2 Cronica 22
Magandang Balita Biblia
Si Haring Ahazias ng Juda(A)
22 Pagkamatay ni Jehoram, ang bunsong anak nitong si Ahazias ang iniluklok ng mga taga-Jerusalem upang maging hari. Ang ibang mga kapatid niya ay napatay ng pangkat na sumalakay sa Juda kasama ng mga Arabo, kaya siya ang ginawang hari ng Juda. 2 Apatnapu't dalawang taon na si Ahazias nang magsimulang maghari at isang taon siyang namahala sa Juda. Sa Jerusalem siya nanirahan. Ang ina niya'y si Atalia na apo ni Omri.
3 Sinunod din ni Ahazias ang gawain ng mga hari sa Israel sapagkat ang kanyang ina ang naging tagapayo niya sa paggawa ng masama. 4 Tulad sa angkan ni Ahab, hindi nalugod si Yahweh sa ginawa niya sapagkat ang mga ito ang naging tagapayo niya pagkamatay ng kanyang ama. At ito ang dahilan ng kanyang pagbagsak. 5 Ang mga ito rin ang sinunod niya nang sumama siya kay Joram[a] na anak ni Haring Ahab ng Israel upang labanan sa Ramot-gilead si Hazael na hari ng Siria. Sa labanang iyon nasugatan si Joram.[b] 6 Dahil sa nangyaring ito, ibinalik siya sa Jezreel upang doon magpagaling ng mga sugat. Doon siya dinalaw ni Ahazias. 7 Kalooban ng Diyos na ang pagdalaw niyang ito ang maging pagkakataon para siya bumagsak. Sumama siya kay Joram[c] upang makipagkita kay Jehu na anak ni Namsi. Si Jehu ang pinili ni Yahweh upang lipulin ang sambahayan ni Ahab. 8 Sa pagsasakatuparan nito, natagpuan niya ang mga pinuno ng Juda at ang mga pamangkin ni Ahazias na naglilingkod dito. Kaya't pinagpapatay niya ang mga ito. 9 Ipinahanap nila si Ahazias at natagpuan ito sa Samaria. Dinala nila ito kay Jehu at kanyang ipinapatay. Ipinalibing niya ito at ang sabi, “Apo ito ni Jehoshafat na tapat na naglingkod kay Yahweh.” Walang natira sa sambahayan ni Ahazias na may kakayahang maghari sa Juda.
Si Reyna Atalia ng Juda(B)
10 Nang malaman ni Atalia na ang anak niyang si Ahazias ay patay na, pinagpapatay rin niya ang sambahayan ng hari ng Juda. 11 Ngunit naitakas ni Jehosabet ang anak ni Ahazias na si Joas. Itinago niya ito sa isang silid-tulugan sa Templo kasama ng tagapag-alaga. Sa ganoong paraan iniligtas ni Jehosabet ang kanyang pamangking si Joas. Si Jehosabet ay asawa ng paring si Joiada at kapatid ni Ahazias sapagkat sila'y anak ni Haring Jehoram. 12 Si Joas ay itinago niya sa Templo kaya hindi napatay. Anim na taon siya roon, sa buong panahong namamahala si Atalia bilang reyna.
Footnotes
- 2 Cronica 22:5 Joram: Sa tekstong Hebreo ay “Jehoram” , na isang paraan ng pagbaybay sa pangalang ito.
- 2 Cronica 22:5 Joram: Sa tekstong Hebreo ay “Jehoram” , na isang paraan ng pagbaybay sa pangalang ito.
- 2 Cronica 22:7 Joram: Sa tekstong Hebreo ay “Jehoram” , na isang paraan ng pagbaybay sa pangalang ito.
历代志下 22
Chinese New Version (Simplified)
亚哈谢作犹大王(A)
22 耶路撒冷的居民立了约兰的小儿子亚哈谢接续他作王;因为那些和阿拉伯人同来攻营的匪徒,把亚哈谢的哥哥全都杀了。这样,犹大王约兰的儿子亚哈谢就作了王。 2 亚哈谢登基的时候是二十二岁(“二十二岁”原文作“四十二岁”;现参照古译本和王下8:26修译);他在耶路撒冷作王一年。他的母亲名叫亚他利雅,是暗利的孙女。 3 亚哈谢也随从亚哈家的道路,因为他母亲教唆他行恶。 4 他行耶和华看为恶的事,好象亚哈家一样,因为他的父亲死了以后,亚哈家的人就教唆他,好使他灭亡。 5 他随从了他们的计谋,和以色列王亚哈的儿子约兰一同到基列的拉末去,和亚兰王哈薛交战;亚兰人击伤了约兰。 6 于是约兰回到耶斯列去,医治他在拉末和亚兰王交战的时候所受的伤。犹大王约兰的儿子亚撒利雅,因亚哈的儿子约兰病了,就下到耶斯列去看他。
亚哈谢遭害(B)
7 亚哈谢去见约兰,就遇了害,这原是出于 神;因为他去到以后,就和约兰一同出去攻击宁示的孙子耶户。这耶户就是耶和华所膏的,为要除灭亚哈家。 8 耶户讨伐亚哈家的罪的时候,遇见了犹大的众领袖和亚哈谢的兄弟的儿子,他们都是侍候亚哈谢的,耶户把他们都杀了。 9 耶户追寻亚哈谢。那时,亚哈谢躲藏在撒玛利亚,有人捉住他,把他带到耶户那里,耶户就杀了他,却把他埋葬了,因为他们说:“他是约沙法的孙子;这约沙法是一心寻求耶和华的。”这样,亚哈谢的家没有一人有能力可以保持王权的。
亚他利雅弄权(C)
10 亚哈谢的母亲亚他利雅见自己的儿子死了,就起来杀尽犹大家中所有王族的后裔。 11 但是王的女儿约示巴,把亚哈谢的儿子约阿施从那些将要被杀的王子中偷出来,把他和他的乳母都藏在卧房里。约兰王的女儿约示巴是大祭司耶何耶大的妻子,把约阿施收藏起来,躲避亚他利雅,免得被亚他利雅杀死,因为约示巴是亚哈谢的妹妹。 12 约阿施和他们在 神的殿里一同躲藏了六年;那时亚他利雅统治犹大地。
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Chinese New Version (CNV). Copyright © 1976, 1992, 1999, 2001, 2005 by Worldwide Bible Society.