犹大王亚玛谢

25 亚玛谢二十五岁登基,在耶路撒冷执政二十九年。他母亲叫约耶但,是耶路撒冷人。 他做耶和华视为正的事,只是没有全心去做。 他巩固了王位后,立即处死了杀他父王的臣仆, 但没有处死他们的孩子,遵行了耶和华在摩西律法书中的吩咐:“不可因孩子犯罪而处死父亲,也不可因父亲犯罪而处死孩子。各人要自负罪责。”

与西珥人交战

亚玛谢召集犹大人,按着犹大和便雅悯宗族设立千夫长和百夫长,并数点二十岁以上、能使用盾牌矛枪且有作战能力的精兵,共有三十万人。 他又用三点四吨银子从以色列雇来十万精兵。 一位上帝的仆人来对他说:“王啊,不要让以色列的军队与你同去,因为耶和华不与以色列人——以法莲的子孙同在。 你若一定要去,即使你奋勇争战,上帝也必使你败在敌人面前,因为上帝有能力帮助,也有能力倾覆。” 亚玛谢问上帝的仆人:“我付给以色列军队的三点四吨银子怎么办?”上帝的仆人回答说:“耶和华能赐给你更多的银子。” 10 于是,亚玛谢解散从以法莲雇来的军队,让他们回家去。他们非常恼怒犹大人,怒气冲冲地回家去了。

11 亚玛谢鼓起勇气,率领本国军队去盐谷,杀了一万西珥人, 12 又把生擒的一万人推下山崖摔得粉身碎骨。 13 可是,那些被亚玛谢遣返、未能出征的以色列军队侵入从撒玛利亚到伯·和仑一带的犹大各城,杀了三千人,抢了大批财物。

14 亚玛谢杀败以东人[a]后,带回了他们的神像,立为自己的神明,向它们祭拜烧香。 15 因此,耶和华向亚玛谢发怒,祂派一个先知去见他,说:“这些神明既然不能从你手中救自己的人民,你为什么还要祭拜它们呢?” 16 先知的话还没有说完,王就打断他,说:“住口!谁立你做王的谋士了?你要自取灭亡吗?”先知停了一下,又说:“我知道上帝已定意要毁灭你,因为你做了这事,不听我的忠告。”

与以色列交战

17 犹大王亚玛谢与群臣商议后,就派人对耶户的孙子、约哈斯的儿子、以色列王约阿施说:“来,我们战场上见。” 18 以色列王约阿施派人回复犹大王亚玛谢说:“黎巴嫩的蒺藜派使者去对黎巴嫩的香柏树说,‘将你的女儿嫁给我儿子吧。’后来黎巴嫩的一只野兽经过,把那蒺藜践踏在脚下。 19 你打败了以东人就趾高气扬。你还是待在家里吧,何必惹祸上身,使你和犹大一同灭亡呢?”

20 但亚玛谢不理会他的劝告。原来这事出于上帝,要把他们交在约阿施手中,因为他们求告以东的神明。 21 于是,以色列王约阿施起兵攻打犹大王亚玛谢,两王会战于犹大的伯·示麦。 22 犹大人被以色列人打败,兵将都各自逃回家去了。 23 以色列王约阿施在伯·示麦擒获约哈斯的孙子、约阿施的儿子、犹大王亚玛谢,把他带到耶路撒冷,又拆毁从以法莲门到角门约一百八十米长的耶路撒冷城墙, 24 抢走俄别·以东在上帝殿中看守的所有金银和器皿以及王宫里的财宝,并带着人质返回撒玛利亚。

25 约哈斯的儿子以色列王约阿施死后,约阿施的儿子犹大王亚玛谢又活了十五年。 26 亚玛谢其他的事自始至终都记在犹大与以色列的列王史上。 27 亚玛谢背弃耶和华后,耶路撒冷有人谋反,他就逃到拉吉,但叛党派人追到那里杀了他。 28 有人用马将他的尸体驮回耶路撒冷,葬在犹大城他的祖坟里。

Footnotes

  1. 25:14 以东人又称西珥人。

Si Haring Amazias ng Juda(A)

25 Dalawampu't limang taon si Amazias nang siya'y maging hari at dalawampu't siyam na taon siyang naghari sa Jerusalem. Ang kanyang ina ay si Jehoadan na taga-Jerusalem. Naging kalugud-lugod kay Yahweh ang kanyang mga ginawa, ngunit hindi niya ginawa ang mga ito nang buong puso. Nang matatag na siya sa kanyang paghahari, ipinapatay niya ang mga tauhan niya na pumatay sa kanyang amang hari. Ngunit(B) hindi niya pinatay ang kanilang mga anak alinsunod sa utos ni Yahweh na nasa aklat ni Moises na ganito ang sinasabi, “Hindi dapat parusahan ng kamatayan ang mga magulang dahil sa krimeng nagawa ng mga anak ni ang mga anak dahil sa krimeng nagawa ng mga magulang. Ang mismong may sala lamang ang siyang dapat patayin.”

