Deuteronomio 7
Magandang Balita Biblia
Ang Bayang Hinirang ni Yahweh(A)
7 “Pagdating(B) ninyo sa lupaing ibibigay sa inyo ni Yahweh at kapag nasakop na ninyo ang pitong bansang nauna sa inyo roon—Heteo, Gergeseo, Amoreo, Cananeo, Perezeo, Hivita at Jebuseo—mga bansang mas malakas at mas makapangyarihan kaysa inyo, 2 at kapag sila'y ipinaubaya na ni Yahweh sa inyo, lipulin ninyo silang lahat. Huwag ninyo silang kaaawaan at huwag kayong gagawa ng kasunduan sa kanila. 3 Huwag kayong papayag na mapangasawa ng inyong mga anak ang kanilang mga anak 4 sapagkat tiyak na ilalayo nila ang inyong mga anak kay Yahweh, at pasasambahin sa kanilang mga diyus-diyosan. Kapag nagkaganoon, magagalit sa inyo si Yahweh at kayo'y kanyang lilipulin agad. 5 Kaya(C) nga, gibain ninyo ang kanilang mga altar, pagputul-putulin ang kanilang mga sinasambang haligi, durugin ang mga imahen ng kanilang diyosang si Ashera, at sunugin ang mga diyus-diyosan. 6 Kayo(D) ay bansang itinalaga kay Yahweh. Hinirang niya kayo sa lahat ng bansa upang maging kanyang sariling bayan.
7 “Pinili niya kayo at inibig hindi dahil mas marami kayo kaysa ibang mga bansa, sa katunayan, kayo pa nga ang pinakakaunti sa lahat. 8 Pinili niya kayo dahil sa pag-ibig niya sa inyo, at sa kanyang pangako sa inyong mga ninuno. Ito rin ang dahilan kaya niya kayo iniligtas sa kamay ng Faraon sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. 9 Kaya't(E) pakatatandaan ninyong si Yahweh na inyong Diyos ay Diyos, at siya ay Diyos na hindi marunong sumira sa pangako. Tapat siya sa lahat ng umiibig sa kanya at sumusunod sa kanyang mga tuntunin. Ipinadarama niya ang kanyang pagmamahal hanggang sa ikasanlibong salinlahi. 10 Subalit nililipol niya ang lahat ng namumuhi sa kanya; hindi makakaligtas sa kanyang parusa ang lahat ng hindi sumusunod sa kanya. 11 Kaya, sundin ninyo ang kautusan at mga tuntuning ito na ibinibigay ko sa inyo ngayon.
Ang Pagpapala ng Pagiging Masunurin(F)
12 “Kung(G) taos-puso ninyong susundin ang mga utos na ito, tutuparin naman ni Yahweh ang kanyang kasunduan, at patuloy niya kayong iibigin, tulad ng ipinangako niya sa inyong mga ninuno. 13 Iibigin, pagpapalain, at pararamihin niya kayo. Magkakaroon kayo ng maraming anak, at bibigyan ng masaganang ani, inumin at langis. Pararamihin niya ang inyong mga hayop. Tutuparin niya ito pagdating ninyo sa lupaing ipinangako niya sa inyong mga ninuno. 14 Pagpapalain niya kayo nang higit sa alinmang bansa. Walang magiging baog sa inyo, maging tao o maging alagang hayop man. 15 Ilalayo niya kayo sa mga karamdaman. Alinman sa mga sakit na ipinaranas sa mga Egipcio ay hindi niya padadapuin sa inyo kundi sa inyong mga kaaway. 16 Pupuksain ninyo ang lahat ng bansang ipapasakop ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo. Huwag ninyo silang kaaawaan. Huwag din ninyong sasambahin ang kanilang mga diyus-diyosan. Iyan ang patibong na naghihintay sa inyo roon.
17 “Huwag ninyong ikabahala kung paano ninyo matatalo ang mga mas makapangyarihang bansang ito. 18 Huwag kayong matatakot sa kanila. Alalahanin ninyo ang ginawa ni Yahweh sa Faraon at sa buong Egipto, 19 ang malalagim na salot na kanyang ipinadala, at ang mga kababalaghang ipinakita niya nang ilabas niya kayo roon. Ganoon din ang gagawin niya sa mga taong iyan na kinatatakutan ninyo. 20 Maliban diyan, si Yahweh na inyong Diyos ay magpapadala ng kaguluhan[a] sa kanila hanggang sa lubusang malipol pati iyong mga nakapagtago at ang mga pugante. 21 Hindi kayo dapat matakot sa kanila sapagkat kasama ninyo ang Diyos ninyong si Yahweh, ang dakila at makapangyarihang Diyos. 22 Unti-unti silang lilipulin ni Yahweh. Hindi sila uubusin agad at baka hindi ninyo makaya ang mababangis na hayop. 23 Ngunit tiyak na ipapasakop sila sa inyo ni Yahweh. Sila'y lilituhin niya sa matinding takot hanggang sa lubusang malipol. 24 Ipapabihag niya sa inyo ang kanilang mga hari. Ibabaon ninyo sila sa limot. Isa man sa kanila'y walang makakatalo sa inyo hanggang sa malipol ninyo sila. 25 Sunugin ninyo ang kanilang mga diyus-diyosan. Huwag ninyong pagnanasaan ang mga pilak o gintong ginamit sa mga iyon sapagkat ito ang magiging patibong sa inyo dahil iyon ay kasuklam-suklam kay Yahweh. 26 Huwag kayong mag-uuwi ng anumang bagay na kasuklam-suklam sapagkat iyon ang magiging dahilan ng inyong kapahamakan. Lahat ng tulad ng diyus-diyosan ay sinumpa, kaya, dapat ituring na kasuklam-suklam.
