Add parallel Print Page Options

17 Sinasabi (A) ng Espiritu at ng babaing ikakasal, “Halika.”
Magsabi ang bawat nakikinig, “Halika.”
Lumapit ang nauuhaw.
Ang sinumang may nais ay kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad.

18 Binabalaan (B) ko ang sinumang nakikinig sa mga salita ng propesiya ng aklat na ito: sinumang magdagdag sa mga ito, idadagdag ng Diyos sa kanya ang mga salot na nakasulat sa aklat na ito; 19 at sinumang magbawas mula sa mga salita ng aklat ng propesiyang ito, babawasin ng Diyos ang kanyang bahagi sa puno ng buhay at sa banal na lungsod, na nakasulat sa aklat na ito.

20 Ang nagpapatotoo sa mga bagay na ito ay nagsasabi, “Oo, malapit na akong dumating.”[a]

Amen. Dumating ka nawa, Panginoong Jesus!

Read full chapter

Footnotes

  1. Pahayag 22:20 o mabilis akong dumarating.