,死亡的也不少。 31 如果我们先自我省察,就不会遭受审判了。 32 主审判我们,是对我们的管教,免得我们和世人一同被定罪。
33 因此,我的弟兄姊妹,当你们吃圣餐时,要彼此等候。 34 如果有人饥饿,可以在家中先吃,免得你们聚会的时候自招审判。至于其余的事,等我到了以后再安排。
Chinese Contemporary Bible Copyright © 1979, 2005, 2007, 2011 by Biblica® Used by permission. All rights reserved worldwide.