Add parallel Print Page Options

Si Haring Jehoram ng Juda(A)

21 Namatay si Jehoshafat at inilibing sa Lunsod ni David sa libingan ng kanyang mga ninuno. Pumalit sa kanya ang kanyang anak na si Jehoram. Ang iba pang mga anak na lalaki ni Haring Jehoshafat ng Juda ay sina Azarias, Jehiel, Zacarias, Azarias, Micael at Sefatias. Pinamanahan sila ng kanilang ama ng maraming pilak, ginto at iba pang mahahalagang ari-arian. Binigyan din sila ng mga may pader na lunsod sa Juda, ngunit kay Jehoram ibinigay ang paghahari sapagkat siya ang panganay. Nang matatag na ang paghahari ni Jehoram, pinatay niya ang kanyang mga kapatid at ang ilan pang pinuno sa Juda. Tatlumpu't dalawang taon siya nang magsimulang maghari at walong taóng namahala sa Juda. Sa Jerusalem siya nanirahan. Sapagkat napangasawa niya ang anak ni Ahab, ginawa rin niya ang mga bagay na hindi kalugud-lugod kay Yahweh. Nagpakasama rin siya tulad ng mga naging hari ng Israel, tulad ng sambahayan ni Ahab. Ngunit(B) ayaw wasakin ni Yahweh ang paghahari ng angkan ni David alang-alang sa kanyang pangako kay David. Ipinangako ni Yahweh na ang paghahari ay hindi niya aalisin sa angkan ni David magpakailanman.

Nang(C) panahon ng pamamahala ni Jehoram, naghimagsik ang Edom laban sa Juda at naglagay ng sariling hari. Inilabas ni Jehoram at ng kanyang mga pinuno ang lahat nilang karwahe at sinalakay ang Edom. Gabi nang sila'y sumalakay, ngunit napaligiran sila at natalo. 10 Kaya mula noon, hindi na muling nasakop ng Juda ang Edom. Naghimagsik din kay Jehoram ng Juda ang Lunsod ng Libna dahil sa pagtalikod nito kay Yahweh, ang Diyos ng kanyang mga ninuno.

11 Hindi lamang iyon, nagtayo pa siya ng mga sambahan ng mga pagano sa mga burol ng Juda at nanguna sa mga taga-Jerusalem sa pagsamba sa mga diyus-diyosan. Siya ang nanguna sa mga taga-Juda para gumawa ng kasamaan. 12 Tumanggap si Jehoram ng isang sulat mula kay Elias na isang propeta. Ang sabi sa liham:

“Ito ang mensahe ni Yahweh, ang Diyos ni David na iyong ama, ‘Hindi mo sinundan ang halimbawa ng iyong amang si Jehoshafat at ni Asa na hari sa Juda. 13 Sa halip, ang sinunod mo'y ang ginawa ng mga hari sa Israel. Inakit mo sa masamang gawain ang Juda at ang mga taga-Jerusalem gaya ng ginawa sa Israel ng sambahayan ni Ahab. Pinatay mo ang iyong mga kapatid at kasambahay na mas mabuti kaysa iyo. 14 Dahil dito, paparusahan ni Yahweh ang iyong bayan, ang iyong mga asawa't anak, at mawawasak ang lahat ng mga ari-arian mo. 15 Magkakasakit ka nang malubha at luluwa ang mga bituka mo sa tindi ng hirap na daranasin mo sa araw-araw.’”

16 Ginamit ni Yahweh ang mga Filisteo at ang mga Arabong malapit sa Etiopia laban kay Jehoram. 17 Kaya't nilusob ng mga ito ang Juda at sinamsam lahat ang ari-arian sa palasyo. Binihag nila ang lahat ng anak at asawa ng hari, maliban sa kanyang bunsong anak na lalaking si Ahazias.[a]

18 Pagkatapos niyon, si Jehoram ay pinadapuan ni Yahweh ng malubhang sakit sa bituka, isang karamdamang walang lunas. 19 Makalipas ang dalawang taon, lumuwa ang kanyang bituka at dumanas siya ng matinding hirap hanggang sa siya'y mamatay. Hindi man lamang siya ipinagluksa ng kanyang mga kababayan; di tulad ng ginawa nila sa kanyang mga ninuno. 20 Si Jehoram ay tatlumpu't dalawang taon nang magsimulang maghari, at walong taon siyang namahala. Wala isa mang nalungkot sa kanyang pagkamatay. Doon siya inilibing sa Lunsod ni David ngunit hindi isinama sa libingan ng mga hari.

Footnotes

  1. 2 Cronica 21:17 Ahazias: Sa tekstong Hebreo ay “Jehoahaz” , na isang paraan ng pagbaybay sa pangalang ito.

约兰作犹大王(A)

21 约沙法和他的列祖同睡,和他的列祖一起葬在大卫城里;他的儿子约兰接续他作王。 约兰有几个兄弟,就是约沙法的儿子亚撒利雅、耶歇、撒迦利雅、亚撒利雅、米迦勒和示法提雅;这些人都是犹大王约沙法的儿子。 他们的父亲把许多礼物,就是金、银、财宝,以及犹大地的几座设防城都赐给了他们,却把王位赐给了约兰,因为他是长子。

约兰一登上了他父亲的王位,巩固了自己的权势以后,就用刀杀了他所有的兄弟和犹大的一些领袖。 约兰登基的时候是三十二岁,他在耶路撒冷作王共八年。 他随从众以色列王的道路,好象亚哈家所行的一样,因为他娶了亚哈的女儿作妻子,行耶和华看为恶的事。 耶和华因为自己和大卫所立的约,不愿消灭大卫家;却照着他应许的,永远赐灯光给大卫和他的子孙。

以东人与立拿人背叛犹大(B)

约兰在位的日子,以东人反叛,脱离了犹大的统治,自立一王统治他们。 约兰率领他的众军长和所有的战车一同前去;他夜间起来,攻击那些包围他的以东人和战车队长。 10 从此,以东人反叛,脱离了犹大的统治,直到今日。那时,立拿人也反叛了,因为约兰离弃了耶和华他列祖的 神。 11 他又在犹大众山上建筑邱坛,使耶路撒冷的居民行邪淫,引诱犹大人。

以利亚的警告

12 以利亚先知有信送给约兰,说:“耶和华你的先祖大卫的 神这样说:‘因为你没有遵行你父亲约沙法的道路,也没有遵行犹大王亚撒的道路, 13 却随从了以色列诸王的道路,使犹大人和耶路撒冷的居民行邪淫,好象亚哈家行邪淫一样;又杀了你父家比你良善的众兄弟; 14 所以耶和华要用极大的灾祸击打你的人民、妻子和儿女,以及你的一切财产。 15 至于你,你的肠脏必患严重的病,直到因病情日益严重,你的肠子都流出来了。’”

非利士人的进攻

16 后来,耶和华激动了非利士人和靠近古实的阿拉伯人的心,和约兰作对。 17 他们上来攻打犹大,侵入境内,掠去了王宫的一切财物,又掳去了他的众子和妻妾;除了他最小的儿子约哈斯以外,没有给他留下一个儿子。

约兰患重病不治

18 这些事以后,耶和华击打约兰,使他的肠脏患了不治之症。 19 他病了很久。过了二年,他的肠子因病重流了出来,他就病死了;他的人民没有为他烧火,好象从前为他的列祖烧火一样。 20 约兰登基的时候是三十二岁;他在耶路撒冷作王共八年;他离世的时候,没有人哀悼他。人把他埋葬在大卫城里,可是没有葬在众王的陵墓里。