Add parallel Print Page Options

Kung ang Kapatid mo ay Magkasala sa Iyo

15 Gayunman, kapag ang iyong kapatid na lalaki ay magkasala sa iyo, puntahan mo siya, sabihin mo sa kaniya ang kaniyang kasalanan na kayong dalawa lang. Kung pakinggan ka niya, napanumbalik mo ang iyong kapatid.

16 Ngunit kung ayaw ka niyang pakinggan, magsama ka ng isa o dalawa pa upang sa bibig ng dalawa o tatlo pang mga saksi, ang bawat salita ay mapagtibay. 17 Kung ayaw niya silang pakinggan, sabihin ito sa iglesiya. At kung ang iglesiya man ay ayaw niyang pakinggan, ituring mo na siyang Gentil o maniningil ng buwis.

18 Sinasabi ko sa inyo ang totoo: Anuman ang inyong tatalian sa lupa ay tatalian sa langit. Anuman ang inyong kakalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.

Read full chapter