Gawa 4
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Sina Pedro at Juan sa Harapan ng Korte
4 Habang nagsasalita pa sina Pedro at Juan sa mga tao, nilapitan sila ng mga pari, ng kapitan ng mga guwardya sa templo, at ng mga Saduceo. 2 Nagalit sila dahil nangangaral ang dalawa na muling nabuhay si Jesus, at itoʼy nagpapatunay na may muling pagkabuhay. 3 Kaya dinakip nila sina Pedro at Juan. Iimbestigahan pa sana ang dalawa, pero dahil gabi na, ipinasok na lang muna sila sa bilangguan hanggang sa kinaumagahan. 4 Pero kahit ganito ang nangyari sa kanila, marami sa mga nakarinig ng kanilang pagtuturo ang sumampalataya. Ang mga lalaki na sumampalataya ay 5,000.
5 Kinabukasan, nagtipon sa Jerusalem ang mga namamahalang pari, mga pinuno ng mga Judio at mga tagapagturo ng Kautusan. 6 Naroon din si Anas na punong pari, si Caifas, si Juan, si Alexander, at ang iba pang mga miyembro ng pamilya ni Anas. 7 Iniharap sa kanila sina Pedro at Juan at tinanong, “Sa anong kapangyarihan at kaninong awtoridad[a] ang inyong ginamit sa pagpapagaling sa taong lumpo?”
8 Si Pedro na puspos ng Banal na Espiritu ay sumagot, “Kayong mga namamahalang pari at mga pinuno ng mga Judio, 9 kung ang itinatanong ninyo sa amin ay tungkol sa paggaling ng taong lumpo, 10 dapat malaman ninyong lahat at ng lahat ng taga-Israel, na ang taong ito na nakatayo rito ngayon ay pinagaling ng kapangyarihan[b] ni Jesu-Cristo na taga-Nazaret. Siya ang inyong ipinako sa krus at pinatay, ngunit binuhay siyang muli ng Dios. 11 Si Jesus ang tinutukoy na bato sa talatang ito ng Kasulatan: ‘Ang bato na itinakwil ninyong mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong pundasyon.’ 12 Walang sinuman sa mundong ito ang makapagliligtas sa atin kundi si Jesus lang.”
13 Namangha sila kina Pedro at Juan dahil sa lakas ng loob nilang magsalita, lalo na nang malaman nilang mga karaniwang tao lang sila at walang mataas na pinag-aralan. Namukhaan din nilang silaʼy mga kasama ni Jesus noon. 14 Magsasalita pa sana sila laban sa himalang ginawa nina Pedro at Juan, pero dahil ang taong pinagaling ay nakatayo mismo sa tabi ng dalawa, wala na silang nasabi. 15 Kaya pinalabas muna nila sina Pedro at Juan sa kanilang pinagtitipunan at nag-usap-usap sila. 16 Sinabi nila, “Ano ang gagawin natin sa mga taong ito? Sapagkat kumalat na ang balita sa buong Jerusalem na nakagawa sila ng himala, at hindi natin ito maikakaila. 17 Kaya para huwag nang kumalat ang kanilang pangangaral sa mga tao, balaan natin sila na huwag nang magturo tungkol kay Jesus.”
18 Ipinatawag nila sina Pedro at Juan at sinabihang huwag nang magsalita o magturo tungkol kay Jesus. 19 Pero sumagot sina Pedro at Juan, “Isipin nga ninyong mabuti kung alin ang tama sa paningin ng Dios: ang sumunod sa inyo o ang sumunod sa Dios? 20 Hindi pwedeng hindi namin ipahayag ang aming nakita at narinig.”
21 Pero mahigpit pa rin silang binawalan na mangaral bago sila pinakawalan. Gusto sana nilang parusahan ang dalawa, pero hindi nila magawa. Natatakot sila sa mga tao, dahil pinupuri ng mga ito ang Dios sa nangyaring himala. 22 Sapagkat ang taong pinagaling sa pamamagitan ng himala ay mahigit 40 taon nang lumpo.
