1 Cronica 20
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Pinarusahan ang mga Ammonita(A)
20 Nang(B) sumapit ang tagsibol, panahon na karaniwang ang mga hari'y nakikipagdigma, lumabas ang hukbo ng Israel na pinamumunuan ni Joab at sinalakay ang lupain ng mga Ammonita. Umabot sila sa Rabba. Kinubkob nila ito, at pagkatapos ay sinunog nila. Subalit si David ay nagpaiwan sa Jerusalem. 2 Kinuha ni David sa ulo ng diyus-diyosang si Molec ang koronang ginto nito na tumitimbang ng tatlumpu't limang kilo. Tinanggal niya mula rito ang nakapalamuting mamahaling bato at inilagay niya sa kanyang sariling korona. Marami siyang kinuha mula sa nasamsam sa lunsod. 3 Binihag niya ang mga mamamayan. Binigyan niya ang mga ito ng mga lagari at iba't ibang matatalim at matutulis na kasangkapang bakal, at sila'y sapilitang pinagtrabaho. Ganoon din ang ginawa niya sa lahat ng mamamayan ng iba pang lunsod ng mga Ammonita. Pagkatapos, si David at ang buong bayan ay bumalik na sa Jerusalem.
Pakikipaglaban sa mga Higanteng Filisteo(C)
4 Pagkatapos nito ay nakipaglaban naman sila sa mga Filisteo sa Gezer. Sa labanang ito, napatay ni Sibecai na Husatita si Sipai, na nagmula sa lahi ng mga higante, at natalo ang mga Filisteo.
5 Sa(D) isa pang pakikidigma laban sa mga Filisteo, si Lahmi na kapatid ni Goliat na taga-Gat ay napatay ni Elhanan na anak ni Jair. Ang hawakan ng kanyang sibat ay sinlaki ng hawakan na ginagamit sa habihan ng tela.
6 Sa isa pang labanan na naganap naman sa Gat, may isa pang higante roon na may dalawampu't apat na daliri, tig-aanim sa paa't kamay. 7 Nang laitin nito ang Israel, pinatay ito ni Jonatan, ang pamangkin ni David sa kanyang kapatid na si Simea.
8 Ang mga higanteng ito'y buhat sa lahi ng mga higanteng taga-Gat, at napatay silang lahat ni David at ng mga tauhan niya.
1 Chronicles 20
English Standard Version
The Capture of Rabbah
20 (A)In the spring of the year, the time when kings go out to battle, Joab led out the army and ravaged the country of the Ammonites and came and besieged Rabbah. But David remained at Jerusalem. And (B)Joab struck down Rabbah and overthrew it. 2 (C)And David took the crown of their king from his head. He found that it weighed a talent[a] of gold, and in it was a precious stone. And it was placed on David's head. And he brought out the spoil of the city, a very great amount. 3 And he brought out the people who were in it and set them to labor[b] (D)with saws and iron picks and axes.[c] And thus David did to all the cities of the Ammonites. Then David and all the people returned to Jerusalem.
Philistine Giants Killed
4 (E)And after this there arose war with the Philistines at Gezer. Then Sibbecai the Hushathite struck down Sippai, who was one of the descendants of the giants, and the Philistines were subdued. 5 And there was again war with the Philistines, and Elhanan the son of (F)Jair struck down Lahmi (G)the brother of Goliath the Gittite, the shaft of whose spear was like a weaver's beam. 6 And there was again war at Gath, where there was a man of great stature, who had six fingers on each hand and six toes on each foot, twenty-four in number, and he also was descended from the giants. 7 And when he taunted Israel, Jonathan the son of (H)Shimea, David's brother, struck him down. 8 These were descended from the giants in Gath, and they fell by the hand of David and by the hand of his servants.
Footnotes
- 1 Chronicles 20:2 A talent was about 75 pounds or 34 kilograms
- 1 Chronicles 20:3 Compare 2 Samuel 12:31; Hebrew he sawed
- 1 Chronicles 20:3 Compare 2 Samuel 12:31; Hebrew saws
The ESV® Bible (The Holy Bible, English Standard Version®), © 2001 by Crossway, a publishing ministry of Good News Publishers. ESV Text Edition: 2025.
