Add parallel Print Page Options

Solomon’s Walk with Yahweh

Solomon intermarried with Pharaoh the king of Egypt, and he took the daughter of Pharaoh and brought her to the city of David until he finished building his house, the house of Yahweh, and the walls of Jerusalem all around. But the people were sacrificing on the high places, for the house for the name of Yahweh had not yet been built in those days. Solomon loved Yahweh, by walking in the statutes of David his father; only he was sacrificing and offering incense on the high places. So the king went to Gibeon to sacrifice, for the great high place was there. Solomon used to offer a thousand burnt offerings on that altar.

Solomon’s Request for Wisdom

Yahweh appeared to Solomon at Gibeon in a dream at night, and God said, “Ask what I should give to you.” Then Solomon said, “You have shown great loyal love with your servant David my father, as he walked before you in faithfulness and in righteousness and in uprightness of heart with you. You have shown for him this great loyal love, and you have given a son to him who is sitting on his throne as it is this day. So then, O Yahweh, you are my God. You have made your servant king in place of David my father though I am a young boy. I do not know going out or coming in. Your servant is in the middle of your people whom you have chosen; a great people who cannot be counted or numbered because of abundance. Give to your servant a listening heart to judge your people, to discern between good and bad, because who is able to judge this, your difficult people?”

10 The word was good in the eyes of the Lord that Solomon had asked this thing. 11 And God said to him, “Because you have asked this thing and you did not ask for yourself a long life[a] and you did not ask riches for yourself and you did not ask for the life of your enemies, but you have asked for yourself the ability to make wise judgments;[b] 12 behold, I do hereby do according to your word. I hereby give you a wise and discerning heart; there was no one like you before you, nor afterwards will one like you arise. 13 Too, what you have not asked I give to you: both riches and honor, so that no man among the kings will be like you all of your days. 14 If you will walk in my ways by keeping my statutes and my commandments, as David your father walked, then I will lengthen your days.” 15 Then Solomon awoke, and look, it was a dream, and he came to Jerusalem and stood before the ark of the covenant of the Lord, and he offered burnt offerings and presented fellowship offerings, and he held a feast for all of his servants.

Solomon’s Wisdom Tested: The Two Prostitutes

16 Then two prostitutes came to the king, and they stood before him. 17 The one woman said, “Please my lord, I and this woman are living in one house, and I gave birth, with her in the house. 18 It happened on the third day after my giving birth, this woman also gave birth, and we were together. There was not anyone with us in the house, only the two of us were in the house. 19 Then the son of this woman died in the night because she laid on him. 20 So she got up in the middle of the night, and she took my son from beside me while your servant was asleep, and she put him in her lap, and she put her dead son in my lap. 21 When I got up in the morning to nurse my son, behold, he was dead! When I looked closely at him in the morning, behold, it was not my son whom I had borne.” 22 Then the other woman said, “No, for my son is the living one, and your son is the dead one.” The other kept on saying, “No, for your son is the dead one, and my son is the living one,” and so they argued in front of the king. 23 Then the king said, “This one is saying, ‘This is my son, the living one, but your son is the dead one,’ and the other one keeps saying, ‘But no! Your son is the dead one, and my son is living!’” 24 So the king said, “Bring me a sword,” and they brought the sword before the king. 25 Then the king said, “Divide the living child into two, and give half to the one and half to the other.” 26 Then the woman whose son was the living one spoke to the king because her compassion was aroused for her son, and she said, “Please, my lord, give her the living child, but certainly do not kill him!” The other one was saying, “As for me, so for you! Divide him!” 27 Then the king answered and said, “Give the living child to her, and do not kill him; she is his mother.” 28 When all of Israel heard the judgment that the king had rendered, they stood in awe[c] of the king, because they realized that the wisdom of God was in him to execute justice.

Footnotes

  1. 1 Kings 3:11 Literally “many days”
  2. 1 Kings 3:11 Literally “understanding to hear judgment”
  3. 1 Kings 3:28 Literally “feared the face”

Humingi si Solomon ng Karunungan(A)

Nakipag-alyansa si Solomon sa Faraon na hari ng Egipto at naging asawa niya ang anak nito. Dinala niya ang kanyang asawa sa Lungsod ni David[a] hanggang sa matapos niya ang pagpapatayo ng kanyang palasyo, ng templo ng Panginoon, at ng mga pader sa paligid ng Jerusalem. Wala pang templo noon para sa Panginoon, kaya ang mga tao ay naghahandog sa mga sambahan sa matataas na lugar.[b] Ipinakita ni Solomon ang pagmamahal niya sa Panginoon sa pamamagitan ng pagtupad ng mga tuntunin na iniwan ng ama niyang si David. Maliban doon, naghandog siya at nagsunog ng mga insenso sa mga sambahan sa matataas na lugar.

