Add parallel Print Page Options

20 Mayroon akong ilang bagay laban sa iyo dahil pinahintulutan mo ang babaeng si Jezebel, na tinawag niya ang kaniyang sarili na babaeng propeta. Siya ay nagtuturo at inililigaw ang aking mga alipin upang sila ay makiapid at kumain ng mga inihain sa diyos-diyosan. 21 Binigyan ko siya ng panahon upang makapagsisi sa kaniyang pakikiapid. Ngunit hindi siya nagsisi. 22 Narito, inihagis ko siya sa isang higaan. Ang mga nangangalunya sa kaniya ay ihahagis ko sa isang dakilang paghihirap, kung hindi sila magsisisi sa kanilang mga gawa. 23 Papatayin ko ang kaniyang mga anak. At malalaman ng lahat ng iglesiya na ako yaong sumusuri sa kaloob-looban at sa mga puso. Ibibigay ko sa bawat isa sa inyo ayon sa kaniyang mga gawa.

Read full chapter