Add parallel Print Page Options

12 Nang magkagayo'y si Zorobabel na anak ni Sealtiel, at si Josue na anak ni Josadac, na pangulong saserdote, sangpu ng buong nalabi sa bayan, (A)nagsitalima sa tinig ng Panginoon nilang Dios, at sa mga salita ni Hagai na propeta, na siyang sinugo ng Panginoon nilang Dios; at ang bayan ay natakot sa harap ng Panginoon.

13 Nang magkagayo'y nagsalita si Hagai, na sugo ng Panginoon ayon sa (B)pasugo ng Panginoon sa bayan, na nagsasabi, (C)Ako'y sumasainyo, sabi ng Panginoon.

14 At kinilos ng Panginoon ang kalooban ni Zorobabel na anak ni Sealtiel, na gobernador sa Juda, at ang kalooban ni Josue na anak ni Josadac na pangulong saserdote, at ang kalooban ng buong nalabi sa bayan; at sila'y nagsiparoon, at nagsigawa sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo, na kanilang Dios,

15 (D)Nang ikadalawang pu't apat na araw ng buwan, nang buwang ikaanim, nang ikalawang taon ni Dario na hari.

Ang kahirapan ng mga tao ay dahil sa sila'y di tapat.

(E)Nang ikapitong buwan nang ikadalawang pu't isang araw ng buwan, dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta, na nagsasabi,

Salitain mo ngayon kay (F)Zorobabel na anak ni Sealtiel, na gobernador sa Juda, at kay Josue na anak ni Josadac, na pangulong saserdote, at sa (G)nalabi sa bayan, na sabihin mo,

Sino ang nananatili (H)sa inyo na nakakita sa bahay na ito sa kaniyang dating kaluwalhatian? at paanong nakikita ninyo ngayon? hindi baga sa inyong mga mata ay parang wala?

Gayon ma'y magpakalakas ka (I)ngayon, Oh Zorobabel, sabi ng Panginoon; at magpakalakas ka, Oh Josue, na anak ni Josadac, na pangulong saserdote; at mangagpakalakas kayo, kayong buong bayan sa lupain, sabi ng Panginoon, at (J)kayo'y magsigawa: sapagka't ako'y sumasa inyo sabi ng Panginoon ng mga hukbo,

Ayon (K)sa salita na aking itinipan sa inyo nang kayo'y magsilabas sa Egipto, at ang (L)aking Espiritu ay nanahan sa inyo: huwag kayong mangatakot.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (M)Minsan na lamang, sangdaling panahon, at (N)aking uugain ang langit, at ang lupa, at ang dagat, at ang tuyong lupa;

At aking uugain (O)ang lahat na bansa; (P)at darating ang mga bagay na nais ng lahat na bansa; at aking pupunuin ang bahay na ito ng (Q)kaluwalhatian, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

(R)Ang pilak ay akin, at ang ginto ay akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Ang huling kaluwalhatian (S)ng bahay na ito ay magiging lalong dakila kay sa dati, sabi ng Panginoon ng mga hukbo; at sa dakong ito ay magbibigay ako ng (T)kapayapaan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.