Genesis 25
Ang Biblia (1978)
Si Abraham at si Cetura.
25 At si Abraham ay nagasawa ng iba, at ang pangalan ay Cetura.
2 At (A)naging anak nito sa kaniya si Zimram at si Joksan, at si Medan, at si Midiam, at si Ishbak, at si Sua.
3 At naging anak ni Joksan si Seba at si Dedan. At ang mga anak na lalake ni Dedan, ay si Assurim at si Letusim, at si Leummim.
4 At ang mga anak ni Midian: si Epha at si Epher, at si Enech, at si Abida, at si Eldaa. Lahat ng ito ay mga anak ni Cetura.
5 (B)At ibinigay ni Abraham ang lahat ng kaniyang tinatangkilik kay Isaac.
6 Datapuwa't ang mga anak ng naging mga babae ni Abraham, ay pinagbibigyan ni Abraham ng mga kaloob; at samantalang nabubuhay pa siya ay (C)mga inilayo niya kay Isaac na kaniyang anak sa dakong silanganan (D)sa lupaing silanganan.
7 At ito ang mga araw ng mga taon ng buhay na ikinabuhay ni Abraham, isang daan at pitong pu't limang taon.
Ang kamatayan ni Abraham.
8 At (E)nalagot ang hininga ni Abraham at namatay sa mabuting katandaan, matanda at puspos ng mga taon; at (F)nalakip sa kaniyang bayan.
9 (G)At inilibing siya ni Isaac at ni Ismael na kaniyang mga anak sa yungib ng Macpela, sa parang ni Ephron, na anak ni Zohar na Hetheo, na nasa tapat ng Mamre;
10 Sa parang na binili ni Abraham sa mga anak ni Heth: (H)doon inilibing si Abraham at si Sara na kaniyang asawa.
11 At nangyari, pagkamatay ni Abraham, na pinagpala ng Dios si Isaac na kaniyang anak; at si Isaac ay nanahan sa tabi ng (I)Beer-lahai-roi.
12 Ang mga ito nga ang sali't saling lahi ni Ismael, anak ni Abraham, (J)na naging anak kay Abraham ni Agar na taga Egipto, na alila ni Sara:
13 (K)At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Ismael, ayon sa kanikaniyang lahi: ang panganay ni Ismael ay si Nabaioth; at si Cedar, at si Adbeel, at si Mibsam,
14 At si Misma, at si Duma, at si Maasa,
15 At si Hadad, at si (L)Tema, si (M)Jetur, si Naphis, at si Cedema:
16 Ito ang mga anak ni Ismael, at ito ang kanikaniyang pangalan, ayon sa kanikaniyang nayon, at ayon sa kanikaniyang hantungan: (N)labing dalawang pangulo ayon sa kanilang bansa.
17 At ito ang mga naging taon ng buhay ni Ismael, isang daan at tatlong pu't pitong taon; (O)at nalagot ang hininga at namatay; at siya'y nalakip sa kaniyang bayan.
18 (P)At nagsisitahan sila mula sa Havila hanggang sa (Q)Shur, na natatapat sa Egipto, kung patutungo sa Asiria; siya'y tumahan sa harap ng lahat niyang mga kapatid.
19 At ito ang mga sali't saling lahi ni Isaac, na anak ni Abraham: naging anak ni (R)Abraham si Isaac,
20 At si Isaac ay may apat na pung taon, nang siya'y magasawa kay Rebeca, na (S)anak ni Bethuel na taga Siria sa Padan-aram, (T)kapatid na babae ni Laban na taga Siria.
21 At nanalangin si Isaac sa Panginoon dahil sa kaniyang asawa, sapagka't baog; (U)at nadalanginan niya ang Panginoon, at si Rebeca na kaniyang asawa ay naglihi.
22 At nagbubuno ang mga bata sa loob niya; at kaniyang sinabi, Kung ganito'y bakit nabubuhay pa ako? (V)At siya'y yumaong nagsiyasat sa Panginoon.
23 At sinabi sa kaniya ng Panginoon,
Dalawang bansa ay nasa iyong bahay-bata,
At (W)dalawang bayan ay papaghihiwalayin mula sa iyong tiyan:
At ang isang (X)bayan ay magiging malakas kaysa isang bayan;
(Y)At ang matanda ay maglilingkod sa bata.
Panganganak kay Esau at kay Jacob.
24 At nang matupad ang mga araw ng kaniyang kapanganakan, narito't kambal sa kaniyang bahay-bata.
25 At ang unang lumabas ay mapula na (Z)buong katawa'y parang mabalahibong damit; at siya'y pinanganlang Esau.
26 At pagkatapos ay lumabas ang kaniyang kapatid, at ang kaniyang kamay ay (AA)nakakapit sa sakong ni Esau; (AB)at ipinangalan sa kaniya ay Jacob: at si Isaac ay may anim na pung taon na, nang sila'y ipanganak ni Rebeca.
Ipinagbili ni Esau ang kaniyang pagkapanganay.
27 At nagsilaki ang mga bata; (AC)at si Esau ay naging maliksi sa pangangaso, lalake sa parang; at si Jacob ay lalaking tahimik, na tumatahan sa mga tolda.
28 Minamahal nga ni Isaac si Esau, (AD)sapagka't kumakain ng kaniyang pinangangasuhan: (AE)at minamahal ni Rebeca si Jacob.
29 At nagluto si Jacob ng lutuin: at dumating si Esau na galing sa parang, at siya'y nanglalambot:
30 At sinabi ni Esau kay Jacob, Ipinamamanhik ko sa iyo na pakanin mo ako niyaong mapulang lutuin; sapagka't ako'y nanglalambot: kaya't tinawag ang pangalan niya na Edom.
31 At sinabi ni Jacob, Ipagbili mo muna sa akin ang iyong pagkapanganay.
32 At sinabi ni Esau, Narito, ako'y namamatay: at saan ko mapapakinabangan ang pagkapanganay?
33 At sinabi ni Jacob, Isumpa mo muna sa akin; at isinumpa niya sa kaniya: (AF)at kaniyang ipinagbili ang kaniyang pagkapanganay kay Jacob.
34 At binigyan ni Jacob si Esau ng tinapay at nilutong lentehas; at siya'y kumain, at uminom, at bumangon at yumaon: gayon niwalang halaga ni Esau ang kaniyang pagkapanganay.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978