Add parallel Print Page Options

Pagkaalis niya roon, pumasok siya sa kanilang sinagoga. 10 Narito, may isang lalaking naroroon na tuyot ang kamay. Tinanong nila siya na sinabi: Naaayon ba sa kautusan ang magpagaling sa araw ng Sabat? Tinanong nila siya upang may maiparatang sila sa kaniya.

11 Sinabi niya sa kanila: Kung ang sinuman sa inyo ay may isang tupa at nahulog ito sa malalim na hukay sa araw na Sabat, hindi ba ninyo ito kukunin at iaahon? 12 Ang isang tao ay higit na mahalaga kaysa sa tupa. Kaya naaayon sa kautusan ang gumawa ng mabuti sa araw ng Sabat.

13 Nang magkagayon, sinabi niya sa lalaki: Iunat mo ang iyong kamay. Iniunat niya ito at gumaling ito at naging katulad ng isa.

Read full chapter

Ang Lalaking Paralisado ang Isang Kamay(A)

Umalis doon si Jesus at pumasok sa sinagoga. 10 At naroon ang isang taong paralisado ang isang kamay. Tinanong nila si Jesus, “Ayon ba sa batas ang magpagaling ng maysakit sa araw ng Sabbath?” Itinanong nila ito upang makahanap ng maipaparatang sa kanya. 11 Sinabi niya sa kanila, “Halimbawa, kung isa sa inyo ay may tupang nahulog sa isang hukay sa araw ng Sabbath, hindi ba niya ito aabutin at iaahon? 12 Higit namang napakahalaga ng isang tao kaysa isang tupa! Kaya't naaayon sa batas ang gumawa ng mabuti sa araw ng Sabbath.” 13 At sinabi niya sa lalaki, “Iunat mo ang iyong kamay.” Iniunat nga niya ito at ito'y nanumbalik sa dati, wala nang sakit katulad ng isa.

Read full chapter