Ang Panalangin ng mga Mananampalataya
23 Nang pinakawalan na sina Pedro at Juan, bumalik sila sa kanilang mga kasamahan, at ibinalita nila kung ano ang sinabi ng mga namamahalang pari at ng mga pinuno ng mga Judio. 24 Nang marinig iyon ng mga mananampalataya, nanalangin sila sa Dios. Sinabi nila, “Panginoon na makapangyarihan sa lahat, kayo po ang lumikha ng langit, ng lupa, ng dagat, at lahat ng nasa mga ito. 25 Nagsalita kayo sa pamamagitan ng aming ninunong si David na inyong lingkod. Sinabi niya sa patnubay ng Banal na Espiritu,
‘Bakit matindi ang galit ng mga bansa?
Bakit sila nagpaplano ng wala namang patutunguhan?
26 Ang mga hari at mga pinuno sa mundo ay nagsama-sama,
at nagsipaghanda sa pakikipaglaban sa Panginoon,
at sa kanyang Cristo.’[c]
27 Natupad na ngayon ang sinabi ninyo noon, dahil dito mismo sa Jerusalem, ang mga Judio at hindi Judio, pati si Haring Herodes at si Gobernador Pilato, ay nagkaisang kalabanin ang inyong banal na lingkod na si Jesus na inyong pinili na maging Hari. 28 Sa kanilang ginawa, natupad na ang inyong balak noon. At itoʼy nangyari ayon sa inyong kapangyarihan at kalooban. 29 At ngayon, Panginoon, pinagbabantaan nila kami. Tulungan nʼyo kami na inyong mga lingkod na maging matapang sa pangangaral ng inyong salita. 30 Ipakita nʼyo ang inyong kapangyarihan. Loobin nʼyo na sa pamamagitan ng kapangyarihan[d] ni Jesus na inyong banal na lingkod ay mapagaling namin ang mga may sakit at makagawa kami ng mga himala at mga kamangha-manghang bagay.”
31 Pagkatapos nilang manalangin, nayanig ang bahay na kanilang pinagtitipunan. Silang lahat ay napuspos ng Banal na Espiritu at buong tapang na nangaral ng salita ng Dios.
Ang Pagtutulungan ng mga Mananampalataya
32 Nagkaisa ang mga mananampalataya sa damdamin at isipan. Itinuring ng bawat isa na ang kanilang mga ari-arian ay hindi lang para sa kanilang sarili kundi para sa lahat. 33 Patuloy ang paggawa ng mga apostol ng mga kamangha-manghang gawa bilang patunay na ang Panginoong Jesus ay talagang nabuhay muli. At lubusang pinagpala ng Dios ang lahat ng mga mananampalataya. 34 Hindi sila nagkulang sa kanilang pangangailangan dahil ipinagbili ng mga may kaya ang kanilang mga lupaʼt bahay, 35 at ang peraʼy ibinigay nila sa mga apostol. At ibinigay naman ito ng mga apostol sa bawat isa ayon sa kanilang pangangailangan.
36 Ganyan din ang ginawa ng Levitang si Jose na taga-Cyprus. Tinatawag siya ng mga apostol na Bernabe, na ang ibig sabihin ay “Tagapagpalakas ng Loob.” 37 Ibinenta ni Jose ang kanyang lupa at ang peraʼy ibinigay niya sa mga apostol.
使 徒 行 傳 4
Chinese New Testament: Easy-to-Read Version
使徒与犹太议会
4 正当彼得和约翰向众人讲话时,一些祭司、大殿的看守长和撒都该人走了过来。 2 因为彼得和约翰正在教导人们,宣讲通过耶稣基督死里复活的事情,所以他们非常恼怒和不安。 3 他们逮捕了彼得和约翰,并把他们囚禁在牢房里过夜,因为当时已是晚上了。 4 但是,听到传道的人中许多人都信了,信徒由此增加到约五千人。
5 第二天,犹太人首领、年长的犹太首领和律法师都聚在耶路撒冷。 6 大祭司亚那和该亚法、约翰、亚力山大以及大祭司的亲属都在那里。 7 他们把彼得和约翰带到面前,质问道: “你们凭什么权力,又仗着谁的名义来这么做的呢?”