Isang araw, pumunta si Haring Solomon sa Gibeon para maghandog dahil naroon ang pinakatanyag na sambahan sa mataas na lugar. Nag-alay siya sa altar ng 1,000 handog na sinusunog. Kinagabihan, nagpakita sa kanya ang Panginoon sa pamamagitan ng isang panaginip. Sinabi ng Dios sa kanya, “Humingi ka ng kahit ano at ibibigay ko ito sa iyo.” Sumagot si Solomon, “Nagpakita po kayo ng malaking kabutihan sa aking amang si David, na inyong lingkod, dahil matapat siya sa inyo, at matuwid ang kanyang pamumuhay. Patuloy nʼyo pong ipinakita sa kanya ang inyong malaking kabutihan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng isang anak na siya pong pumalit sa kanya bilang hari ngayon. Panginoon na aking Dios, ako na inyong lingkod ang ipinalit ninyo sa ama kong si David bilang hari, kahit binatilyo pa ako at wala pang karanasan sa pamamahala. At ngayon narito po ako kasama ang pinili ninyong mga mamamayan, na hindi mabilang sa sobrang dami. Kaya bigyan nʼyo po ako ng karunungan para pamahalaan ang inyong mga mamamayan at kaalamang malaman kung ano ang mabuti at masama. Dahil sino po ba ang may kakayahang mamahala sa inyong mga mamamayan na napakarami?”

10 Natuwa ang Panginoon sa hiningi ni Solomon. 11 Kaya sinabi ng Dios sa kanya, “Dahil humingi ka ng kaalaman na mapamahalaan ang aking mga mamamayan at hindi ka humingi ng mahabang buhay o kayamanan o kamatayan ng iyong mga kaaway, 12 ibibigay ko sa iyo ang kahilingan mo. Bibigyan kita ng karunungan at kaalaman na hindi pa naangkin ng kahit sino, noon at sa darating na panahon. 13 Bibigyan din kita ng hindi mo hiningi, ang kayamanan at karangalan para walang hari na makapantay sa iyo sa buong buhay mo. 14 At kung susunod ka sa aking mga pamamaraan at tutupad sa aking mga tuntunin at mga utos, katulad ng ginawa ng iyong ama na si David, bibigyan kita ng mahabang buhay.”

15 Nagising si Solomon, at naunawaan niya na nakipag-usap ang Panginoon sa kanya sa pamamagitan ng panaginip. Pagbalik ni Solomon sa Jerusalem, tumayo siya sa harap ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon at nag-alay ng mga handog na sinusunog at mga handog para sa mabuting relasyon.[c] Nagpahanda agad siya ng mga pagkain para sa lahat ng pinuno niya.

Ang Mahusay na Paghatol ni Solomon

16 May dalawang babaeng bayaran na pumunta kay Haring Solomon. 17 Nagsalita ang isa sa kanila, “Mahal na Hari, ako at ang babaeng ito ay nakatira sa iisang bahay. Nanganak ako habang naroon siya sa bahay. 18 Pagkalipas ng tatlong araw, siya naman ang nanganak. Kaming dalawa lang ang nasa bahay at wala nang iba. 19 Isang gabi, nahigaan niya ang kanyang anak at namatay ito. 20 Nang maghatinggabi, bumangon siya habang natutulog ako at pinagpalit ang mga anak namin. Inilagay niya ang anak ko sa tabi niya at ang anak naman niyang namatay ay inilagay niya sa tabi ko. 21 Kinabukasan, nang bumangon ako para pasusuhin ang anak ko, nakita kong patay na ito. At nang mapagmasdan ko nang mabuti ang sanggol sa liwanag, nakita kong hindi siya ang aking anak.”

22 Sumagot ang isang babae, “Hindi totoo iyan! Akin ang buhay na sanggol at sa iyo ang patay.” Pero sinabi ng unang babae, “Hindi totoo iyan! Iyo ang patay na sanggol at akin ang buhay.” Kaya nagsagutan silang dalawa sa harapan ng hari.

