Añadir traducción en paralelo Imprimir Opciones de la página

Ang mga Bantay ng Libingan

62 Kinabukasan ay ang araw pagkatapos ng paghahanda. Ang mga pinunong-saserdote at mga Fariseo ay nagtipun-tipon sa harap ni Pilato.

63 Sinabi nila: Ginoo, naala-ala namin ang sinabi ng mandarayang iyon nang nabubuhay pa siya. Sinabi niya: Pagkalipas ng tatlong araw, ako ay babangon. 64 Ipag-utos mo nga na bantayang maigi ang libingan hanggang sa ikatlong araw at baka sa gabi ay nakawin siya ng kaniyang mga alagad. At sabihin nila sa mga tao: Siya ay nabuhay mula sa mga patay. Kung magkakagayon, ang pandaraya ay magiging malala kaysa una.

65 Sinabi ni Pilato sa kanila: Mayroon kayong tagapag­bantay. Humayo kayo at ipabantayang mahigpit ayon sa inyong kakayanan.

Read full chapter