Add parallel Print Page Options

21 Sa aba mo, Corazin! Sa aba mo, Betsaida! Ito ay sapagkat kung sa Tiro at Sidon nangyari ang mga himalang ginawa sa inyo, malaon na sana silang nakapagsisi at nagsuot ng magaspang na damit at nagbuhos ng abo sa kanilang sarili. 22 Ngunit sinasabi ko sa inyo: Lalong madali ang titiisin ng Sidon at Tiro sa araw ng paghuhukom kaysa ng sa inyo. 23 Ikaw naman Capernaum, itinaas ka hanggang sa langit, ibababa ka naman hanggang sa hades. Ito ay sapagkat kung ang mga himalang ginawa sa iyo ay sa Sodoma nangyari, mananatili sana iyon hanggang sa araw na ito.

Read full chapter