Add parallel Print Page Options

Maraming bagay ang sinabi niya sa kanila sa pamamagitan ng mga talinghaga.Sinabi niya: Narito, lumabas ang isang manghahasik upang maghasik. Sa kaniyang paghahasik, may ilang binhing nahulog sa tabing-daan. Dumating ang mga ibon at kinain ang mga ito. Ang ilan naman ay nahulog sa mga mabatong lugar at doon ay walang sapat na lupa. Tumubo agad ang mga ito, palibhasa hindi malalim ang lupa. Pagsikat ng araw, nalanta ang mga ito, at dahil sa walang ugat, tuluyan nang nanuyot. Ang ilan naman ay nahulog sa dawagan. Lumago ang mga dawag at siniksik ang mga ito. Ngunit ang ilan ay nahulog sa matabang lupa at nagbunga. Ang ilan ay nagbunga ng tig-iisangdaan, ang ilan ay tig-aanimnapu at ang ilan naman ay tig-tatatlumpu. Ang mga may pandinig ay makinig.

Read full chapter