23 Sinabi ng hari, “Ang bawat isa sa inyo ay gustong angkinin ang buhay na sanggol at walang isa man sa inyo ang gustong umangkin sa patay na sanggol.” 24 Kaya nag-utos ang hari na bigyan siya ng espada. At nang dalhan siya ng espada, 25 inutos niya, “Hatiin ang buhay na sanggol at ibigay ang bawat kalahati sa kanilang dalawa.”

26 Dahil sa awa ng totoong ina sa kanyang sanggol, sinabi niya sa hari, “Maawa po kayo, Mahal na Hari, huwag po ninyong patayin ang sanggol. Ibigay nʼyo na lang po siya sa babaeng iyan.” Pero sinabi ng isang babae, “Hatiin nʼyo na lang po ang sanggol para wala ni isa man sa amin ang makaangkin sa kanya.”

27 Pagkatapos, sinabi ng hari, “Huwag hatiin ang buhay na sanggol. Ibigay ito sa babae na nagmamakaawa na huwag itong patayin, dahil siya ang tunay na ina.”

28 Nang marinig ng mga mamamayan ng Israel ang pagpapasya ng hari, lumaki ang paggalang nila sa kanya, dahil nakita nila na may karunungan siyang mula sa Dios sa paghatol ng tama.

Footnotes

  1. 3:1 Lungsod ni David: Ito ay isang lugar na bahagi ng Jerusalem.
  2. 3:2 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. Ganito rin sa talatang 3.
  3. 3:15 handog para sa mabuting relasyon: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.

所罗门求智慧

所罗门娶了埃及法老的女儿,与法老结盟。他在自己的王宫、耶和华的殿和耶路撒冷的城墙完工之前,让她一直住在大卫城。 那时候,用来尊崇耶和华之名的殿还没有建成,以色列人仍然在丘坛献祭。 所罗门爱耶和华,遵行他父亲大卫的律例,只是仍然在丘坛献祭烧香。

有一次,所罗门王上基遍献了一千头祭牲作燔祭,因为那里有最重要的丘坛。 在基遍,耶和华晚上在梦中向所罗门显现,对他说:“你想要什么,只管向我求。”

所罗门说:“你的仆人——我父大卫本着诚实、公义、正直的心在你面前行事,你就向他大施恩慈,并且一如既往地以厚恩待他,让他儿子今天继承他的王位。 我的上帝耶和华啊,你让仆人继承我父亲大卫的王位,但仆人还年幼无知,不懂得如何治理国家。 仆人住在你所拣选的子民中,这些子民多得不可胜数。 求你赐我智慧治理你的子民,并能辨别是非;不然,我又怎能治理你这众多的子民呢?” 10 主喜悦所罗门的祈求, 11 对他说:“既然你不为自己求寿、求财富,也不求灭绝仇敌,只求有智慧治理我的子民, 12 我必应允你,赐给你空前绝后的智慧和悟性。 13 你没有求富贵和尊荣,但我会一并赐给你,使你有生之年在列王中无人能比。 14 你若像你父亲大卫一样遵行我的道,遵守我的律例和诫命,我必使你长寿。”

15 所罗门醒来,发现是在做梦。他回到耶路撒冷,站在耶和华的约柜前献上燔祭和平安祭,又宴请群臣。

智断死婴案

16 一天,两个妓女到王面前告状。 17 其中一个说:“我主啊,我跟这女人同住,我生了一个男孩,当时她也在场。 18 我生产后三天,她也生了一个男孩。我们住在一起,除了我们二人,屋里没有别人。 19 一天晚上,她不小心压死了自己的孩子。 20 她半夜起来,趁我熟睡的时候抱走了我身边的孩子,放在她怀中,把她的死孩子放在我怀中。 21 天快亮的时候,我起来给孩子喂奶,发现孩子死了。天亮后,我仔细察看孩子,发现孩子不是我生的。” 22 另一个女人说:“不对!活孩子是我的,死孩子是你的。”第一个女人说:“不对!死孩子是你的,活孩子是我的。”两个女人在王面前争吵起来。 23 王见她们二人都说活孩子是自己的,死孩子是对方的, 24 就命人拿刀来。侍从把刀拿来后, 25 王下令将那活孩子劈成两半,让她们各得一半。 26 活孩子的母亲心疼自己的孩子,就说:“我主啊,把孩子给她吧,千万不要杀他!”但另一个女人却说:“孩子不归我,也不归你,把他劈开吧!”

27 王说:“不可杀这孩子,把他交给刚才为孩子求情的女人吧!她是孩子的母亲。” 28 以色列人听见王这样断案,都敬畏他,因为他们知道他有上帝所赐的智慧,可以秉公执法。