历代志下 3
Chinese Contemporary Bible (Simplified)
建造圣殿
3 所罗门在耶路撒冷的摩利亚山上动工兴建耶和华的殿,殿址在耶布斯人阿珥楠的麦场,就是大卫指定的地方。耶和华曾在那里向他父亲大卫显现。 2 所罗门在执政第四年二月二日动工建殿。 3 按照古时的尺度,他建造的上帝殿宇的地基长二十七米,宽九米。 4 殿前的门廊长九米,与殿的宽度一样,高九米[a],里面都贴上纯金。 5 大殿里镶上松木板,贴上纯金,又刻上棕树和链子。 6 所罗门用宝石和巴瓦音的纯金装饰殿。 7 殿的栋梁、墙壁、门槛和门扇也都贴上金子;墙上还刻上基路伯天使。
8 所罗门又动工建造至圣所,长九米,宽九米,与殿的宽度一样,里面共贴了二十一吨纯金。 9 所用的金钉重六百克。楼房也都贴上了金子。 10 他又在至圣所制造两个基路伯天使的翅膀,包上金子。 11-13 两个基路伯天使的翅膀共九米长,每个翅膀长二点二五米。两个基路伯天使面向大殿站立,他们展开的翅膀共九米长,各有一个翅膀触到殿墙,一个翅膀互相连接。 14 他用蓝色、紫色和朱红色的线以及细麻织成幔子,并在上面绣上基路伯天使。
15 所罗门在殿前造了两根柱子,每根高八米,上面的柱冠高二点二五米。 16 他也造了链子[b],装饰在柱冠上。他又造了一百个石榴,安在链子上。 17 这两根柱子一左一右立在殿的入口处,他给右边那根取名叫雅斤,给左边那根取名叫波阿斯。
2 Cronica 3
Magandang Balita Biblia
Ang Templo sa Jerusalem(A)
3 Ang(B) Templo ni Yahweh sa Jerusalem ay sinimulang itayo ni Solomon sa Bundok ng Moria, sa giikan ng Jebuseong si Ornan. Inihanda ni David ang pook na iyon matapos magpakita sa kanya si Yahweh. 2 Sinimulan niya ang pagtatayo noong ikalawang buwan ng ikaapat na taon ng kanyang paghahari.
3 Ito ang sukat ng Templo sa Jerusalem: dalawampu't pitong metro ang haba at siyam na metro ang luwang ayon sa matandang sukatan. 4 Ang haba ng portiko sa dakong harap ng Templo ay siyam na metro—kapantay ng luwang ng Templo at limampu't apat na metro naman ang taas. Binalutan niya ng lantay na ginto ang loob nito.
5 Ang bulwagan ay pinatakpan ni Solomon ng mga tablang sipres. Pagkatapos, pinabalutan niya ito ng purong ginto at pinalagyan ng disenyo ng mga punong palma at kadena. 6 Pinalamutian pa niya ito ng magagandang batong hiyas at gintong galing sa Parvaim. 7 Binalutan niya ng ginto ang mga biga at hamba ng mga pinto at ang mga dingding ng Templo. Pinaukitan pa niya ang mga dingding ng mga larawan ng kerubin.
8 Ang(C) haba naman ng Dakong Kabanal-banalan ay siyam na metro—kapantay ng luwang ng Templo—at siyam na metro ang luwang. Binalot din niya ito ng lantay na ginto na umabot sa 21,000 kilo, 9 at dalawampung onsa naman ang ginto na ginamit sa paggawa ng mga pako. Binalot din ng ginto ang mga dingding ng mga silid sa itaas.
10 Nagpagawa(D) siya ng dalawang rebultong kerubin na yari sa kahoy sa loob ng Dakong Kabanal-banalan. Binalot din ito ng ginto. 11 Siyam na metro ang kabuuang haba ng mga pakpak ng dalawang kerubin, dalawa't kalahating metro ang bawat isang pakpak. Ang dulo ng isang pakpak ng unang kerubin ay abot sa dingding at ang dulo naman ng kabilang pakpak ay abot sa dulo ng pakpak ng ikalawang kerubin. 12 Gayundin naman, ang dulo ng isang pakpak ng pangalawang kerubin na dalawa't kalahating metro ang haba ay abot sa kabilang dingding at ang dulo ng kabilang pakpak ay abot naman sa dulo ng pakpak ng unang kerubin. 13 Kaya't ang nasasakop ng kanilang mga pakpak ay siyam na metro. Nakatayo ang mga rebultong kerubin at parehong nakaharap sa bulwagan ng Templo.
14 Ang(E) ginamit na tabing ay mga telang hinabi sa lanang kulay asul, kulay ube, at kulay pula, at mamahaling lino. Pinaburdahan pa ito ng mga larawan ng kerubin.
Ang Dalawang Haliging Tanso(F)
15 Sa harap ng Templo, nagtayo siya ng dalawang haligi na labing-anim na metro ang taas at ang taas naman ng pinagkakabitan nito sa itaas ay dalawa't kalahating metro. 16 Nagpagawa siya ng mga kadena at isinabit iyon na parang kuwintas sa ibabaw ng mga haligi, at ikinabit sa mga kadena ang sandaang bunga ng granadang yari sa tanso. 17 Itinayo niya sa magkabilang tagiliran ng pasukan ng Templo. Ang nasa kanan ay tinawag na Jaquin at ang nasa kaliwa ay tinawag na Boaz.
Chinese Contemporary Bible Copyright © 1979, 2005, 2007, 2011 by Biblica® Used by permission. All rights reserved worldwide.
Copyright © 2004 by World Bible Translation Center
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
