Add parallel Print Page Options

22 Ngunit lumingon si Jesus at pagkakita niya sa kaniya, sinabi niya: Anak, lakasan mo ang iyong loob. Pinagaling ka ng iyong pananampalataya. At ang babae ay gumaling mula sa oras na iyon.

23 Nang dumating si Jesus sa bahay ng pinuno, nakita niya ang mga tumutugtog ng plawta at ang maraming tao na nagkakagulo. 24 Sinabi niya sa kanila: Lumabas na kayo sapagkat ang batang babae ay hindi patay kundi natutulog lamang. At pinagtawanan nila siya. 25 Nang mapalabas na niya ang mga tao, pumasok siya. Hinawakan niya ang kamay ng batang babae at siya ay bumangon. 26 At napabalita ang pangyayaring ito sa buong lupaing iyon.

Pinagaling ni Jesus ang Bulag at Pipi

27 Nang lisanin ni Jesus ang dakong iyon, sinundan siya ng dalawang lalaking bulag. Sila ay sumisigaw na sinasabi: Ikaw na Anak ni David, mahabag ka sa amin.

28 Pagpasok niya sa bahay, lumapit ang dalawang lalaki sa kaniya. Sinabi ni Jesus sa kanila: Sumasampalataya ba kayong magagawa ko ito?

Sinabi nila sa kaniya:Oo, Panginoon.

29 Nang magkagayon, hinipo niya ang kanilang mga mata at sinabi: Mangyari sa inyo ang ayon sa inyong pananampalataya.

Read full chapter