Filipos 3:4-5
Ang Salita ng Diyos
4 Bagaman ako ay maaari ding magtiwala sa gawa ng tao.
Kung sinuman ay mag-aakala na siya ay may dahilan upang magtiwala sa gawa ng tao, lalo na ako.
5 Tinuli ako sa ika-walong araw. Ako ay nanggaling sa lahi ng Israel,mula sa lipi ni Benjamin. Ako ay isang Hebreong nagmula sa mga Hebreo. Kung ang pag-uusapan ay patungkol sa kautusan, ako ay isang Fariseo.
Read full chapter
Filipos 3:4-5
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
4 Bagaman maaari kong gawin iyon. Kung sa palagay ng iba may dahilan silang magmalaki, lalo na ako: 5 tinuli ako (A) nang ikawalong araw, akong mula sa lahi ng Israel, mula sa lipi ni Benjamin, isang tunay na Hebreo, at tungkol sa kautusan, ako'y isang Fariseo.
Read full chapter
Filipos 3:4-5
Ang Biblia (1978)
4 Bagama't ako'y makapagkakatiwala sa laman: na kung ang iba ay nagaakala na may pagkakatiwala sa laman, ay lalo na ako:
5 Na tinuli ng ikawalong araw, (A)mula sa lahi ng Israel, (B)mula sa angkan ni Benjamin, Hebreo sa mga Hebreo; tungkol sa kautusan, ay (C)Fariseo;
Read full chapterCopyright © 1998 by Bibles International
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978