Digmaan Laban sa Edom(C)

Pagkatapos, tinipon ni Amazias ang mga lalaki sa Juda at pinagpangkat-pangkat ayon sa kani-kanilang angkan. Ginawa rin niya ito sa lipi ni Benjamin. Bumuo siya ng mga pangkat na libu-libo at ng mga daan-daan. Nilagyan niya ang mga ito ng kanya-kanyang pinuno. Pagkatapos, ibinukod niya ang mga kabataang may dalawampung taon ang gulang pataas at nakatipon siya ng tatlong daang libo. Lahat ng ito'y handang makipagdigma at sanay humawak ng panangga at sibat. Kumuha pa siya sa Israel ng 100,000 matatapang na kawal at inupahan niya ang mga ito ng 3,500 kilong pilak. Ngunit may isang lingkod ng Diyos na nagpayo sa kanya ng ganito: “Mahal na hari, huwag po ninyong isasama ang hukbo ng Israel sa inyong pagsalakay sapagkat hindi na po pinapatnubayan ni Yahweh ang mga Efraimitang iyon! Maaaring iniisip ninyo na palalakasin nila kayo sa digmaan. Ngunit ang Diyos ang nagbibigay ng tagumpay o pagkatalo. Ipapatalo niya kayo sa inyong mga kaaway.”

Sinabi ni Amazias sa propeta, “Ngunit paano naman ang mga pilak na naibayad ko na sa kanila?”

Sumagot ang propeta ng Diyos, “Higit pa riyan ang maibibigay sa inyo ni Yahweh.”

10 Pinauwi na nga ni Amazias ang mga kawal na mula sa Efraim. Dahil dito, lubha silang nagdamdam at umuwing galit na galit sa mga taga-Juda.

11 Lumakas ang loob ni Amazias at sumalakay sila sa Libis ng Asin at may sampung libong mga kawal ng Edom ang kanilang napatay. 12 Ang sampung libo pa na kanilang nabihag ay dinala nila sa itaas ng bangin at inihulog mula roon kaya namatay ang mga itong bali-bali ang mga buto. 13 Ang mga kawal naman ng Israel na pinauwi ni Amazias ay sumalakay sa Juda mula sa Samaria hanggang Beth-horon. Pinagpapatay nila ang tatlong libong mamamayan doon at nag-uwi pa ng maraming samsam.

14 Pagkatapos nilang malupig ang mga Edomita, kinuha ni Amazias ang mga diyus-diyosan ng mga ito at dinala sa Jerusalem. Kinilala niyang diyos ang mga iyon, sinamba at hinandugan. 15 Ikinagalit ito ni Yahweh, kaya sinugo niya ang isang propeta at sinabi kay Amazias, “Bakit ka sumamba sa mga diyos ng ibang bansa na hindi nakapagligtas sa kanilang sariling bayan mula sa iyong kapangyarihan?”

16 Nagsasalita pa ito'y sinabi na sa kanya ng hari, “Kailan pa kita ginawang tagapayo ko? Tumigil ka kung ayaw mong mamatay.”

Bago tumahimik ang propeta sinabi muna niya ito: “Alam kong pupuksain ka ng Diyos dahil sa ginawa mong ito at dahil hindi ka nakinig sa aking payo.”

Dinigma ang Israel(D)

17 Si Amazias na hari ng Juda ay nakipagpulong sa kanyang mga tagapayo. Pagkatapos, nagpadala siya ng mensahe kay Joas na hari ng Israel, na anak ni Joahaz at apo ni Jehu. Hinamon niya ito ng labanan. 18 Ito naman ang sagot ni Joas na hari ng Israel: “Ang dawag sa Lebanon ay nagpadala ng sugo sa sedar ng Lebanon upang sabihin, ‘Ang anak mong dalaga'y ipakasal mo sa aking anak.’ Ngunit may dumaang mabangis na hayop mula sa Lebanon at tinapakan ang dawag. 19 Sinasabi mong natalo mo ang Edom at ipinagmalaki mo iyon! Mabuti pa'y tumigil ka na sa bahay mo! Bakit lumilikha ka ng gulo na ikapapahamak mo at ng iyong bayan?”

20 Ngunit hindi ito pinansin ni Amazias sapagkat kalooban ng Diyos na mahulog sa kamay ni Joas ang Juda, bilang parusa sa pagsamba ni Amazias sa mga diyus-diyosan ng Edom. 21 Nagharap sa labanan si Haring Joas ng Israel at si Haring Amazias ng Juda, sa Beth-semes na sakop ng Juda. 22 Natalo ng Israel ang Juda at ang mga kawal nito'y tumakas pauwi. 23 Ngunit nabihag ni Haring Joas si Haring Amazias at dinala ito sa Jerusalem. Winasak ni Joas ang pader ng lunsod mula sa Pintuang Efraim hanggang sa Pintuan sa Sulok, mga 180 metro ang haba. 24 Sinamsam niya ang lahat ng ginto at pilak at mga kagamitan sa Templo ng Diyos na nasa pag-iingat ng mga anak ni Obed-Edom. Sinamsam din niya ang mga kayamanan sa palasyo at nagdala pa siya sa Samaria ng mga bihag.

25 Labinlimang taon pang nabuhay si Haring Amazias ng Juda mula nang mamatay si Haring Joas ng Israel. 26 Ang iba pang mga ginawa ni Amazias mula sa pasimula hanggang sa wakas ng kanyang paghahari ay nakasulat sa Aklat ng mga Hari ng Juda at Israel. 27 Mula nang sumuway siya kay Yahweh, nagkaroon ng sabwatan sa Jerusalem laban sa kanya kaya't tumakas siya patungong Laquis, ngunit sinundan siya roon at pinatay. 28 Ang kanyang bangkay ay isinakay sa kabayo at inilibing sa libingan ng kanyang mga ninuno sa Lunsod ni David.