Footnotes
- Deuteronomio 7:20 kaguluhan: o kaya'y putakti .
申命记 7
Chinese Contemporary Bible (Simplified)
做上帝的子民
7 “你们的上帝耶和华带领你们进入将要占领的土地时,会为你们赶走赫人、革迦撒人、亚摩利人、迦南人、比利洗人、希未人和耶布斯人这七个比你们强大的民族。 2 当你们的上帝耶和华把他们交在你们手里、使你们打败他们后,你们必须彻底毁灭他们。不可与他们立约,不可怜悯他们。 3 不可与他们通婚,不可让你们的儿女与他们的儿女通婚, 4 因为他们会让你们的儿女离弃耶和华去拜其他神明,以致耶和华向你们发怒,迅速毁灭你们。 5 你们要拆毁他们的祭坛,打碎他们的神柱,砍下他们的亚舍拉神像,焚烧他们的偶像。 6 因为你们属于你们的上帝耶和华,是圣洁的民族,祂从天下万族中拣选了你们做祂的子民——祂宝贵的产业。
7 “耶和华喜爱你们、拣选你们,不是因为你们的人口比别的民族多——其实你们在万族中是最小的—— 8 而是因为祂爱你们,遵守祂向你们祖先所起的誓。因此,祂用大能的手把你们从受奴役的地方领出来,从埃及王法老手中救赎了你们。 9 所以你们要知道,你们的上帝耶和华是真神,是信实的真神,祂向爱祂、遵守祂诫命的人守约、施慈爱直到千代。 10 但祂必毫不迟延地报应、毁灭那些恨祂的人。 11 所以,你们要遵行我今天吩咐你们的诫命、律例和典章。
遵守诫命必蒙福
12 “如果你们听从并谨遵这一切,你们的上帝耶和华就会信守祂给你们祖先的誓约,以慈爱待你们。 13 祂会爱你们,赐福给你们,使你们在祂向你们祖先起誓要赐给你们的土地上子孙昌盛,牛羊成群,收获丰富的谷物、新酒和油。 14 天下万族之中,你们是最蒙福的,你们的男人、女人和牲畜没有不能生育的。 15 耶和华要使你们免患疾病,免遭你们在埃及所见的恶疾,祂要把那些恶疾降在一切憎恶你们的人身上。 16 你们必须灭绝你们的上帝耶和华交在你们手里的各族,不可怜悯他们,不可拜他们的神明,因为那样会使你们陷入网罗。
17 “也许你们心里会说,‘这些民族都比我们强大,我们怎能赶走他们呢?’ 18 不要怕他们,要牢记你们的上帝耶和华曾如何对付埃及和法老, 19 你们亲眼目睹祂如何降下大灾难、行神迹奇事、伸出臂膀和大能的手领你们离开埃及,祂也要这样对付你们所惧怕的各族。 20 你们的上帝耶和华还要派黄蜂去攻击他们,直到躲藏起来的残存者也全部灭亡。 21 不要惧怕他们,因为你们的上帝耶和华住在你们当中,祂是伟大而可畏的上帝。 22 你们的上帝耶和华将在你们前面渐渐地赶走那些民族,你们不可急速地灭尽他们,否则你们周围的野兽会大增,危害你们。 23 你们的上帝耶和华要将他们交给你们,使他们惊恐万状,直到被灭绝。 24 祂要将他们的王交在你们手中,无人能抵挡你们,你们要毁灭他们,使他们的名字从世上绝迹。 25 你们要烧毁他们的神像,不可贪图神像上的金银,不可将那些金银据为己有,免得你们因此陷入网罗;因为那是你们的上帝耶和华所憎恶的。 26 不可把可憎之物带到家里,否则你们会像它们一样被毁灭。你们要极其憎恶、厌弃它们,因为它们是当毁灭之物。
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Chinese Contemporary Bible Copyright © 1979, 2005, 2007, 2011 by Biblica® Used by permission. All rights reserved worldwide.