犹大与以色列争战

16 亚撒执政第三十六年,以色列王巴沙上来攻打犹大,修筑拉玛,企图隔断犹大王亚撒与外界的联系。 于是,亚撒收集耶和华殿里和王宫库房里的金银,派人送给住在大马士革的亚兰王便·哈达,说: “我们之间应立盟约,像我们的父亲之间立约一样,现在奉上金银为礼,请你取消与以色列王巴沙立的盟约。这样,他就会从我境内退兵。” 便·哈达接受了亚撒王的提议,派将领攻打以色列的城邑,攻占了以云、但、亚伯·玛音和拿弗他利所有的储货城。 巴沙闻讯,就停止修筑拉玛。 亚撒王率领全体犹大人,将巴沙修筑拉玛所用的石头和木材全部搬走,用来修建迦巴和米斯巴。

哈拿尼先见

那时,哈拿尼先见晋见犹大王亚撒说:“因为你不倚靠你的上帝耶和华,反而倚靠亚兰王,所以亚兰王的军队已经从你手中逃脱。 古实人与路比人不是一支强大的军队吗?他们的战车骑兵不是极多吗?然而,因为你倚靠耶和华,耶和华就把他们交在你手中。 耶和华的眼目遍察天下,彰显大能来扶助那些全心归向祂的人。你做了愚蠢的事!从此以后,你必遭遇战祸。” 10 亚撒听了就对先见发怒,把他囚禁在监狱里,同时又压迫一些民众。

亚撒逝世

11 亚撒其他的事自始至终都记在犹大和以色列的列王史上。 12 亚撒执政第三十九年患了严重的脚病。然而,他在病中却没有寻求耶和华的帮助,只寻求医生的帮助。 13 亚撒在他执政第四十一年去世,与他祖先同眠, 14 葬在大卫城他为自己凿的坟墓里。民众把他放在堆满精心调制的各种香料的床上,又点了一堆大火向他致哀。

Pagputol ng Pakikipagkaibigan sa Israel(A)

16 Nang ikatatlumpu't anim na taon ng paghahari ni Asa, nilusob ni Haring Baasa ng Israel ang Juda. Pinalibutan niya ng pader ang Rama upang walang makaalis o kaya'y makapunta kay Asa sa Juda. Dahil dito, nakipag-ugnay si Asa kay Ben-hadad na hari ng Siria at nakatira sa Damasco. Nagpadala siya ng pilak at ginto na kinuha niya sa kabang-yaman ng Templo ni Yahweh at sa kanyang palasyo. Ganito ang sinabi niya, “Pinadadalhan kita ng pilak at ginto. Ibig kong magtulungan tayo tulad nang ginawa ng ating mga magulang. Sirain mo na ang kasunduan ninyo ni Baasa na hari ng Israel upang hindi na niya ako guluhin.” Sumang-ayon naman si Ben-hadad at pinasalakay niya ang mga pinuno ng kanyang hukbo sa mga lunsod ng Israel. Napasok ng mga ito ang Ijon, Dan, Abelmain at ang mga lunsod-imbakan sa Neftali. Nang mabalitaan ito ni Baasa, ipinatigil niya ang pagpapader sa Rama. Dahil dito, tinawag ni Haring Asa ang mga taga-Juda at ipinahakot ang lahat ng bato at kahoy na naiwan sa itinatayong pader at ginamit niya ang mga ito sa pagpapader sa Geba at Mizpa.

Si Propeta Hanani

Nagpunta noon kay Asa si Hanani na isang propeta at sinabi, “Dahil nagtiwala ka sa hari ng Siria, sa halip na kay Yahweh na iyong Diyos, natakasan ka ng hukbo ng hari ng Siria.[a] Mas malaki ang mga hukbo ng mga taga-Etiopia at mga taga-Libya. Napakarami nilang karwahe at mga mangangabayo ngunit ibinigay sila sa iyo ni Yahweh sapagkat sa kanya ka nagtiwala. Nagmamasid si Yahweh sa buong daigdig upang tumulong sa lahat ng tapat sa kanya. Dahil sa kahangalan mong ito, mula ngayo'y lagi kang magkakaroon ng digmaan.” 10 Sa sinabing ito, nagalit si Asa kay Hanani at ito'y ikinadena sa bilangguan. Mula noo'y naging malupit si Asa sa mga tao.

Ang Buod ng Kasaysayan ni Asa(B)

11 Lahat ng ginawa ni Asa mula sa simula hanggang wakas ay nakatala sa Aklat ng Kasaysayan ng mga Hari ng Juda at Israel. 12 Noong ikatatlumpu't siyam na taon ng kanyang paghahari, nagkaroon siya ng malubhang sakit sa paa. Sa halip na kay Yahweh humingi ng tulong, sa mga manggagamot siya sumangguni. 13 Namatay siya nang ikaapatnapu't isang taon ng kanyang paghahari. 14 Inilibing siya sa Lunsod ni David sa isang libingang yungib na ipinasadya niya para sa kanyang sarili. Inilagay siya sa isang kabaong na nilagyan ng lahat ng uri ng pabango. Bilang pagpaparangal sa kanya, gumawa ang mga tao ng napakalaking siga.

Footnotes

  1. 2 Cronica 16:7 Siria: Sa ibang manuskrito'y Israel .