Add parallel Print Page Options

10 Ngayon din ay nakalapat na ang palakol sa ugat ng mga punong-kahoy. Kaya nga, ang bawat punong-kahoy na hindi nagbubunga ng mabuti ay puputulin at ihahagis sa apoy.

11 Binabawtismuhan ko nga kayo ng tubig sa pagsisisi, ngunit siya na dumarating na kasunod ko ay higit na dakila kaysa sa akin. Hindi ako karapat-dapat magdala ng kaniyang panyapak. Siya ang magbabawtismo sa inyo sa Banal na Espiritu at sa apoy. 12 Hawak na niya ang kaniyang pantahip upang linisin niya nang lubos ang kaniyang giikan. Titipunin niya ang kaniyang trigo sa bangan. Ngunit ang dayami ay susunugin niya sa apoy na hindi namamatay.

Read full chapter