Add parallel Print Page Options

24 Sinabi niya sa kanila: Ingatan ninyong mabuti ang inyong naririnig, sa panukat na inyong ipinangsukat, kayo ay susu­katin. At sa inyo na nakikinig, kayo ay bibigyan pa. 25 Ito ay sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa. Ngunit siya na wala, maging ang nasa kaniya ay kukunin pa.

Read full chapter

24 Sinabi rin (A) niya, “Unawain ninyong mabuti ang inyong pinakikinggan. Kung ano ang panukat na ginamit ninyo ay siya ring gagamitin sa inyo, at higit pa roon ang ibibigay sa inyo. 25 Sapagkat (B) ang mayroon na ay bibigyan pa; at ang wala, pati na ang nasa kanya ay kukunin pa.”

Read full chapter