8 此时,彼得浑身充满圣灵,他对他们说∶“人民的首领和年长的犹太首领! 9 如果今天为我们治愈了一个残疾人的善行和他如何被治愈的,而质问我们的话, 10 那么,你们和所有的以色列人,都应该知道,让站在你们面前这个人痊愈的,是拿撒勒的耶稣基督名字的力量。你们把耶稣钉在十字架上,但是,上帝却让他死而复活。 11 耶稣是:
‘那块被你们建筑工扔掉的石头,
它现在变成了重要的基石。’ (A)
12 耶稣是唯一能有拯救的那位,因为,在天下没有赐给人们任何其它的名字,通过耶稣,我们必得救。”
13 当那些人看到彼得和约翰有如此的勇气,而且也知道他们没受过什么教育,只是普普通通的人而已时,都非常惊讶。他们意识到彼得和约翰曾与耶稣在一起过。 14 不过,他们既然看到和他们站在一起的那个被治愈了的人,也便无话可说了。 15 他们下令,要彼得和约翰离开议会,然后,开始彼此商量道: 16 “我们该拿这些人怎么办呢?住在耶路撒冷的人都知道了,通过他们所行的这个令人注目的奇迹,我们是无法否认它了。 17 但是,为了阻止此事在人们中间进一步扩散,我们必须警告他们,不得再以那个人的名义来向任何人讲话。”
18 然后,他们又把彼得和约翰叫了进来,命令他们不得以耶稣的名义说什么话或教导任何事情。 19 彼得和约翰却回答道∶“请你们自己判断,在上帝面前,我们应该听从你们的话,还是应该听从上帝的话呢? 20 我们对自己的所见所闻不能不说。” 21 他们进一步威胁了他们一番后,便把他们释放了。他们找不到任何办法来惩罚他们,因为当地所有的人都在为所发生的一切赞美着上帝。 22 因为那个被奇迹般治愈的人当时已经四十多岁了。
彼得和约翰回到信徒中间
23 彼得和约翰一被释放,又回到了自己人中间,向他们讲述了祭司长和年长的犹太首领对他们所说的一切。 24 人们听到这些,都异口同声地高声向上帝祷告道∶“主啊,您造就了天空、大地、海洋和其中的一切。 25 您,借圣灵,通过你的仆人,我们的祖先大卫之口说道:
‘众邦为何怒火冲天,
人们为什么要图谋虚妄?
26 地上的国王们为争战做好了准备;
统治者们结集在一起对抗主和他的基督。’ (B)
27 是的,希律和本丢彼拉多已经与外族人和以色列人聚集在这个城市,图谋反对您神圣的仆人耶稣、即您所立的基督。 28 他们聚在一起做的每一件事情,都是您,凭着您的力量和旨意预先决定应该发生的事情。 29 而现在,主啊,请明察他们的威胁,让您的仆人能够勇敢地讲述您的信息, 30 请您伸出手,治愈疾病,并通过您的圣仆耶稣的名字使奇事和神迹得以发生。”
31 人们刚祷告完,他们聚集的地方便颤动起来了。霎那间,他们都被圣灵充满,大胆地讲着上帝的信息。
信徒同分享
32 所有的信徒同心同意,没有人说他的财产只属于自己,而是互相分享拥有的一切。 33 使徒们用巨大的力量为主耶稣的复活做了见证,上帝慷慨地赐福给所有的信徒。 34 这些人中,没有一个缺少什么的,因为那些有田有房的人变卖财产后,把所得的钱, 35 放在了使徒的脚边。这些钱又按需分发给了每一个人。
36 一位来自塞浦路斯的利未人,名叫约瑟,使徒们都叫他“巴拿巴”(意思是“鼓舞他人的那位”)。 37 他卖掉了一块他拥有的地,把钱放在了使徒的脚边。
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Copyright © 2004 by World Bible Translation Center