Add parallel Print Page Options

35 Ito ay upang dumating sa inyo ang dugo ng lahat ng mga matuwid na nabuhos sa lupa. Ito ay mula pa sa dugo ni Abel, angmatuwid, hanggang sa dugo ni Zacarias na anak ni Baraquias. Si Zacarias ang inyong pinatay sa pagitan ng templo at ng altar. 36 Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang lahat ng mga bagay na ito ay darating sa lahing ito.

37 Jerusalem! Jerusalem! Ikaw na pumapatay sa mga propeta at bumabato sa mga sinugo sa iyo. Gaano kadalas kong ninais na tipunin ang iyong mga anak katulad ng pagtipon ng inahing manok sa kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang pakpak, ngunit ayaw ninyo?

Read full chapter