Add parallel Print Page Options

18 At si Pablo, pagkatapos na makatira na roong maraming araw, ay nagpaalam sa mga kapatid, at buhat doo'y lumayag na patungo sa (A)Siria, at kasama niya si (B)Priscila at si Aquila: na (C)inahit niya ang kaniyang buhok sa (D)Cencrea; sapagka't siya'y may panata.

19 At sila'y nagsidating sa Efeso, at sila'y iniwan niya doon: datapuwa't pumasok siya sa sinagoga, at nangatuwiran sa mga Judio.

20 At nang siya'y pamanhikan nila na tumigil pa roon ng ilang panahon, ay hindi siya pumayag;

21 Kundi nang siya'y nagpaalam sa kanila, at nagsabi, Babalik uli ako sa inyo kung loobin ng Dios, siya'y naglayag buhat sa Efeso.

22 At nang makalunsad na siya sa (E)Cesarea, ay siya'y umahon at bumati sa iglesia, at lumusong sa (F)Antioquia.

23 At nang makagugol na siya roon ng ilang panahon, ay umalis siya, at tinahak ang lupain ng (G)Galacia, at Frigia, na sunodsunod, (H)na pinagtitibay ang lahat ng mga alagad.

24 Ngayon ang isang Judio na nagngangalang (I)Apolos, na isang (J)Alejandrino sa lahi, at taong marikit mangusap, ay dumating sa Efeso; at siya'y makapangyarihan ukol sa mga kasulatan.

25 Ang taong ito'y tinuruan sa daan ng Panginoon; at palibhasa'y may maningas na espiritu, ay kaniyang sinalita at itinurong maingat ang mga bagay na tungkol kay Jesus, (K)na ang naalaman lamang ay ang bautismo ni Juan:

26 At siya'y nagpasimulang magsalita ng buong tapang sa sinagoga. Datapuwa't nang siya'y marinig ni Priscila at ni (L)Aquila, ay kanilang isinama siya, at isinaysay sa kaniya (M)ang daan ng Panginoon ng lalong maingat.

27 At nang ibig niyang lumipat sa (N)Acaya, ay pinalakas ng mga kapatid ang kaniyang loob at sila'y nagsisulat sa mga alagad na siya'y tanggapin: at nang siya'y dumating doon, (O)ay lubos na tumulong siya sa mga nagsisampalataya sa pamamagitan ng biyaya;

28 Sapagka't may kapangyarihang dinaig niya ang mga (P)Judio, at hayag, na ipinakilala sa pamamagitan ng mga kasulatan na si Jesus ay ang Cristo.

Read full chapter